CHAPTER 6: WEEK OF FOOLISHNESS

9.7K 414 14
                                    

Daisy POV

Nagising ako ng maaga para makapaghanda sa unang araw ko bilang teacher ni Luis.

Bago ako lumabas nabuhusan ako ng tubig pagkalabas ko ng pintuan. Lumingon lingon ako sa paligid nakita kong nagtatago si Luis.

"Luis lumabas ka dyan!"

Hindi sya sumagot.

'Ah ganun pala humada ka sa akin'

Dali dali akong pumunta sa banyo at kumuha ng timba. Dahan dahan akong lumapit sa pinagtataguan nya at agad kong tinapon sa kanya.

Hindi sya agad nakakilos kaya agad akong tumakbo papunta sa kwarto at nilock ang pinto.

"DAISY ASHLEY BUKSAN MO ANG PINTO!!"

"Bahala ka dyan hindi ko bubuksan"

"Humanda ka sa akin mamaya!"

Narinig kong papalayo ang mga hakbang nya.

'Hahaha Nanalo ako sa kanya'

Naligo ulit ako bago ako lumabas ay cheneck ko kung may inilagay syang patibong.

Pagkatapos kumain dumiretso na kami sa garden para  simulan ang aking  pagtuturo.

May napansin lang ako kay Luis pagandyan ang papa at kuya nya akala mo isang maamong tupa.

Pero pag hindi sila nakatingin ay ang sama sama ng ugali. Habang papunta kami napansin ko ang mga nagkalat na dahon.

'Old trick'

"Luis mauna ka dahil ang lahat ng mga gwapo ay unang naglalakad sa mga babae"

"Syempre ako yata ang pinakagwapo at maginoo sa buong dukedom."

Tama nga ako ng hinala na malakas ang hangin nya sa utak. Nauna na sya maglakad at tulad ng inaasahan ko.

"Aah!"

"Isy tulungan mo ko dito"

"Lesson no.1 kung gagawa ka ng kalokohan. Siguraduhin mong hindi ikaw ang mahuhulog"

"ISA KA LAMANG HAMAK NA BABAE kaya wala kang karapatan para turuan ako"

"Ah ganon pala,Ang taong hinahamak mo ay ang taong tinitingala mo ngayon"

Pagkatapos kung magsalita ay umalis na ako. Iniwan ko syang walang maisagot.

'Mali sya ng taong hinamak'

Dumaan ang isang linggo wala pa rin syang pinagbago. Lagi na lang syang gumagawa ng kalokohan.

Noong ikalawang araw ay nadulas sya sa mga isinaboy nyang harina sa pintuan. Sunod naman na  araw ay lumambitin sya ng patiwarik sa mga puno. Ikaapat na araw ay naglagay sya ng mga insekto sa higaan ko. Kaya kinuha ko ang lahat ng iyon at hinagis sa mukha nya. Nagtatakbo sya sa takot sa mga insekto.

Ikalimang araw ay naglagay sya ng manipis na sinulid sa may hagdan. Sa pagmamadali nya ay nalimutan nya kaya gumulong sya sa hagdan.

Biruin mo sya ang gumagawa ng mga ikapapahamak ko pero sya lang ang nasasaktan.

"Miss Daisy pinapatawag po kayo sa office ni Duke Diamond"

Tumango ako sa at sinundan na sya papunta sa office.

'Tok.Tok..Tok...'

"Pumasok ka na"

Pagkapasok ko sa loob ay nakita ko ang silid na punong puno ng mga libro. May mga upuang gawa sa mataas na kalidad na kahoy. Pero ang mas nakaka agaw ng pansin ang gintong istatwa.

"Maupo ka na muna"

Kaya agad akong napalingon at nakita kung nakaupo ang Duke sa isang coach. Nakasuot ng salamin at medyo may katandaan na rin pero masasabi mong may itsura sya kaya hindi na nakakapagtaka ang mga itsura ng kanyang mga anak. Nakasuot sya ng isang asul na american suit at may rose broonch na emblem ng kanilang angkan.

"Maraming salamat po my lord"

"Nagtataka ka siguro kung bakit kita pinatawag"

Kinakabahan tuloy ako dahil ramdam ko ang pagiging seryoso ng kanyang mukha.

"Tungkol ito sa mga nangyayari sa mga nakalipas na araw"

"P--patawad po,Alam kong may kasalanan ako sa mga nangyari"

Iniyuko ko ang ulo ko pakiramdam ko ay iiyak ako. Patulo na sana ang luha ko ng may marinig akong tumatawa.

"Uhm..Ha..ha...ha"

"Bakit po kayo tumatawa?" Nagtataka kong tanong.

"Pagpasensyahan mo na ako iha. Hindi naman kita pinapunta para pagalitan. Sa katunayan ay natutuwa ako sayo."

"Bakit naman po kayo matutuwa kung lagi pong nasasaktan si Luis?"

"Hindi naman sa ganoon ako natutuwa. Natutuwa ako kasi nakikita ko ang pagbabago ni Luis. Mula sa dating laging walang ekspresyon nyang mukha. Ngayon lagi ko na syang nakikita na nakangiti"

'Nakangiti sya dahil sa mga kalokohan na pinag gagawa nya' bulong ko

"May sinasabi ka iha?"

"Ah wala po iyon,Wag nyo pong  pansinin iyon"

"Tama nga si Paragon sa pagrerekomenda nya sayo. Lubos kaming nagpapasalamat sayo kaya kung may kailangan ka wag kang mahihiyang magsabi sa akin"

"Walang anuman po iyon. Iyon naman po talaga ang trabaho ko"

"Yun lamang ang aking sasabihin. Maari ka ng umalis"

"Sige po maraming salamat po sa paimbita Duke Diamond"

"Saka nga pa la, Wag mo na akong tawaging Duke tawagin mo na lang akong Tito"

"Sige po paalam Tito"

Pagkatapos kung lumabas sa office ng Duke. May naramdaman akong kakaiba sa paligid. Parang may mangyayaring masama.

'Siguro guni guni ko lang iyon'

Maya nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang favorite place ko. Ang garden may mga nagagandahang iba't ibang bulaklak.

May iba't ibang kulay ng mga roses,sunflower,lily at maraming pang iba. Habang nagmamasid sa paligid ay umupo ako sa ilalim ng isang puno.

Ramdam ko ang simoy ng malakas na hangin. Kaya napagpasyahan kong maidlip ng sandali.

Ipipikit ko na sana ang mata ko. Ng may marinig akong kakaibang tunog. Kaya agar akong tumayo at dahan dahan sinundan ang tunog.

Habang papalakas ang tunog ay nakakaramdam ako ng hindi maganda. Ng marating ko na ang pinang gagalingan ng tunog. Nagulat ako sa nakita ko...

Reincarnated As One Of The Triplets VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon