MSBG: 20

219 6 0
                                    

Chapter 20

Namatay ang babaeng pinakamamahal nya nang dahil kay Kyler? Anong tingin nya kay Kyler? Mamamatay tao? Eh mas mukha pa nga syang mamamatay tao kesa kay Kyler eh! >_<

"I won't believe you!" wala sa mood na sabi ko sa kanya

"Alam mo ikaw? Ang tapang mo rin eh no?" sabi nya na naniningkit ng mata

I rolled my eyes at him "That's me! That's my personality! Got a problem with that?" pagtataray ko

"Ah ganon ha? Tingnan lang natin kung hanggang saan yang tapang mo!" pagkasabi nya non ay bigla syang may hinugot sa bulsa nya.

Kinabahan ako nang malaman kong baril yon

Pero hindi! Hindi ko dapat ipakita na natatakot ako! Hindi dapat!

Nakangising itinutok nya sakin ang baril

"Susundin mo ang lahat ng sinasabi ko! Dahil kung hindi.. Ipuputok ko tong' baril na to' dyan sa ulo mo!" madiing sabi nya

Ngumiti ako sa kanya "Ano ako katulong mo? Haha! Swerte mo naman! Ang ganda ng katulong mo!"

"Manahimik ka dyan kung ayaw mong iputok ko tong' baril na to sa ulo mo!" sigaw nya sakin.

Okay fine! Ayoko pang mamatay noh!

Itinikom ko nga ang bibig ko. Pumunta sya sa may sulok at may hinanap doon.

Bumalik sya sa malapit sakin ng nakangisi

"Sayo to diba?"

Nanlaki ang mata ko nang makita kung ano ang hawak nya

"That's my phone! Anong gagawin mo dyan?" tanong ko sa kanya

"Ano pa ba? Edi tatawagan ang magaling mong boyfriend!" sabi pa nya sabay kalikot ng cellphone ko

Mabuti nalang talaga at nilagyan ko yun ng security code!

"Anong password nito?" tanong nya sakin

"Bakit ko naman sasabihin sayo?" ngumiti ako ng pang-asar sa kanya

"Hindi mo sasabihin---"

Oh pasasabugin ko yang ulo mo?" putol ko sa sinasabi nya.

Tsk. Tsk. Puro ganon lang naman ang sinasabi nya eh! Wala nang iba!

"Sumosobra ka nang babae ka!" gigil na sabi nya sakin

"Bakit? Napipikon ka na ba?" pang-aasar ko sa kanya

*BANG*

"Aaaahhh!" napasigaw ako nang iputok nya ang baril sa taas

"Haha! Ano takot ka?" ngising tanong nya sakin

Tiningnan ko sya ng masama

"Wag kang tanga! Ikaw kaya takutin na babarilin hindi ka matatakot? Gusto mo palit tayo! Ako dyan ikaw dito tapos tatakutin kita na babarilin kita! Ano try natin?"

"shut up! Just tell me your fvking passcode!!" sigaw nya sakin

"Neknek mo!"

Anong akala nya? Ibibigay ko nalang basta basta? Haha manigas sya!

"Anong gusto mo? Para ibigay mo sakin ang passcode nito?" tanong nya na nakapagpangiti sakin

Well, I know naman pag hiniling ko na palayain nya ko di nya gagawin.

Pero try naten!

"Pakawalan mo ko dito" sabi ko sa kanya

"Ano ako tanga? Ha?" galit na tanong nya

My Spoiled Brat GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon