Chapter 23:Decision
Daisy POV
"Naparito ako dahil inutusan ako ng hari para turuan ang mahal na prinsipe"
"Inutos ba talaga iyon ni ama"
"Opo dahil gusto ng hari na ihanda ka sa iyong magiging koronasyon bilang panganay na prinsipe" pagkasabi nya iyon ay agad na yumuko ang prinsipe.
"Pero alam naman ni Ama na hindi ako maaring mag mana ng kaharian" sinasabi nya habang nilalaro ang kanyang mga daliri.
Nakakalungkot na isipin na alam na po ng prinsipe. Na maari syang mamatay sa anumang oras dahil.sa sumpa.
"Alam naman iyon ng iyong amang hari pero nais nya pa rin na manahin mo ang kaharian kaysa sa iyong mga kapatid"
"Pero bakit kailangan ako?"
"Dahil hiling iyon ng yumao mong Ina na protektahan ka. At ang paraan lang para gawin iyon ay ang maging tagapagmana ka"
Hindi na umimik ang prinsipe dahil alam nya na totoo ang sinabi sa kanya. Dahil ayon sa batas ng mga royal sa kahariang ito ay papatayin ang lahat ng mga royal na hindi kadugo ng magiging hari. Upang maiwasan ang pagkakaroon ng branch family at hindi magkaroon ng pag aagawan sa trono kapag nakaupo na ang susunod na hari.
Dahil si Prince Royce ay panganay na anak at patay na ang kanyang ina. Wala syang naging kapatid na maari sa kanyang protektahan laban sa iba pa nyang kapatid sa ama. Ang tanging paraan lang para hindi sya papatayin ng susunod na hari ay makuha nya ang trono.
Malabong mapatay ang ikalawang nyang kapatid dahil anak ito ng (1)duchess samantalang sya ay anak ng isang (2) commoner na naging reyna. Masyado mahina ang kanyang magiging backer pero kung sya ay itatalaga ng hari ay may pag asa syang manalo. Mukhang nag aalinlangan pa sya kung tatanggapin nya o hindi.
"Kung yoon po ang kagustuhan ng aking yumaong Ina ay tinatanggap ko na po"
"Magaling kung ganoon, sya nga pa la may gusto akong pag usapan natin Miss Daisy." Napalingon naman ako sa kanya.
"Ano po iyon?"
"Mamaya pagkatapos naming mag usap sa lugar kung saan tayo unang nagkita" dahil sa kagustuhan kong malaman kung ano iyon ay sumang ayon ako.
"Makakaalis ka na dahil may mahalaga pa kaming pag uusapan ng prinsipe"
Kaya yumuko ako at dahan dahan ng umalis. Pagkaalis ko ay inasikaso ko na ang mga dapat kung gawin habang hindi pa tapos mag usap ang prinsipe at si Sir Fernando. Lumipas na ang ilang oras bago sila natapos mag usap. Kaya agad na akong nagpaalam sa prinsipe dahil hindi ko maaring pag antayin ang Grand Tutuer Royal.
"Aalis na po muna ako Roy"
"Sige bumalik ka kaagad at mag iingat ka"
"Paalam po"
Kaya agad na akong pumunta malapit sa garden. Nakita ko kaagad syang nakaupo sa bench na kung saan kami umupo dati ni Nanay Caroline. Kaya lumapit na ako sa kanya.
"Magandang tanghali po Sir Fernando"
"Buti andito ka na Miss Daisy. May mahalaga kasi sana akong gustong sabihin sa iyo." Nagtaka naman ako dahil anong naman ang kailangan sa akin ng isang mataas na opisyal.
"Ano pong maipaglilingkod ko?"
"Gusto ko sanang humingi sayo ng isang malaking pabor"
"Ano po ba iyon?"
"Gusto ko sanang magtraining ka sa paghawak ng mga sandata at maging tagapagbantay ng prinsipe"
"Bakit po ako alam nyo po na isa lamang akong hamak na isang babaeng katulong?"
BINABASA MO ANG
Reincarnated As One Of The Triplets Villain
FantasyIsa lamang akong ordinaryong college student na walang ibang inatupag kundi ang mag aral ng mabuti. Hindi ako laki sa yaman. Kailangan kong magbanat ng buto para mabuhay at makapag aral. May matalik akong kaibigan si Catherine. Wala syang ibang gina...