Chapter 29:Message or Curse
Habang wala sa amin ang atensyon nila at nakatingin pa rin sila sa resulta ng magic test ko. Agad ko ng nilapitan si Prince Royce at inakay papuntang sa magic carpet.
Agad na kaming umalis dahil sobra ng kumakalat sa buong katawan ng prinsipe ang sumpa. Bumaba na kami sa dormitory dahil bawal malaman ng iba ang sumpa na nasa katawan ng prinsipe.
Dahil maari itong gawing kahinaan ng ibang kalaban na kaharian at sakupin ang kaharian ng prisipe. Naniniwala kasi sila na ang kahinaan ng namumuno ay kahinaan rin ng buong kaharian.
Ang mahihina ay nasasakop habang ang malalakas ang natitira. Kaya kailangan na walang makaalam ng sumpa na nasa katawan ng prinsipe. Kahit na ang ibang tao sa loob ng palasyo ay walang alam at tanging mga taong nagtatrabaho sa loob ng palasyo ng prinsipe ang mga nakakaalam.
At ang magkalat ng tungkol sa sumpa ng prinsipe ay hinahatulan na putulan ng dila bilang parusa. Kaya kahit ang prinsipe at prinsesa sa palasyo ay hindi alam ang sumpa na mayroon ang prinsipe.
Dahil kapag nalaman nila ang tungkol dito maari magkaroon ng gulo sa pag aagawan ng korona. Pagkarating namin ay pinasok ko sa silid nya para pahupain patuloy na pagkalat ng sumpa sa buo nyang katawan.
Kinuha ko ang gamot na pinadala sa amim ni Sir Fernando na pansamantala papahinain ang pagkalat ng sumpa sa kanyang katawan. Pagkatapos ko syang painom dahan dahan na nawawala ang mga itim na tinta sa katawan nya.
Habang tinitignan ko ang mga itim na tinta sa katawan nya. May napansin ako na kakaiba parang ang mga itim na tinta ay mga letra ng mga salita.
Kaya dahan dahan ko inangat ang manggas ng damit ng prinsipe. Nagulat ako sa nalaman ko na parang mga salita ang mga itim na tinta sa katawan ng prinsipe kaya agad ko itong binasa.
'This place is in the middle of dream
At the end of the sky
Where everything will return someday
I will wait for you to come
To save me and become the new traces of light
When you stray to the path where I lay my footpr-
Hindi ko na natapos ang binabasa ko ng nawala na ng paunti unti ang mga letra na binabasa ko kanina.
'Paano ito nangyari ito ba ay sumpa o isang mensahe'
Hindi kaya ang mga itim na tinta sa katawan ng prinsipe ay hindi sumpa kundi mensahe. Napatingin naman ako sa mukha ng prinsipe.
'Ano kaya ang totoong nangyari sa mga panahong iyon. Totoo kayang sinumpa ng diwata ang angkan ng prinsipe pero bakit sya mag iiwan ng mensahe sa katawan ng prinsipe.'
Gustuhin ko man na malaman ang totoo pero paano? Napatigil ako sa pag iisip ng naramdaman kong nagigising na ang prinsipe.
"Kamahalan Ayos na po ba ang inyong pakiramdam?"
Agad na syang umupo at hinimas ang kanyang ulo. Tinulungan ko syang umupo ng maayos.
"Maayos naman na ako Isy" balesa nyang sagot sa akin.
Alam ko naman na dismayado sya sa resulta ng magic test kanina. Dahil akala nya magbabago ang lahat pagdating nya dito pero nagkamali sya.
"Magiging ayos rin ang lahat" sinasabi ko habang yakap yakap ko sya.
"Sana nga Isy"
"Wag ka ng mag alala. Halika na pumasok na tayo bago pa tayo ma late"
"Sige umalis na tayo"
Pagkasabi nya nun ay inalalayan ko syang tumayo at maglakad papuntang magic carpet. Nagdala na rin ako ng shoulder bag at nilagay ang gamot ng prinsipe baka kailanganin.Pagkasakay namin sa magic carpet.
"Magic carpet to the majestic class"
Agad ng umandar ang magic carpet. Ibinaba kami nito sa isang kulay violet na pintuan. Agad na kaming bumaba at tatlong beses na kumatok.
Maya maya ay nagbukas ang pintuan. At nakita namin ang isang dwarf na nakasuot ng salamin at green na dwarf hat.
"Late na kayo sa klase"
"Pasensya na po may kailangan lang po kaming gawin" paghingi ko ng paumanhin sa kanya.
"Lagi naman ganyan ang mga dahilan ng mga estudyante. Sige pumasok na kayo"
Pagkapasok namin nakita namin ang mga kanina katabi namin sa upuan. Nilibot ko ang paligid at nakita ko agad ang heroine.
Alam ko naman na mapupunta dito ang heroine dahil kung nasaan ang capture target ay nandoon rin ang heroine.
"Class tumahimik kayo" habang sinasabi nya iyon ay hinampas nya ang hawak nyang stick sa mesa.
"Umupo na kayo para makapagsimula na tayo ng klase"
Kaya agad na kaming naghanap ng bakanteng upuan at maswerte naman kaming may bakante pang upuan. Pero magkahiwalay ang upuan namin.
"Isy ikaw ang tumabi sa babaeng may itim na buhok at ako naman sa ang tatabi sa prinsipe may orange na buhok."
Tumango naman ako bilang pagsangayon. Kaya agad na kaming umupo sa kanya kanya naming upuan.
Pagkaupo katabi ko ang babaeng may itim na buhok at mata. Lumingon sya agad sa akin at ngumiti.
"Hi ako nga pa la si Chielsea Brooks isa akong royal wizard"
Agad syang nakipag kamay sa akin. Akala ko noong una ay1 masungit sya pero nagkamali pa la ako dahil sobra Nyang daldal.
"Ako naman si Daisy Chevalier Royal"
"Kyaah totoo bang royal knight ka?"
"Totoo bakit mo na tanong?"
"Alam mo bang pangarap kong magic knight rin kaso lang hindi kaya ng katawan ko ang training" malungkot sya habang sinasabi iyon.
"Pero ngayon masaya na ako na magkakaroon na ako ng kaibigan na royal knight" Nagulat naman ako sa pagiging masaya nya agad.
Ang bilis nyang magbago ng mood. Napatigil sya ng may bumato sa kanya ng chalk.
"Aray! Sino ba ang bumato ng chalk?"
Tumayo pa sya at lumingon lingon pero ng makita nya na kung sino ang bumato sa kanya.
"Miss Brook nakikipagdaldalan ka na naman"
"Sorry po SIR PANDAK"
Pagkasabi nya nun ay hindi na pigilan na magtawanan kaming lahat. Agad naman namula sa galit ang guro namin.
"Pasalamat ka talaga Miss Brook pamangkin kita kung hindi kanina pa kita pinalabas"
"Opo Sir Paulo"
"Pasalamat ka hindi ko pinagkakalat kong anong ginagawa mo noong bata ka pa"
Agad naman na patigil si Chielsea at namula sa hiya. Agad syang naupo at tinabunan ng libro ang kanyang mukha.
Matapos ang pangyayaring iyon ngayon ko lang naisip. Na kahit marami akong mga katanungan sa aking isipan.
Na dapat hindi ko dapat malimutan ang ngumiti at maging masaya. Dahil kahit may mga hindi magandang na nangyayari ay meron pa ring magandang mangyayari pagkatapos.
At sana mahanap ko na ang sagot sa lahat ng aking mga katanungan...
A/N
Hope you enjoy reading.Please vote and support in my story.ヽ(*≧ω≦)ノ
BINABASA MO ANG
Reincarnated As One Of The Triplets Villain
FantasyIsa lamang akong ordinaryong college student na walang ibang inatupag kundi ang mag aral ng mabuti. Hindi ako laki sa yaman. Kailangan kong magbanat ng buto para mabuhay at makapag aral. May matalik akong kaibigan si Catherine. Wala syang ibang gina...