Chapter 40:The Riddles
Ang Temple of the Dragons ay kilala rin sa tawag na the Volcanic Temple dahil ito ay ginawa sa mismong katawan ng isang malaking bulkan.
Ayon sa alamat ang Temple of the Dragons ay ginawa 3000 years ago para magbigay pugay sa diyos ng apoy na si Sappharius.
Ang diyos na si Sappharius ay isa sa mga diyos ng apat na elemento na bumubuo sa mundo.
Ginawa ang templo upang humingi ng tawad sa Diyos na si Sappharius dahil sa pagpatay at paghuli sa mga dragon.
Ang dragon ay ang simbolo ng kapangyarihan nya kung kaya't sa galit nya sa mga tao ay nagpaulan sya ng mga naglalakihang mga bulalakaw na naging dahilan ng pagkamatay ng maraming tao at pagkasira ng kapaligiran.
Kung kaya't humingi sila ng tawad at gumawa ng isang templo na maaring maging tirahan ng mga dragon.
Sa ganoong paraan ay humupa ang galit ng diyos na si Sappharius kaya simula noon ay itinuring na itong Temple of the Dragons.
Hindi pa rin kami makapaniwala na makikita namin sa personal ang isang templo mila sa kilalang alamat.
"Dahan dahan lang ang pagpasok sa loob. Hindi natin alam kung ano ang naghihintay sa atin sa pagpasok natin" bilin sa amin ni Philip.
Dahan dahan kaming lumakad palapit sa templo habang palapit kami ng palapit ay natanaw namin ang isang tulay na kailangan naming tawirin.
"Safe ba yan?"tanong agad ni Ace.
"Sandali titignan ko"kumuha ako ng bato at binato sa tulay katulad ng mga napapanood ko dati sa mga palabas.
Nami-miss ko talaga ang manood ng TV pagwala akong ginagawang mga project sa bahay.
Nang nakita kong hindi naman nasira ang tulay.
"Sa palagay ko ay safe naman ang tulay at hindi agad agas na masisira"pagkukumbinsi ko sa kanila.
Sa palagay ko kinukumbinsi ko rin ang sarili ko dahil ngayon lang ako makakaranas na tumawid sa tulay na gawa sa baging mas sanay ako sa flyover.
"Sinong mauuna?"tanong ni Chielsea sa amin.
Nagkatinginan kaming lahat na para bang nagtuturuan ko sino ang mauuna sa pagtawid.
"Ako na ang mauuna" sabay na sabi ni Prince Royce at Prince Nathan.
"Sige ikaw na ang mauna"sabay rin nilang sabing dalawa.
Nagkatinginan sila na para bang inihintay kong sino ang mauuna na magsalita sa kanilang dalawa.
"Sabay na lang kayong tumawid na dalawa"biglang sabi ni Lucas.
Napatango naman silang dalawa at sabay na tumawid sa tulay ng makarating na sila sa dulo ay nakahinga na kaming ng maluwag.
"Sa palagay ko mas maganda na hatiin sa dalawang grupo ang pagtawid natin dahil hindi tayo sigurado kong gaano lang kabigat ang kaya ng tulay"suhestyon ni Prince Nigel.
"Tama ka sa sinabi mo ang gawin natin. Mauna si Lucas,Ako at Si Ate Daisy. Samantalang kayong tatlo naman ni Chielsea at ni Philip ang sabay sa pagtawid" sabi ni Ace.
"Per-"aangal pa sana si Chielsea pero agad syang pinutol sa pagsasalita ni Prince Nigel.
"Sang ayon din ako sa sinabi mo" nakangiti nyang sabi sa amin.
"Tara na Ate Daisy mauna na tayong tumawid" agad na tawag sa akin ni Ace.
Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili at mawala ang kaba.
BINABASA MO ANG
Reincarnated As One Of The Triplets Villain
FantasyIsa lamang akong ordinaryong college student na walang ibang inatupag kundi ang mag aral ng mabuti. Hindi ako laki sa yaman. Kailangan kong magbanat ng buto para mabuhay at makapag aral. May matalik akong kaibigan si Catherine. Wala syang ibang gina...