CHAPTER 45:I'M BACK

2.3K 128 1
                                    

Chapter 45:I'm back

Nilibot ko ang buong paligid dahil nagtataka talaga ako sa nangyayari kaya naisipan kong magtanong.

"Ginang ang lungsod po ba na ito ay sakop ng Green Valley"tanong ko sa babaeng nakita kong naglalakad.

"Tama ka nga iha ang lugar na ito ay sakop ng Green Valley"nakangiting sagot nya sa akin.

"Ilang taon na po ba simula ng itatag ang lungsod pong ito?"naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Malamang bago ka lamang sa aming lugar tama na ako?"tanong nya sa akin.

"Tama po kayo isa po akong manlalakbay"pagsisinungaling ko.

"Kaya naman pala hindi mo alam. Ang aming lugar ay itinatag mga apat na taon na ang nakakalipas"sabi nya sa akin.

'Apat na taon???'

Imposibleng apat na taon na ang nakakalipas dahil halos apat na oras lang ako sa loob ng orasan.

"Hindi po ba kayo nagkakamali sa inyong sinabi?"pang uusisa ko sa kanya.

"Hindi ako maaring magkamali dahil isa ako sa mga unang tao na nanirahan dito simula ng itatag ang lungsod na ito" sabi nya sa akin.

"Maraming salamat po sa impormasyon"pagpapasalamat ko sa kanya at agad na akong umalis.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa impormasyon na aking nakuha kaya nagtanong tanong pa ako sa mga tao sa paligid.

Pero ganon pa rin ang aking nakuhang sagot sa mga taong tinanong ko.

Habang patuloy ako sa pagiisip may konklusyon akong naisip na maaring sagot sa katanungan ko.

'Kung apat na taon na ang lumipas may posibilidad na ang ibig sabihin ng pagdilim at pagliwanag ng paligid sa loob ng orasan ay ang taon na lumipas. Apat na beses kong nakita sa loob orasan iyon kaya apat na taon na ang nakalipas"

Kung tama ang aking konklusyon ang loob ng orasan ay isang time space kung saan ang sinuman na makakapasok sa loob ay maaring makulong ng ilang siglo ng hindi nila namamalayan.

Dahil dito nagmadali akong hanapin ang portal papunta sa academia.

"Saan matatagpuan ang portal ngayon dito sa Green Valley"tanong ko sa guardia na aking nakitang nagbabantay sa gate ng Green Valley.

"Makikita mo iyon sa pinakamalaking puno na nasa ituktok ng bundok na iyon. Matagal na rin ng may huling gumamit noon"sabi nya sa akin bakas sa mukha nya ang pagtataka sa itinanong ko.

"Bakit po walang gumagamit na ng portal?"tanong ko sa kanya dahil kilala ang portal sa pinakamabilis na transportasyon.

"Dahil ipinagbawal na ang paggamit ng portal para sa mga sibilyan dahil delikado ito. At isa pa dahil sa nawalang estudyante ng academia na hanggang ngayon hindi pa nakikita" pagpapaliwanag nya sa akin na mas kinakunot ng aking noo.

"Ano po bang pangalan ng estudyanteng nawala dahil sa paggamit ng portal?" tanong ko sa kanya.

"Kung tama ako parang isa sa mga bulaklak ang pangalan nya"kamot sa batok na sagot nya sa akin.

"Daisy po ba ang pangalan ng estudyante?"

"Tama nga! Iyon ang pangalan ng estudyante na apat na taon ng nawawala" masiglang sabi nya sa akin.

Reincarnated As One Of The Triplets VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon