SPECIAL CHAPTER 33: THE PUPPET

4.7K 204 2
                                    

Special Chapter 33:The Puppet

PHILIP POV

Maraming klase ng tao sa mundo may mga taong gahaman at mapanglaman pero may iilan na may mabuting kalooban.

Ipinanganak ako sa siyudad na may komportableng pamumuhay at may masayang pamilya. Pero nagbago ang lahat ng malulong sa bisyo si Ama.

Simula ng araw na iyon nagbago ang lahat ang masaya naming pamilya ay napalitan ng pasakit at kalungkutan. Naging mahirap ang buhay namin ni Ina lagi nya kaming sinasaktan pag wala kaming pera na maibigay sa kanya.

Ang maalalahanin kung Ama ay paunti unti nawala at napalitan ng isang taong hindi na namin kilala. Pero hindi ko malilimutan ang araw na iyon..

Galing kami ni Ina sa pagaani sa mga katabing bukid para magkaroon kami ng pera.

"Anak itago mo ito para ito sa pag aaral mo sa hinaharap"

Nagulat ako ng aabutan ako ni Ina ng pera. Gusto ko mang tanggihan pero nagpumilit syang itago ko ang pera.

"Wag na po Ina baka makita ni Ama iyan. Tiyak na sasaktan nya kayo pag nalaman nyang binigyan nyo ako ng pera"

Pagkatapos kong sabihin iyon ay agad nyang hinimas ang ulo ko katulad ng lagi nyang ginagawa.

"Ikaw talagang bata ka, wag mo na akong alalahanin. Ang intindihin mo ang sarili mo ang magandang hinaharap na nag aantay sayo sa hinaharap" sabi ni Ina habang pinipisil ang pisngi ko.

"Aray tama na po Ina baka po may makakita" tumawa naman sya sa sinabi ko.

"Binata na nga pala anak ko. Naalala ko pa noong bata ka pa ay mas malapit ka sa iyong ama at sobrang saya nating lahat ng mga panahon na iyon" may lungkot sa tinig ni Ina habang sinasabi ang mga katagang iyon.

"Wag po kayong mag alala sigurado naman pong magiging maayos din po ang lahat" sabi ko kay Ina habang niyayakap ko sya.

"Sana nga" pagkatapos sabihin ni Ina iyon ay dahan dahan na syang kumalas sa yakap ko.

Pinagpatuloy namin ang paglalakad at maya maya pa ay nakarating na kami agad sa bahay.

Pagkarating namin sa bahay tulad bg dati ay nagkalat sa sahig ang mga basag bote ng alak sa sahig. Agad akong kumuha ng basurahan para pulutin ang mga basag na bote.

"Ina magpahinga po muna kayo. Tiyak kong napagod kayo sa pag aani. Kaya ako na po ang bahalang linisin ang mga kalat sa sahig" Pagkatapos kong sabihin iyon ay agad na nahiga si Ina at umidlip.

Nilinis ko ang sahig para walang matira na kahit anong bubog sa sahig. Napabuntong hininga na lang ako sa sitwasyon namin.

Laging umuuwi ng lasing si Ama simula ng matanggal sya sa serbisyo bilang isang mababang opisyal sa aming maliit na bayan.

Sobra syang nalungkot dahil ang dati nyang kaibigan ay unti unti ng nawala at hindi na sya pinansin. Hindi katulad noong isa pa syang mababang opisyal ng kaharian.

Maraming tao ang hinusgahan si Ama kaya para maibsan ang kalungkutan nya ay naghanap sya ng paglilibangan.

Reincarnated As One Of The Triplets VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon