MSBG: 2 ♥

661 20 5
                                    

Chapter 2

"Ms.Kyra?"

"....."

"Ms.Kyra papasok na po kayo!"


"....."

"Ms.Kyra malelate na po kayo"


Inis na bumangon ako ng kama. Hindi ba nila alam na pagod ako kagabi at kailangan ko magpahinga?!


"Ms.Ky----"


"Oo na! Gising na ko diba?!" sigaw ko dun sa hampas lupang gumigising sakin.


Pagkatapos non, wala na kong narinig na kahit na anong ingay.


Naligo na ko, nagbihis ng uniform then nagtoothbrush

I look myself in the mirror then I put light make-up. Im so pretty talaga!

Lumabas na ko ng kwarto at dumiretso sa kusina. Nakita kong naghahanda na ng pagkain yung mga maids namin.

Umupo na ko. Nilagyan na nila ng ulam yung plato ko. Nilagyan na rin nila ng kanin.

"Wheres my juice?" Tanong ko dun sa nagse-serve sakin.

"Tinitimpla pa po" sagot naman nya

"Sa susunod kasi..." padabog kong binagsak yung kutsara at tinidor.

"...Ihanda nyo na kaagad yung kakainin ko para hindi na ko maghihintay" sinamaan ko sya ng tingin.

"So-sorry po!.Hindi ko na po uulitin" yukong-yukong sagot nya.

"Siguraduhin mo lang!!"


"Ms.Kyra ito na po ang juice nyo" sabi nung isa naming katulong. Nilapag nya sa mesa yung baso, lalagyan na sana nya ng juice pero pinigilan ko.

"Orange juice?" kunot-noong tanong ko sa kanya

"Opo! sabi po kasi nila, gusto nyo daw po ng orange juice" sagot naman nya..

Teka? Sya yung bago naming katulong ha! Yung panay ang tawag sakin!

"Sino nagsabi sayo?" tanong ko

"S-sya po!" tinuro nya yung katulong namin na parang nagtatago sa gilid.

Napataas ang kilay ko.

"Hoy! Lumabas ka dyan!" utos ko sa kanya.

"B-bakit po?" uutal-utal nyang tanong pagkalabas nya.

Ang kapal naman ng mukha nito na magtanong!

Tumayo ako at nilapitan sya. Aba! Ang swerte nya ha! Ako pa ang lumalapit sa kanya!

Kilala ko to eh! Sya yung pinagalitan ko dahil tinimplahan nya ko ng orange juice. So ibig sabihin.. Alam na nya na yun ang pinaka-ayaw kong flavor sa lahat.

"Alam mo naman na ayaw ko ng orange diba?"

"O-opo! A-alam ko po!"

"Alam mo naman pala eh! Eh bakit sinabi mo sa kanya na yun ang gusto ko? Tanga ka ba talaga??" tinaasan ko sya ng kilay.

"S-sorry po" pinagpapawisan na sya. Tama lang na matakot ka sakin!

"Sagutin mo nalang ang tanong ko!! Bakit nga sinasabi mo na gusto ko ng orange juice?!" tumaas na ang boses ko sa inis. Bwisit kasi eh! Ayaw pa sagutin yung tanong ko

My Spoiled Brat GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon