CHAPTER 1:THE ACCIDENT

18.9K 643 30
                                    

Chapter 1:The Accident

Charlotte POV
   
Bumangon ako sa aking higaan. Agad akong naghanda sa pagpasok sa trabaho. Ito na ang pang araw araw kong gawain.

Trabaho sa umaga, Sa tanghali papasok sa school at pagkatapos ay magtatrabaho ulit.

Lumaki ako sa bahay ampunan. Sa kasamaang palad walang umamin sa akin doon.  Kaya napag pasyahan kong umalis at paaralin ang sarili ko.

Ayokong dumagdag sa papakainin ng ampunan. Paminsan minsan dumadalaw ako at nagbibigay ng konting tulong sa kanila.

Pumasok ako sa restaurant na pinagtatrabuhan ko. Naging normal naman ang araw ko sa trabaho.

Nagbihis na ako at naghanda para pumasok. Sa daan nakita ko si Catherine agad akong tumakbo.

"Charlotte! Hintayin mo ko" dali dali syang tumakbo papunta sa akin.

Sya si Catherine ang matalik kong kaibigan.

"Bat ang ingay mo ang aga aga. Ang sakit mo sa tenga"

"Kyaah!! Alam mo bang may bagong labas na Otome game yung Doki Doki Youre My Sunshine"with matching hampas pa.

"Ano naman ang interesante sa larong yan nagsasayang ka lang ng pera at oras mo dyan"

"Basta makinig ka lang sa akin. Alam mo na ang hirap nun taposin lalo na ang mga route ng male lead. At isa pa may triplets villain sina Daisy, Rose at Lavander Garnet. Blah blah blah"

Hindi ko na sya pinakingan nilagyan ko na ng earphone ang tenga ko. Nasanay na ako  sa kanya ang ingay nya at lagi syang nagkwekwento tungkol sa Otome game.

Hindi naman ako interesado sa mga ganoong bagay. Pero kahit ganoon ang ugali nya sya pa rin ang matalik kong kaibigan.

Bigla nyang hinablot ang earphone ko.

"Hoy! Nakikinig ka ba! " kita mo sinagawan ako agad.

"Hindi malamang" atsaka tumakbo ako agad para hindi nya ako mahampas.

"BUMALIK KA DITO!!  CHARLOTTE ASHLEY GUEVARRA"

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang may nakita akong batang tumatawid na masasagasaan.

Hindi ko alam kusang kumilos ang paa ko tumakbo ako at tinulak ang bata.

Nakita kong lumiwanag ang paligid. At naramdaman kong pag tilapon ng katawan ko.

"Charlotte! Wag mong ipikit ang mata mo"

Nanlalabo ang mata ko pero alam kong si Catherine yun.

"Cathe---rine t-thank you sa la--lahat"

Nginitian ko sya at unti unting nilamon ako ng kadiliman.

Alam kong ito na ang aking katapusan...

------

Reincarnated As One Of The Triplets VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon