MSBG: 21

214 5 0
                                    

Kyra's Point of View

"Hindi nya sinasagot!! P*TA!!"halos ibato na nya ang cellphone ko sa sobrang pagkainis nya. Tiningnan ko sya ng masama

"Subukan mong sirain yan! Mahal pa yan sa buhay mo! At sira ka ba? Paano sya sasagot eh wala nga sya? Ang shunga mo rin!"inis na sabi ko sa kanya

"Anong wala ang pinagsasabi mo? Nandito na sya!"Napahinto ako. Nandito na sya?
Bakit parang ang saya ko?

Bakit ganito? Nung sinabi nya nandito na si Kyler Parang biglang tumalon ang puso ko sa sobrang saya! Ganito ba talaga pag gusto mo ang isang tao?

Pero bakit di manlang nya ko tinext or tinawagan?
Nakaramdam ako ng bahagyang pagkirot sa puso ko. Di manlang nya sinabi na nandito na sya!

"Oh? Bakit biglang lumukot yang mukha mo?"tanong nya, Ngumiti ako sa kanya

"Wala kang pake!"pagtataray ko

Di nya ko pinansin at nagdial ulit sa cellphone. Huminto sya at bahagyang kumunot ang noo.

"Oh! May 58 miss calls ka! Sino to? M-jhey? Ano to? Manliligaw mo?"tanong nya

"It's none of your business!!"iritableng sagot ko

"Tsk. Ano pa ba ang mapapala ko sa malditang gaya mo?"

Asar! Gusto ko nang umuwi!

M-jhey's POV

Takte! Kanina ko pa tinatawagan si Kyra pero di nya sinasagot! Nasaan na ba sya? Alalang-alala na ako sa kanya!!

Tuloy lang ako sa pagmamaneho. San na ba kasi pumunta yon? Alam naman nyang maraming nag-aalala sa kanya!

Napadpad ako sa park. Wala nang ,asyadong tao dahil madaling araw na.
Sana naman okay lang sya!

Tumingin-tingin ako sa paligid. Nagbabakasakali.

Napatingin ako sa dalawang taong naglalakad ng magkahawak kamay.

Teka? Si Kyler ba yon? At yung babae si Steph?

Di na ko nagpaligoy-ligoy pa. Bumaba ako ng kotse ko at sinalubong sila.

"M-jhey?" Halatang nagulat si Stephanie nang makita ako. I just smiled at her.

"Kayo na ba ulet?" Seryoso kong tanong. Halata naman kasi eh! Halatang nagkabalikan na sila

Nagtinginan sila at tumango.

"Hindi ba halata?" Tanong ni Kyler sabay taas ng magkahawak nilang kamay.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita

"What a good news, but Kyler.." Tiningnan ko sya sa mata.

"Do you still care for Kyra?" Patuloy ko. Kumunot ang noo nya sa tanong ko.

Nakita ko ang pagbitaw nya sa kamay ni Stephanie. Nakapamulsa syang lumapit sakin. Nagsukatan kami ng tingin..

Aaminin ko! Naiinis ako kay Kyler!
Dahil sa kanya nawalan ako ng pag-asa kay Kyra!

Pero ngayong sila na ulit ni Stephanie, nabuhayan ako ng loob.

At ngayon. Sinisuguro ko na mamahalin na ko ni Kyra

Pero sa ngayon, kailangan ko muna ang tulong nya para mahanap si Kyra

"Bakit mo natanong yan?" Maangas na tanong nya

"Sagutin mo nalang ako"

"Malamang! Kaibigan ko sya. Kaya mahalaga pa rin sya saken!"

"Kung ganon..." tumalikod ako sa kanila at lumakad papunta sa kotse ko "......tulungan mo kong hanapin sya" patuloy ko at muling humarap sa kanila habang nakapatong ang siko ko sa bubong ng kotse.

My Spoiled Brat GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon