MSBG: 24

212 3 0
                                    

Chapter 24

Kyler's Point of View

"Kyleeeerrr!!!" Napalingon ako sa tumawag sakin. It's Steph, I gave her a sweet smile

"Oh? It seems like you're so happy" nakangiting sabi ko sa kanya. Tumakbo naman sya papalapit sakin at niyakap ako

"May dahilan kaya masaya ako. Kasama na kasi ulit kita. Ako na ulit ang kasama mo at hindi na yung malditang Kyra na yun" wika nya. I hug her back, but my smile fades when I heard Kyra's name.

I don't know what's this feeling. But when I saw her kiss her bestfriend. Parang gusto kong manuntok!

"May problema ba?" Tanong ni Steph. Ngumiti lang ako sa kanya at ginulo ng konti ang buhok nya

"Wala. Iniisip lang kita" palusot ko. Ngumiti sya at siniksik ang ulo nya sa dibdib ko.

"Ang sweet mo talaga"

Napatingin ako sa dalawang taong dumaan. Nakaramdam nanamaman ako ng pag-iinit ng ulo ko.

"Where do you want to go first?"

"Kahit saan basta kasama kita"

Tsk! Kelan pa naging korni si Kyra? Langya! Di bagay sa kanya!

Humiwalay si Stephanie sa pagkakayakap sakin at tiningnan sila Kyra na papalayo na.

"They look good together" saad niya tsaka tumingin sakin. Tumango nalang ako.

"Hmm can we date first before you send me home?" Sweet nyang sabi sakin. I smiled then gave her a peck on her lips.

"Sure! Ikaw pa!"

Naglakad na kami papunta sa parking lot. At kung minamalas ka nga naman. Naabutan pa rin namin yung dalawa.

"Gosh! Bakit ba kasi ngayon pa na-flat yang gulong mo? Kung kelan nasira tong sandals ko?" Rinig kong sabi ni Kyra. Napatingin sya sa pwesto namin pero hindi nya ko pinansin.

"Kaya nga eh.. Hmmmm alam ko na" saad ni M-jhey sabay upo sa sahig.

"Sakay" sabi pa nya.

"Sasakay ako sa likod mo?" Parang nag-aalinlangan pa na tanong ni Kyra

"Yep. Piggy ride back"

"Kyler let's go! Why do you need to watch them?" Napatingin ako kay Steph. Halatang naiinis na sya

"Sorry.. Gusto ko lang malaman kung okay ba talaga sila. Biglaan kasi eh" palusot ko.

"Hindi ba obvious? Tingnan mo nga sila" sabi nya kaya lumingon ako.

"Umayos ka pag ako nahulog!!" Sigaw ni Kyra habang buhat sya ni M-jhey sa likod.

"Hahahahaha. Hindi ka mahuhulog. Hahawakan kitang mabuti"

Tsk! Ang korni nila. Makaalis na nga lang.

"Tara na Steph" aya ko sa kanya.

Pinagbuksan ko muna sya pinto bagi ako sumakay sa driver's seat.

"Are you okay? Parang badtrip ka kasi eh" seryosong sabi ni Stephanie

I shook my head then smile

"Wala to. Pagod lang siguro" sabi ko nalang atsaka sinimulan ang pagmamaneho.

To be honest? Hindi ko alam kung bakit umiinit ang dugo sa tuwing nakikita ko sila Kyra at M-jhey na ganon ka sweet sa isa't-isa.. Hindi naman siguro to selos diba? Kasi kung selos to edi sana nasapak ko na si M-jhey?

My Spoiled Brat GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon