MSBG: 26

211 5 0
                                    

Kyra's Point of View

Naramdaman ko ang pagpatak ng ulan sa kamay ko

Gosh! Bakit ngayon pa umulan? Malas naman oh!

Naghanap muna ako ng masisilungan. Nakakita ako ng waiting shed at doon muna tumambay.

Tsk! Sana tumila agad tong lintik na ulan na to!

Matawagan nga muna si M-jhey! Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ko.

Hala! Nasaan ang phone ko? Bakit wala dito? Saan ko kaya naiwanan yun?

Aaargh! Ang malas ko talaga!

Maya-maya ay may humintong kotse sa harapan ko.

"Miss? Need help?" Tanong nung driver.

Instead of answering, I just ignore him.

"Miss. Mukhang mag-isa ka lang. Hayaan mong tulungan kita" dugtong pa nya.

Tsk! Bakit ba ang kulit ng lalaking to?

Aah! Baka gusto nyang makatikim sakin?

"For your information, hindi ako mukhang mag-isa dahil mag-isa talaga ako! At isa pa.. Mukha ba akong lumpo para tulungan mo? Kaya kong magpatila ng ulan. Sige! Tulungan mo ko! Pahintuin mo tong ulan para makauwi na ko! At kaya mo din bang alisin tong sakit sa puso ko? Kaya mo ba kong tulungan na makalimutan yung lintik na kupal na ungas na Kyler na yon? Kaya mo kong tulungan na alisin tong nararamdaman ko sa kanya? Sige! Magsalita ka! Kaya mo bang gawin lahat ng tulong na hinihingi ko sayo? Huh?" Naramdaman ko nanaman ang pagpatak ng luha sa pisngi ko. Letse! Sabi ko hindi na ko iiyak eh!

"Sorry miss. Hindi ko alam na brokenhearted ka pala. Pero kung gusto mo ihahatid na kita" maamong sabi nya sa akin.

Hindi ko pa rin sya pinansin. Pinunasan ko nalang ang luha sa pisngi ko.

"Miss. I can give you advice. And I promise! Wala akong masamang gagawin sayo" dagdag pa nya.

Mukha naman syang mabait at walang masamang gagawin sakin. And besides gusto ko na rin magpahinga.

Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.

"Pag may ginawa ka sakin. Tandaan mo to! Iikli ang buhay mo!" Banta ko sa kanya. Tumawa lang sya at tumango.

Letse! Mukha ba akong nagjojoke? Kotongan ko to eh!

Sumakay na ako sa backseat. Bahala sya dyan. Dito ako uupo!

"Miss! Baka naman magmukha akong driver nito dahil sayo?" Reklamo nya. Inirapan ko sya sabay sabing "Bakit? Mukha ka naman talagang driver ha!" Pang-aasar ko sa kanya. Nakita ko ang pagsimangot nya sa salamin. Hahaha! Akala nya ha!

"Well. Gaya nga ng sabi ko. Bibigyan kita ng advice" aniya habang nagmamaneho. Hindi nalang muna ako sumagot.

"Yung lalaking tinutukoy mo ay isang malaking tanga para pakawalan pa ang babaeng tulad mo. Isa syang malaking engot dahil pinagpalit ka pa nya. Ikaw yung tipo ng babae na walang halong kaplastikan sa katawan. Gusto ko ang pagiging totoo mo. Kaya nga kita naging crush eh"

Nagulat ako sa sinabi nya. Kilala nya ko?

"Sino ka ba?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti lang sya sakin

"Basta. Palagi kitang pinagmamasdan mula sa malayo" saad nya.

Napakunot ang noo ko.

"Sino ka nga kasi sabi?" Tanong ko pa ulit.

My Spoiled Brat GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon