EPILOGUE

5.1K 155 5
                                    

Epilogue:

"Hiling ko an makabalik sa panahon na maari ko pang mabago ang lahat ng trahedyang nangyari sa kasalukuyan'

Ang bulong nya sa porselas hanggang sa nawala sya ng malay.

•••

Nagising sya sa isang pamilyar pero hindi pamilyar na lugar.

Mula sa mga gamit na nakapaligid sa akin.

Kaya agad sana akong tatayo ng maramdaman kong hindi ko kayang tumayo.

'Parang pamilyar ang feeling na ito'

Nang may biglang pumasok na ala ala sa aking isipan.

Agad akong napatingin sa aking kamay para kumpirmahin ang hinala ko.

Agad na nakita ko ang maliit na kamay at maliit na braso.

Napalingon ako sa kanan at kaliwa kahit na hirap na hirap ako.

Agad kong nakita sila Ate Lavander at Ate Rose na nasa loob ng sarili nilang crib.

Saka ko lamang napagtanto ang lahat ng mga bagay.

'Bumalik ako sa oras kung saan kakarating ko lang sa mundong ito.'

Ang ibig sabihin ang una kong pagkakamali ay nangyari noong bagong dating ko pa lamang sa mundong ito.

Agad kong kinolekta sa aking isipan ang mga ala ala na mayroon ako at tinignang mabuti kung ano ang mga pagkakamali na ginawa ko.

Nang magalungkat ko na ang aking memorya ay may agad akong naalala.

Pagkarating ko sa mundong ito ay may batang may kakaibang kulay ng mata ang biglang susulpot

Nag antay ako ng ilang oras at agad naman dumating ang bata na kanina ko pa hinihintay.

Agad syang lumapit sa akin at tinitigan akong mabuti.

" Alam kong galing ka sa ibang mundo?" seryosong tanong nya sa akin.

Pagkarinig ko sa boses nya ay doon ko lang narealize ang pagkalahawig ng boses nito sa boses ni Philip noong atakihin nya kami.

Siguro nga ito ang una kong pagkakamali noong hindi ko sya sinagot dati pero ngayon alam ko na ang dapat kong gawin.

Ito ang una kong hakbang para baguhin ang lahat.

Nginitian ko lamang sya dahil alam kong hindi ko kayang magsalita.

Agad ko naman nakita na nawala ang seryosong mukha nya kanina at parang nakahinga ng maluwag.

Siguro naghahanap lang sya ng patunay na hindi sya nasisiraan ng ulo at totoo ang mga nakita nya.

Kaya siguro noong hindi ko sya sinagot dati ay mas lalo syang nagalit at naghanap ng patunay na totoo ang lahat ng nakita nya.

Noong narinig nya ang mga yapak na papalapit ay agad na syang nagpaalam sa akin.

"Magkikita pa tayo sa hinaharap" nakangiti nyang sabi sa akin bago umalis.

Naglaho syang parang bula sa aking harapan.

Pagkaalis nya ay agad akong nakadama ng kasiyahan dahil maari ko ng itama ang lahat.

"Ang simulang daan tungo sa masayang wakas"

Reincarnated As One Of The Triplets VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon