Chapter 3
Kyler's Point of View
Nandito ako ngayon sa kotse ko.. Hinihintay ko lumabas si Stephanie, sabi kasi nya sunduin ko sya eh.
Si Stephanie.. Model sya at girlfriend ko sya. Mahal na mahal ko yun!
Kasama nya din pala si Kyra doon sa loob. Nagtataka ba kayo kung bakit ko alam ang ugali ng babaeng yon?
Naikwento kasi sakin ni Stephanie na masama daw talaga ang ugali ng Kyra na yon. Malakas daw ang impluwensya non kaya ang sabi nya wag daw ako magpapadala kasi nasabi ko sa kanya na lilipat ako sa school nila..
At tama nga sya. Maldita nga talaga yon! Syempre hindi ako matatakot sa kanya! Babae lang sya at lalaki ako!
Hay! Bakit ba ang tagal nya lumabas? I miss her already.
Maya-maya may nakita akong nakatalikod na babae. Mukhang may hinihintay sya. Si Stephanie na siguro yan! Isurprise ko nga!
Lumabas ako ng kotse at dahan-dahan na lumapit sa kanya. Pag lapit ko sa kanya bigla ko syang hinila doon sa may diliman at tsaka ko sya hinalikan..
Kagaya ng dati.. Ang bilis nanaman ng tibok ng puso ko. Ganito ang nararamdaman ko tuwing hahalikan ko sya.
"ANG KAPAL NG MUKHA MONG HALIKAN AKO!!! *SLAP*" Napahawak ako sa pisngi ko.. Bakit nya ko sinampal?
"Wait lang hon.. Bakit mo ko sinampal?" tanong ko sa kanya. Hindi ko maaninag ang mukha nya dahil madilim dito.
"At ang kapal ng mukha mong tanungin ako nyan??!"
*PUNCH*
Napahawak ako sa bibig kong nasapak nya. Kelan pa sya natutong manuntok ng ganon kalakas??
Hinila ko sya papunta doon sa may ilaw.
"ANO BANG-----"
O_O
Nanlaki ang mata ko sa nakita ko... Ganun din sya...
"ANG KAPAL NG MUKHA MO! IKAW PALA ANG HUMALIK SAKIN HAYOP KA!!" malakas nyang sigaw at kasunod non ay...
"OUCH!!! FVCK!! FVCK!!" nagtatalon ako sa sobrang sakit dahil sinipa lang naman ako ng amasonang babaeng ito sa aking pagkalalaki!!
"Buti nga sayo! Alam mo bang kulang pa yan sa paghalik mo saken?! Napakakapal ng pagmumukha mo!" sigaw ni Kyra na halatang galit na galit..
Oo. Si Kyra nga yung nahalikan ko!! Bakit ba sa dinami-dami sya pa?!!
"Kulang? Kulang pa ba yung pagsipa mo sakin?! Paano kung mabaog ako? Paano pa madadagdagan ang mga gwapo sa mundo? Kawawa naman ang pili--- AWWW!!! SH*T!!!" nakahawak naman ako ngayon sa binti ko dahil sinipa nanaman nya ako.. Napakasadista talaga ng babaeng to!!
"Gwapo? Sino nagsabing gwapo ka?! Kung gwapo ka edi sana hindi ako magrereklamo na hinalikan mo ko!" sigaw nya ng naka-cross arms.
Aba't... Sya lang ang nagsabing hindi ako gwapo!!
"Bakit? Sino ba nagsabi sayo na gusto kitang halikan?! Napagkamalan lang kitang si Stephanie!! Wag kang feeling!" umayos na ko ng tayo. Ipapakita ko sa babaeng to na hindi ako takot!
"So.. Akala mo ako si Stephanie?? Grabe!! Di hamak naman na mas maganda ako kesa sa babaeng yon!! Iniinsulto mo ba ako? Parang pinababa mo naman ang standard ko!!" pagmamayabang pa nya.
"Wag na wag mong sasabihin yan sa kanya lalo na sa harap ko!! Dahil ugali nya ang tinitingnan ko!!" seryosong sabi ko sa kanya.
"Hahaha! So.. Superhero ka nya ganon? Ewan ko sa inyo! Napaka-madrama mo!" tumalikod na sya sakin
"Palibhasa kasi walang nagkakagusto sayo kasi sobrang sama ng ugali mo!" sabi ko sa kanya kaya napaharap sya ulit sakin..
"I don't care!! Basta ang alam ko.. Maganda ako!!" mataray na sabi nya at nag-flip hair bago tumalikod.
"Sandali!!" Hinawakan ko sya sa kamay nya.. Tiningnan naman nya ako ng masama. Ngumiti naman ako sa kanya "Hindi ka naman maganda eh!" pang-aasar ko sa kanya..
"Ano?" mukhang natameme sya sa sinabi ko.. Hahahaha
"Ang sabi ko hindi ka naman maganda!!" inulit ko pa yung sinabi ko.
"A-alam mo bang?? ARRRGGGHHHH!!!! I HATE YOU!!!"
"OUCH!!!" TAENA!! napahawak nanaman ako sa pagkalalaki ko.. Grabe talaga ang babaeng yan!!
"Serves you right freak!!" ngumiti pa sya bago umalis...
Makakaganti din ako sayo Kyra!! Maghintay ka lang!!
Kyra's Point of View
ARRRGGGHHH!!! NAKAKAINISSS!! BWISIT SYA!!! AAAHHHHH!!!!!!!
Pinagsusuntok ko yung teddy bear dito sa kwarto ko.
"HAYOP KA TALAGA!! IKAW LANG ANG NAGSABING HINDI AKO MAGANDA!!!" pingasasampal ko yung pisngi ng teddy bear at nakita kong gumulong yung mata nya sa sahig.
ARRRRGGGHH!! BWISIT TALAGA SYA!! WALA SYANG KWENTA!!
"MAGANDA AKO EH!! ALAM KONG MAGANDA AKOO!! MAGANDA TALAGA AKO!!" sigaw ko pa.. Bwisit talaga yung Kyler na yon!!
"KYRA?! KYRA!!" narinig ko yung boses ni dad..
Bubuksan ko ba?
"KYRA!! What's happening?" kinatok katok na nya yung pinto.
Tumayo ako at binuksan yung pinto.
"Dad!" mahinang sabi ko.
"Bakit ka sumisigaw?" tanong nya
"Eh kasi po... Err-- Basta!!" tiningnan ko yung lalaking secretary ni papa.
"Mr.Sanchez" tawag ko sa kanya
"Bakit po?"
"Maganda ba ako o panget? Sabihin mo yung totoo!!" sigaw ko sa kanya
Tumawa naman sya ng mahina.. "Tinatanong pa ba yan? Kayo po ang pinakamagandang babae na nakita ko!" sagot naman nya
"Talaga? Hindi mo ba ko binobola?" tanong ka po ulit.
"Opo! Totoo yun! Hindi po ako nagsisinungaling! Kahit tanungin nyo pa yung iba ganun din yung sasabihin nila!!" sagot nya.
"Okay.. Salamat!" nginitian ko sya.. See? Maganda talaga ako!! Malabo lang talaga ang mata ng Kyler na yon!!
"Iyon lang ba ang problema mo Kyra?" tanong ni dad sakin
"Opo! Sige na po dad! Thank you! I love you!" I hug him. Then umalis na silang dalawa
Sinara ko na yung pinto ko at bumalik sa pagkakahiga ko.. Medyo gumaan na rin yung pakiramdam ko. Medyo lang kasi nalaman ko na may napapangitan pala sakin!!
Hmp!! Siguro talagang malabo lang yung mata ng hinayupak na lalaking yon!! Akala mo naman sobrang gwapo!! Eh wala pa naman sya sa kalahati ng tipo kong lalaki!!
Walang galang tapos---
Napahawak ako sa labi ko...
Y-yung kiss pala namin...
Tumakbo agad ako papunta ng C.R Kinuha ko yung sipilyo ko at nilagyan ng sandamakmak ng toothpaste. Pati bunganga ko nilagyan ko na..
GRABE!! KADIRI!! Hindi ko lubos maisip ng mahahalikan ako ng baliw na lalaking yon!!
Napakakapal ng mukha nya!! Dalawa na yung atraso nya sakin!
Humanda ka lang talaga sakin Kyler Hernandez!!
BINABASA MO ANG
My Spoiled Brat Girl
ChickLitAshlyn Kyra Villanueva is one of the richest girl in the Philippines.. She was also known as one of the famous model because of her beauty and sexiness. Almost perfect right? But she's not like that! She was a big bully of their school. Most of the...