CHAPTER 34: DONT JUDGE!

4.5K 221 2
                                    

Chapter 34:Don't Judge!

Daisy POV

Naging maayos naman ang lahat pagkatapos ng pangyayaring iyon.

Pagkagising ko ay nakahinga ako ng maluwag ng makita kong ayos na si Ace.

Nagtagal ako ng mga dalawang linggo sa hospital dahil sa mga nabali kung mga buto.

Hindi naman ako nalungkot habang nagpapagaling dahil lagi akong dinadalaw mila Ace, Lucas, Philip, Gerald, Chielsea at Prince Royce.

Nagbalik sa dati naman ang lahat nagpatuloy pa rin si Gerald sa pagtatrabaho nilang kusinero sa cafeteria dahil may tao ng hinahanap sya na hindi nya pa nakikita.

Pero nitong mga nakaraang araw ay kakaiba ang kinikilos ni Philip bigla na lang syang nawawala o di kaya naman ay lagi na lang nahuhuli tulad na lang ngayon.

Nag aantay kaming apat dito sa cafeteria dahil napagkasunduan namin na sabay sabay na mag breakfast pero hanggang ngayon wala pa din si Philip.

"Asan na na si Philip?" tanong ko kay Ace.

"Hindi ko din alam hindi ko pa sya nakikita simula kaninang umaga" sagot naman ni Ace habang hinahawakan ang batok nya.

"Kung magsimula na kaya tayong mag order ng pagkain Daisy baka mamaya ay mas lalong humaba ang pola at mahuli tayo sa klase"suhestyon naman ni Chielsea sa akin.

"May punto naman si Chielsea Isy" sabi naman ni Lucas.

Kaya agad kong tinignan ang counter na medyo mahaba na ang pila kaya napaisip ako.

"Sige umorder na tayo"sabi ko kaya agad na kaming kanya kanyang nag order ng pagkain.

Nang malapit na kami sa unahan ni Chielsea ng pila ay may biglang sumingit sa harapan.

"Miss nauna kami sayo" kalabit ko sa kanya.

Nagulat naman ako ng makita ko kung sino sya diba sya yung heroine kaya tinitigan ko syang mabuti kung tama ba ako.

'Sya nga ang heroine!'

"Pasensya na hindi ko kayo nakita" sabi nya sa amin na para ng kami ang mali at sya ang tama.

"Bakit hin-" nagtitimping sabi ni Chielsea.

Bago pa sya tuluyang magalit at lumaki ang gulo ay tinakpan ko ang bibig nya dahil baka makasira ng reputasyon nya bilang isang wizard.

"Nauna kami sayo kaya dapat sa likod ka pumila" mahinahon kong sabi sa kanya.

"..." hindi nya ako pinakinggan at nagpatuloy lang sa pag order ng pagkain nya.

Pinabayaan ko na lang sya dahil kapag lumaki pa ang gulo kami lang ang matatalo sa huli.

Hinawakan ko na lang ang bra so no Chielsea para pakalmahin at humupa na ang galit nya.

Pagkatapos naming mag order ay halata pa ring galit si Chielsea dahil pabagsak nyang binagsak ang tray nya.

Nagulat naman si Ace at Lucas sa ginawa nya.

"May problema ka ba?" tanong ni Ace kay Chielsea.

"Alangan naman wala malamang meron akong problema" singhal ni Chielsea kay Ace.

"Kumalma ka at huminga ng malalim para paunti unti mawala ang galit mo" sabi naman ni Lucas kaya agad na sinunod ni Chielsea.

"Ano bang naging problema mo?" tanong ni Ace.

Magkabilang dulo kasi ang linya ng pila ng lalaki sa kaliwa at babae sa kanan para hindi mag siksikan sa pila kaya siguro hindi iyon napansin nila Ace at Lucas.

Reincarnated As One Of The Triplets VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon