MSBG: 27

169 4 0
                                    

"Anong sabi mo? Mahal mo ko?" Kunot noong tanong nya.

Umiwas ako ng tingin sa kanya

"Hindi ko na kailangan pang ulitin kung ano man ang sinabi ko kanina" sagot ko sa kanya.

"Tingnan mo ko Kyra" utos nya. Pero imbes na tingnan ko sya, tumalikod ako

"Ge. Bye muna" sabi ko at nagsimulang maglakad.

"Nag-uusap pa tayo wag ka munang umalis" saad nya tsaka ako hinawakan sa braso para pigilan ako.

Inis na nilingon ko sya

"Ano pa ba ang kailangan nating pag-usapan? Hindi pa ba sapat yung sinabi kong mahal kita? O sige! Naiinis ako! Nagseselos ako kapag nakikita ko kayong dalawa ni Stephanie na magkasama! Pag ang sweet nyo sa isa't-isa! Nasasaktan ako! Kasi palihim kitang minamahal eh! Kaya palihim din akong nasasaktan! Pero ngayon ipapakita ko na sayo na sobra akong nasasaktan kasi alam mo na rin naman na mahal kita eh! Ang sakit sakit! Kasi ikaw ang first love ko eh kaya ang ending sayo ko din nakuha tong lintek na first heartbreak na to!" Bigla nalang tumulo ang luha ko sa mata. Pero syempre pinunasan ko agad.

"Look. I am sorry. Hindi ko naman--"

"Hindi mo naman alam na magkakagusto ako sa gaya mo? Oh well! Maski ako hindi ko alam na sayo pala ako maiinlove ng ganito. Pero don't worry! I'm going to stop this feeling for the both of us" sabi ko at tumalikod ulit

"Wag mo pala muna ako kakausapin. Makikipagpalit nalang muna ako kay Steph ng seat para naman mas madali kita makalimutan" dugtong ko pa atsaka tumakbo papalabas ng court.

Ang sabi ko wag na nya kong kakausapin. Pero bakit parang hinihintay kong pigilan nya ko. Bakit parang gusto kong habulin nya ko para makausap?

Pero hindi. Hindi nya ko hinabol. Hindi nya ko pinigilan. Ibig sabihin pabor na sya sa desisyon kong kalimutan ang feelings ko para sa kanya. Kaya yun nalang talaga ang gagawin ko.

Naisipan kong wag muna pumasok sa class. Palagay ko dapat magpahinga na muna ako. Masyado na talaga akong  nasstress this past few days.

Umuwi nalang ako sa bahay at natulog. Ay mali hindi pala natulog. Pumikit lang pala ako. Hanggang ngayon kasi iniisip ko pa rin si Kyler.

Oh yeah! I need to admit that it's not hard to move on!

May tumulo nanamang luha sa pisngi ko. Hindi na ko nagbalak na punasan pa dahil alam kong marami pang kasunod.

Hays! Ganito pala ang feeling na ma-inlove! Masakit! Sobrang sakit!

I'll promise myself not to love again! Hindi na talaga! Hinding hindi na!

Kyler's Point of View

Nang marinig ko mula kay Kyra na mahal nya ko. Hindi ko alam yung feeling na bigla kong naramdaman.
Parang... Gumaan yung pakiramdam ko? Parang masaya ako? Ewan ko! Naguguluhan ako!

At nung sabihin nyang kakalimutan na nya yung feelings nya for me, parang kumokontra yung puso ko. Parang tinusok kasi eh. At gustong gusto ko sya habulin kanina. Gusto ko syang pigilan. Gusto ko syang yakapin at punasan ang mga luha nya.

Pero mali! Mali tong' nararamdaman ko. May girlfriend na ko. I admit! Since the day that I won Steph back. I haven't feel the same happiness I felt with her.

And I.. I always think of Kyra.. Yes! I always did! I don't know why but she always popped on my head and I hate that feeling!

And everytime I saw her with his fvcking bestfriend Mjhey? I really wanted to take her away from that fvcking man and punch him on his ugly face! Damn him!

"Oy pare! Babasagin mo ba yang baso? Sobrang higpit kasi ng hawak mo eh!"

Natauhan ako nang marinig ko ang boses ng kaibigan ko which is may-ari nitong bar.

"Sorry pre. May iniisip lang"

"Sus! Chix nanaman yan noh?! Bakit busted ka ba pre?" Pang-aasar nya. Hindi ko nalang sya pinansin

"Ano bang problema mo? Share mo naman!" Sabi pa nya.

I sighed. "Ganto kasi. There's a girl who confess her feelings for me. I found out that she loves me. And I felt happy with that. But.. I already have a girlfriend. And I'm really confused for my feelings!" Saad ko. Umiling-iling naman sya.

"Okay pre. Ganito ha! Yes or no, yan lang ang isasagot mo" sabi nya. Tumango lang ako.

"Okay! Ehem! Are you happy with your girlfriend?"

"I don't know"

"So that is a NO! Because if you're happy you can answer it with a YES.. So next question na tayo. Yung babae bang nag-confess sayo palagi mong iniisip?"

"Yeah"

"Are you jealous if she's with the other guys?"

"Yeah"

"Then you love her too!"

"Ha?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Mahal ko si Kyra?

"Hahaha Don't deny it! Alam kong alam mo na mahal mo sya! Hindi mo lang maamin sa sarili mo. So if I we're you? I won't waste even single time to tell her what I feel"

Para akong natauhan sa sinabi nya
Talaga bang mahal ko na si Kyra?

Sh*t! I'm just so stupid not to know that!

Pero...

Paano na si Stephanie?

Paano ko na sasabihin sa kanya lahat lahat? Matatanggap kaya nya?

My Spoiled Brat GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon