Chapter 25
3 YEARS AFTER...
"Oh, my God! College na tayo!" sigaw ni Heira.
"Congrats sa inyo!" sabi ni Reign.
"Deserve nating uminom!"
Nagsigawan kaming magkakaibigan nang isigaw iyon ni Sethere.
"Sagot ko ang alak!" si Camira.
"Sa akin ang pulutan!" si Heira.
"Ako na sa lugar," si Dreo.
"Sige, ako na sa kwento," sabi naman ni Reign.
Nagtawanan kaming lahat sa sinabi niya.
"Sorry, ganda lang maiaambag ko," mayabang kong sabi. Ngumiwi silang lahat sa akin. "Oh, bakit si Seth? Wala siyang ambag!"
"Hoy, ako nag-aya!" sagot ni Seth. Inirapan ko lang siya at inismiran.
Weeks from now and college na kaming lahat. We survived in highschool. All our cries and rants paid well, plus that we are all achievers.
They didn't lie when they said na highschool is the best time in life. It is indeed, lalo na kung kasama mo ang mga kaibigan mo. Tuwing may mahirap na pinapagawa, ang assignments ay nagiging group works. Kapag stressed ka na sa lahat, your friends will be your escape. True friends always got your back and I'm lucky that I have those.
Hindi naging madali sa aming lahat ang nakalipas na tatlong taon. Marami kaming iniyakan at marami ang prinoblema. At alam namin na marami pang darating. Alam kong pagtapak namin ng college mas mahirap ang mga pagdadaanan namin. But I'm ready as long as I have these people and my dreams.
Lahat din kami ay may napili ng kurso sa college, 'yun nga lang ay magkakaiba ng school. Kami lang ni Dreo ang magkasana dahil magkalapit lang naman ang pinili naming course, he took a course for Photography while I took course for Film. Seth pursue Engineering with King and Ray. Camira chose Nursing while Heira go for Accountancy and Gab for Business. Pero si Reign, hindi siya magco-college.
Nalulungkot ako for her kasi alam ko kung gaano niya ka-gustong maging Flight Attendant. Grade 7 pa lang sure na siya sa kukuhanin niya at planado na rin kung saan siya mag-aaral. Pero dahil sa sitwasyon niya ngayon, hindi na rin niya pinagpatuloy.
Sabi niya okay lang naman daw sa kaniya, tinatamad na rin naman daw siya dahil parang ayaw ng mundo. Magtatrabaho na lang daw siya para mapaaga ang pagiging mayaman niya. Sinubukan din namin na hanapan siya ng scholarship pero ayaw niya na talaga. Wala naman kaming nagawa kundi ang suportahan na lang siya.
"Ganda lang ambag ni Amira kasi bawal siyang uminom," sabi ni Dreo saka yumakap sa akin.
Ngumuso ako at sinimangutan siya. Nagtawanan ang mga kasama namin.
"Paano isang baso pa lang lasing na," pang-aasar ni Heira.
"Nanghihingi ng kiss kay Dreo!" Humagalpak ng tawa sila Camira nang sabihin iyon ni Sethere.
"Gago ka!" Binato ng susi ni Dreo si Seth. "Kung pwede lang bigyan, e," dagdag niya at tumawa.
Napayuko na lang ako at napatakip ng mukha dahil sa hiya. Tumawa ulit silang lahat at hindi tumigil sa pang-aasar. Halos pagtinginan kami lahat ng tao sa foodpark dahil sa lakas ng mga tawa nila. Tapos ang lalakas pa ng mura ni Reign.
"Wala pa talaga kayong first kiss?" seryosong tanong ni Camira.
Umiling ako at ngumiti. "Sabi niya bawal daw, sa kasal na namin," sagot ko. Tiningnan ko si Dreo at nakita siyang proud na nakangiti. "Hanggang pisngi lang kaming dalawa."
BINABASA MO ANG
My Lover is a Cheater (Lover Series #1)
Teen Fiction"Bakit parang ang dali lang sa 'yo?" "You made it easy for me!" When they're in high school, Dreo and Ami are like an ideal couple. They are strong because of their genuine love for each other. They had been together for 5 years and had planned the...