Chapter 24: Changes
Daisy POV
Sa nakalipas na apat na taong pagsasanay sa paghawak ng mga sandata. Dumating na rin sa wakas ang pinakahihintay kong sandali. Kung saan nagbunga na ang lahat ng pinaghirapan ko.
Simula sa paggising ng maaga, pag eensayo ng walang pahinga, pag takbo hanggang sa umabot sa limitasyon ng katawan. Bawat tagaktak ng pawis na ibinuhos ko sa pag eensayo. Ang aking paghihirap hanggang sa marating ko na ang pagkakataong ito.
Suot ko ang sarili kong armor at ang aking espada na ako mismo ang nagpakahirap na pandayin at hulmahin. Dala dala ng aking sandata ang aking determinasyon na maprotektahan ang taong gusto kong protektahan.
Habang naglalakad ay luminga linga ako sa paligid. Nakita ko ang mga kapwa ko mga kabalyero na sa una ay inusgahan ako dahil sa aking kasarian. Pinatunayan ko sa kanila na hindi hadlang ang pagiging babae para maging isang magiting na kabalyero.
Pagkarating ko sa pagdadarausan ng seremonya. Nakita ko ang prinsipe na nakangiti sa akin, si Sir Fernando na sumaludo sa akin at higit sa lahat si Sir Derrick na nagturo sa aking ng lahat nang dapat kong malaman para maging isang tunay na kabalyero.
Pagkarating ko sa gitna ng platform ay agad akong lumuhod. Lumapit si Sir Derrick para simulan na ang serimonya. Inilagay nya ang espada sa kanang balikat ko habang sinasabi ang mga katagang.
"Daisy tinatanggap mo ba ng buong puso ang posisyon na itinalaga sayo bilang tagapagbantay ng itinakdang prinsipe"
"Opo"
"Nangangako ka bang magiging tapat sa iyong tungkulin at hindi Kaila man pag tataksilan ang prinsipe kapalit ng kahit anong salapi at kayamanan"
"Nangangako po ako"
"Ngayon ay itinatalaga nakita bilang si
(1)Daisy Chevalier Royal. At opisyal ng binibigayan ng kapangyarihan para tuparin ang iyong tungkulin"Pagkatapos ay dahan dahan na akong tumayo at sumaludo sa kanila ng taas noo. Ngumiti ako ng buong pagmamalaki sa kanila. Noong una nag alangan pa ako na baka hindi kayanin ng katawan ko.
Naging determinado ako habang nakikita ko na ang prinsipe ay patuloy pa ring lumalaban kahit minsan ay inaatake sya ng sakit na dulot ng sumpa.
Pagkatapos ng seremonya ay bumalik ako ulit sa aking gawain bilang katulong dahil ayaw na ng prinsipe ng ibang tao sa palasyo. Dahil simula nang ianunsyo na sya ang susunod na hari ay marami ng mga tao ang nagbalak na patayin sya o di kaya naman ay lasunin sya gamit ang mga katulong. Kaya nawalan na sya ng tiwala sa ibang tao.
"Isy binabati kita sa pagiging ganap mong kabalyero"
"Maraming salamat sa inyong pagbati"
"Sa mga lumipas na taon ay hindi ka pa rin nagbago. Kahit na sinabihan na kitang itigil na ang pagiging pormal mong magsalita" sinasabi nya habang umiling iling sya.
"Sinabihan ko na rin po kayo na hindi iyon. Maari dahil alam nyo namang hindi tayo magkaantas ng ranggo"
Kahit ilang beses nya akong pagsabihan na parang sya ang matanda sa aming dalawa. Alam nyang hindi iyon maari dahil matindi ang kaparusahan sa hindi paggalang sa kahit sinong kasapi ng royalty.
"Kahit na magkaibigan naman tayong dalawa. Atsaka ngayon ay isa ka na sa pinakaunang naging babaeng kabalyero dito sa buong kaharian"
"Nambola ka pa o sya panalo ka na para tumigil ka na sa pangungulit. Bakit ka nga pa la maagang nakabalik ang alam ko mamaya pa matatapos ang klase mo kay Sir Fernando"
"Tama ka mamaya pa dapat matatapos ang klase ko. Pero pinatatawag ka ni Guro may mahalaga daw syang nais sabihin sa ating dalawa"
"Halika na pumunta na tayo para malaman na natin ang mahalagang sasabihin ni Sir Fernando"
BINABASA MO ANG
Reincarnated As One Of The Triplets Villain
FantasiIsa lamang akong ordinaryong college student na walang ibang inatupag kundi ang mag aral ng mabuti. Hindi ako laki sa yaman. Kailangan kong magbanat ng buto para mabuhay at makapag aral. May matalik akong kaibigan si Catherine. Wala syang ibang gina...