Chapter 47:Mystery II
Sa mga nagdaang mga araw bumalik ang lahat sa dati pero maraming mga bagay ang nagbago.
Ang nakaraan na puro kasiyahan kapag nagkukwentuhan kami sa cafeteria.
Ngayon ang mesa namin ay nababalutan ng katahimikan ni walang gustong maunang magsalita.
"Ate Daisy mauna na ako may kailangan pa akong tapusin"sabi ni Ace at naglakad na paalis.
Napabuntong hininga na lang ako dahil ayaw pa rin nila Ate Rose at Ate Lavander tanggapin si Ace.
"Daisy mamaya ay darating na si Kuya Paragon kaya may kailangan akong asikasuhin. Paalam!" agad na sabi ni Lucas at tumakbong paalis.
Hindi ko rin sya masisi kung umiiwas sya dahil nalulungkot pa rin sya nawala si Chielsea.
Susundan ko sana si Lucas pero pinigilan ako ni Prince Royce.
"Hayaan mo muna sya na makapag isip" sabi nya sa akin kaya bumalik ako sa pwesto ko kanina.
"Alam mo Daisy hayaan mo kung ayaw ka nilang kausapin. Andito naman kaming dalawa laging nasa tabi mo" ngiting sabi sa akin ni Ate Rose.
"Hindi mo kasi naiintindihan" sabi ko sa kanya.
Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa paligid ko naguguluhan na ako kung ano ang dapat kung gawin para mahanap ang mga sagot.
"Shh... Wag mong isipin ang gumugulo sa isip mo katulad ng sabi sa atin ni Ina. Hayaan mo na ang sagot ang mismong magbigay linaw sayo" sabi nya sa akin para pagaanin ang aking kalooban.
Nginitian ko na lang sya para alisin ang kanyang pag aalala sa akin.
Pagkatapos naming kumain ay naghiwalay hiwalay na kami.
Wala naman akong klase sa mga oras na ito kaya naisipan kong maglakad lakad sa paligid.
"Ahhh!!!"
May narinig akong sigaw kaya nagmadali akong tumakbo papunta sa pinangalingan ng tunog.
Agad akong sumakay sa magic carpet at mabilis na pinaandar ito.
Ibinaba ako nito sa hindi pamilyar na bahagi ng academia.
'Nasaan na ako?'
Dahan dahan akong naglakad papasok sa isang madilim na pasilyo.
Mabagal akong naglakad papasok sa loob at nagsindi ng torch para magkaroon ako ng ilaw habang naglalakad.
Patuloy pa rin ako sa paglalakad kahit na takot na takot na ako at nanginginig ang aking mga tuhod.
Naalala ko ang mga napanood kong mga horror movies dati na dumagdag sa takot ko.
'Bakit may ganitong lugar sa academia na hindi ko pa nakita dati???'
Ang malaking katanungan na nabuo sa aking isipan habang naglalakad papasok sa loob.
Habang palayo ng palayo ang nilalakad ko ay mas lalong nababahag ang buntot ko na parang gusto ko ng umalis sa lugar na ito.
Nang may nakita akong pintuan ay dahan dahan kung pinihit at binuksan.
Napatili naman ako ng buksan ko anb pinto dahil may nakita akong nakahandusay na nakatalikod na babaeng estudyante.
Nanginginig akong lumapit sa kanya at pinatihaya sya para sana tignan kong humihinga pa sya.
Pagkaharap ko sa kanya mas lalo akong natakot ng may nakita akong malaking letrang P sa noo nya.
BINABASA MO ANG
Reincarnated As One Of The Triplets Villain
FantasíaIsa lamang akong ordinaryong college student na walang ibang inatupag kundi ang mag aral ng mabuti. Hindi ako laki sa yaman. Kailangan kong magbanat ng buto para mabuhay at makapag aral. May matalik akong kaibigan si Catherine. Wala syang ibang gina...