MSBG: 11

311 12 2
                                    

Chapter 11

"Hoy! Gising na!" 

Biglang may humablot sa unan na nakatakip sa mukha ko. Idinilat ko ang mga mata ko tinitigan ng masama ang taong nasa tapat ng mukha ko ngayon.

Bwisit talaga tong M-Jhey na to eh! Iniistorbo ang tulog ko!

"Problema mo?" sigaw ko sabay bato nung unan sa kanya kaya napaatras sya.

"Oh.. Chilax lang..  Ang aga-aga higblood ka" 

Inis na bumangon ako sa kama.

"Sino ba namang hindi maiinis kung ang sarap sarap ng tulog mo tapos bigla kang guguluhin?!" sigaw ko ulit sa kanya

"Ito naman! Sorry na oh! Pero.. Anong gusto mong breakfast? Total wala namang pasok ngayon ako na bahala maghanda" 

Napaisip ako.. Ano nga ba yung kinain namin kahapon? 

"Ano?" tanong pa nya

"Lo..... Uhmm.. ano nga ba tawag dun sa pagkain na yun? Lo... Mi... Oo! Yun nga Lomi!!" nakangiting sabi ko sa kanya.

Anyare sa kanya? Parang gulat na gulat? Ano bang mali dun sa sinabi ko?

"Sure ka ba na lomi ang gusto mo?" tanong nya. I rolled my eyes

"Duh! sasabihin ko ba na lomi kung ayaw ko?"

"Ah... Okay.. Itatanong ko nalang sa katulong nyo kung may ingredients na sila" kakamot-kamot pa sya ng ulo. Tumango nalang ako sa kanya tsaka sya lumabas ng kwarto ko.


***

"Hmmm.. Ang sarap" sabi ko sabay higop ulit ng sabaw. Napatingin ako sa mga maids namin na takang-taka na nakatingin sakin.

"Anong problema nyo?" tanong ko sa kanila. Tinaasan ko pa sila ng kilay

"Po? Wala.." sabi nung isa

"Eh bakit ganyan kayo makatingin sakin? Alam nyo naiirita lang ako sa inyo eh! Umalis nga kayo sa harapan ko!" sigaw ko sa kanila. Nagsialisan naman sila.

Tss.. Ewan ko ba dyan sa mga yan! Parang gulat na gulat sila ah!

"Nagtataka ka ba kung bakit sila ganon?" biglang umupo sa tabi ko si M-Jhey

"Bakit?" tanong ko

"Eh kasi.. Ang isang Ashlyn Kyra Villanueva ay kumakain ng ganyang klaseng pagkain" sabi naman nya sakin

"Eh anong masama dito? Tsaka masarap naman ah! Mas masarap pa nga to kesa sa hotdog at meatloaf.. Nakakasawa na yung mga yon!"  sagot ko sa kanya

"Hahaha.. Sino ba ang nagpakilala sayo nyan?" tanong nya

"Si Kyler" sagot ko agad. Bigla naman nawala yung ngiti sa mukha nya.

"Ah.. Sya pala.. Hmm.. Sige una na ako. May pupuntahan pa pala ako" tumayo na sya at umalis. Ano kaya ang problema ng lalaking yon? Bakit parang biglang nag-iba yung mood nya?

Bahala sya dyan.. Ano bang pake ko diba?

Tinuloy ko nalang ang pagkain ko.. Ang sarap talaga nito :)

Ooops! Muntikan ko nang makalimutan may photoshoot pala kami mamaya

***

"You did a great job again Kyra" sabi sakin nung photographer.

Paulit-ulit nalang na yan ang naririnig ko sa kanya! Syempre maganda ako! Kaya kahit anong ayos ko or pose maganda ang kalalabasan.

Dumiretso ako sa CR.. And I saw her AGAIN!! Bakit ba kailangan kong makita ang babae na to palagi?

My Spoiled Brat GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon