Chapter 54:Darkness
Nakatingin ako sa itaas habang patuloy na pinagmamasdan ang pulang liwanag na bumabalot sa katawan ni Paragon.
Ito ay patuloy na lumalaki ng lumaki hanggang sa para na itong sasabog.
"Dalian nyo lumapit kayo sa akin!" agad nya sigaw sa amin ni Prince Royce.
Nagmadali kaming lumapit sa kanya at nang makalapit na ang lahat agad syang gumawa ng barrier.
Napayuko naman ako at napatakip ng tenga sa lakas ng pagsabog.
Natumba kaming lahat dahil sa sobrang lakas ng impact ng tumama sa amin.
Dahan dahan kaming tumayo at tinignan ang paligid na puno ng usok.
"Anong nangyari?" nagtatakang tanong sa amin ni Prince Nathan.
"Sa palagay ko ginamit ni kuya ang spell na iyon."nakayukong sabi ni Lucas.
Napadapo agad ang tingin ko sa kanyang kamao na mahigpit na nakakuyom.
"Anong klaseng spell?" Curious na tanong ni Sam sa kanya.
"Ang spell na pinagbabawal na gamitin ng mga angkan ng mga Diamond. Dahil sa kapalit ng malakas kapangyarihan na kaya nitong ibigay." seryosong paliwanag nya amin.
"Anong magiging kapalit ng malakas na kapangyarihan na iyon?"tanong ko sa kanya.
"Kaluluwa..." mahina nyang sagot sa akin pero rinig pa rin namin.
Nanlaki naman agad ang Mata ko dahil sa gulat.
"Wag.. M-mong sabihin..."utal na utal kong sabi sa kanya at dahan dahan tumingin sa itaas.
"Hahahahaha" ang malakas na tawang umaalingawngaw sa buong paligid.
Third person POV
Napatingala silang lahat sa kalangitan habang paunti unti lumilinaw at nawawala na ang usok sa buong paligid.
Ang nasa kanilang itaas na si Paragon na nagbagong anyo.
Ang kanyang brown na mata ay napalitan ng umiilaw na pulang mga mata.
Patuloy na maririnig ang malakas na pagaspas ng malalaking mga pakpak na lumiliyab.
Ang mga pulang mga letra na nakapalibot sa buo nyang katawan at ang kanyang pulang kalasag na bumabalot sa buo nyang katawan.
"Lumapit na ang gustong unang mamatay" sabi nya sa kanila habang patuloy na nanlilisik ang kanyang itim na itim na mga mata.
Hindi mapigilan nila Daisy,Lucas,Sam,Ace, Prince Nathan, Prince Nigel at Prince Royce na kilabutan habang nakatingin sa itaas.
"Hahaha... Walang gustong umatake sa inyo dahil mga duwag kayo. Takot kayo na mamatay" pangkukutya nila sa kanila.
Pagkatapos nyang magsalita namagita sa kanila ang katahimikan.
"Kung ayaw nyong umatake ako na lang ang aatake!" Inip na inip na sabi ni Paragon.
"Portal of Abyss!!"sigaw nya.
Agad na lumitaw ang apat na portal kung saan naglabasan ang Iba't ibang nilalang ng kadiliman.
"Hahahaha"malakas na halakhak ni Paragon.
Mabilis nitong inatake sila Daisy.
"Magtago ka muna Isy. Alam kong wala ka ng kapangyarihan" sabi ni Prince Royce kay Daisy.
"Per-"
"Shh... Wag kang mag alala magiging maayos rin ang lahat. Pagkatapos nito may gusto sana akong sabihin sayo kaya hintayin mo ako"
"En"tangong sagot ni Daisy dahil alam nyang wala rin syang magagawa laban sa mga kalaban.
At kung magpupumilit sya maaring maging balakid lamang sya sa kanila.
Nang marinig iyon ni Prince Royce agad syang gumawa ng malakas na barrier na poprotekta kay Daisy.
At pagkatapos ay naglakad ng palayo para lumaban sa mga kalaban.
Alam ni Prince Royce na sa pagsabak nya sa laban malaki ang tyansa na hindi na sya makabalik.
"Patawad"
•••
Sa kabilang banda....Kitang kita ni Prince Nigel na hirap na hirap na ang lahat dahil hindi maubos ubos ang kalaban at parami sila ng parami.
Kita nya kung paano na silang hirap na hirap at kitang kita nyang duguan na rin ang kanyang kapatid.
"Anong dapat kung gawin?"tanong nya sa sarili.
Napatingin naman sya sa itaas at agad na nakaisip ng paraan.
"Duwag ka Paragon DUWAG"malakas na sigaw ni Prince Nigel.
"Ako DUWAG sino sa ating dalawa ang hindi na ikaw"
"Kung hindi ka duwag makipaglaban ka sa akin para malaman natin" pang hahamon nito.
"Tumigil ka na Nigel" pagpipigil sa kanya ng kapatid.
"Hindi kuya kailangan kong iligtas si Chielsea sa kamay nya"seryosong turan ni Prince Nigel sa kapatid.
"Wala na talaga akong magagawa kung yan ang disesyon mo. Ipangako mo sa akin na kahit anong mangyari mabubuhay ka" nakangiting sabi Prince Nathan.
"Pinapangako ko"nakangiti nyang sagot at agad na lumingon kay Paragon.
"Maglaban na tayo!!"
"Sige kong yan ang gusto mo"
Agad na pinagaspas ni Paragon ang kanyang mga pakpak at mabilis na lumapit sa kanila.
"Tutal ikaw ang malaking balakid sa buhay ko sa simula pa lang. UUNAHIN NA KITA!"
Pagkatapos nyang magsalita agad na tumilapon si Prince Nigel.
"Hahaha... Ang hina mo naman para makipagkumpentensya sa akin"
Agad na tumayo si Prince Nigel at nagpalabas ng kanyang kapangyarihan.
"Water Dragon!" Agad na lumabas ang isang dragon mula sa ilalim ng lupa nagawa sa tubig at mabilis na inatake si Paragon.
"Oops..." para ng nakikipaglaro lang na sabi ni Paragon sa atake ni Prince Nigel.
Naging parang semento ang water dragon ng oras na lumapit na ito sa kanya at agad din nawasak.
Bakas sa mukha ni Prince Nigel na hindi sya makapaniwala na nawasak ang pinakamalakas nyang atake.
"Anong klaseng atake iyon hindi man lang ako na kayang nadaplisan ng kaunti?" Pangungutyang sabi ni Paragon.
"Paano-"
"Ang atake mo ay mahina katulad pa rin noong mga bata tayo. Madalas mong ginagamit na mas mataas ang katayuan mo kaysa sa akin at ang lahat ng gusto mo ay dapat nakukuha mo. " mas lalong umusbong ang galit sa mata ni Paragon.
"Akala mo na Paragon na hindi ko alam ang ginawa mo???"
"Anong ginawa ko?"sumilay ang mapaglarong ngiti sa mukha ni Paragon.
"No-"
"Tumigil kayo!!" malakas na sigaw agad na nakakuha sa kanilang atensyon.
Agad silang na palingon at nakita si Sam na may hawak na espada na nakatutok sa leeg ni Chielsea...
•••
Thank you for reading!
Hope you continue to support this story until the end!
Please don't forget to vote and comment😍
4 more chapter to go!😣😏🤗
BINABASA MO ANG
Reincarnated As One Of The Triplets Villain
FantasyIsa lamang akong ordinaryong college student na walang ibang inatupag kundi ang mag aral ng mabuti. Hindi ako laki sa yaman. Kailangan kong magbanat ng buto para mabuhay at makapag aral. May matalik akong kaibigan si Catherine. Wala syang ibang gina...