Chapter 36:The Annoying Prince
Mabilis na akong tumakbo papuntang clinic.
May narinig akong tumatawag sa akin pero hindi ko iyon pinansin.
Pagkarating ko sa clinic nakita ko si Roy na walang malay kaya agad akong lumapit sa nurse.
"Miss kamusta na ang lagay ni Prince Royce?"
"Mabuti naman ang lagay nya at nagpapahinga lang. Magkakilala ba kayo?" Tanong sa akin ng nurse.
"Opo ako po ang tagapagbantay nya"
"Mabuti naman kung ganoon bantayan mo muna sya kanina pa kasi akong hindi nakakain dahil sa sunod sunod na pagdating ng mga estudyante" halatang pagod na pagod na ang nurse sa kanyang tono ng pagsasalita.
"Sige po ako muna ang magbabantay" nakahinga naman sya ng maluwag sa sinabi ko.
"Salamat wag kang mag alala babalik rin naman ako agad pagkatapos kung kumain"kumaway muna sya bago umalis.
Pagka alis nya ay agad akong naghanap ng upuan para umupo.
Nang nakahanap na ako ay agad n akong umupo ng mainip ako sa kakaupo ay agad naman akong tumayo at naglibot libot sa paligid.
Habang naglilibot sa paligid ay may nahagilap akong isang bote na walang nakasulat sa harapan nito.
Kaya kinuha ko iyon ng dahan dahan at ng bubuksan ko na sana ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan.
Kaya agad ko itong sinara at tinago sa bulsa ko bago ako humarap sa pintuan.
"Daisy bakit parang gulat na gulat?" dahan dahan lumapit sya sa akin.
"Ah wala nagulat lang ako ng makita kita dito kamahalan"
Habang patuloy sa paglapit si Prince Nigel ay hinawakan kong mabuti ang bote at paunti unting umatras.
"Ano yang tinatago mo sa bulsa mo?" halatang nagtataka sya sa pag atras ko.
"Wala lang ito wag mo ng pansinin. Bakit ka nga pala nandito kamahalan?" Pagiiba ko ng usapan.
"Nandito ako para ipatingin ang sugat na natamo ko kanina sa laban" Hindi pa din sya tumitigil sa paglapit.
Nauubusan na ako ng dahilan ano na ang susunod na sasabihin ko.
"Anong ginagawa nyo dyan?"
Nakahinga ako ng maluwag ng narinig kong magsalita si Roy.
"Nag uusap lang kaming dalawa"
Kaya dali dali akong lumapit sa kanya at pasimpleng nilagay ang bote sa bag.
"Ah ganon ba" halata sa boses nya na hindi sya kombinsido sa sinabi ko.
"Kamusta na pa la ang iyong pakiramdam. May masakit ka bang nararamdaman sa katawan mo?"Agad naman syang umiling sa akin.
"Asan nga pa la ang nurse dito sa clinic?" Tanong ni Prince Nathan.
"Wala sya dito umalis para kumain kung gusto mo ako na ang gagamot ng sugat mo"umaliwalas agad ang mukha nya pagkatapos kong sabihin iyon.
"Sige ikaw na lang ang gumamot sa akin" agad na syang umupo sa stool.
Hinanap ko agas ang medicine cabinet at kinuha ang first aid kit.
Kumuha ako ng cotton at nilagyan ng alcohol para linisin ang sugat bago ko lagyan ng plaster.
Hindi naman malaki ang sugat na natamo nya mula sa dagger ko dahil baliktad naman ang talim.
"Salamat" nginitian ko naman sya at agad na niligpit ang mga ginamit ko.
BINABASA MO ANG
Reincarnated As One Of The Triplets Villain
FantasyIsa lamang akong ordinaryong college student na walang ibang inatupag kundi ang mag aral ng mabuti. Hindi ako laki sa yaman. Kailangan kong magbanat ng buto para mabuhay at makapag aral. May matalik akong kaibigan si Catherine. Wala syang ibang gina...