MSBG: 9

366 12 1
                                    

CHAPTER 9

"Hello.. I am Stephanie Wren from Edison High.. Nice meeting you all" Umupo na sya sa bakanteng upuan mga bandang gitna..

Grabe talaga ang ngiti ko ngayon! Lalo tuloy akong nagiging excited! Tiningnan ko naman yung katabi ko.. Hahaha.. Nakakatawa yung itsura nya!!

"Hoy! Mapapasukan na ng palaka yang bibig mo!" bulong ko sa kanya.. Hahaha kung maka nga-nga kasi wagas!

"Bakit sa dinami-dami ng school dito pa nya naisipang lumipat?" narinig kong sabi ng katabi ko

"Ayaw mo yun? Mas exciting? Mas magseselos sya kung makikita nya tayong magkasama!" sagot ko sa kanya.. Tiningnan naman nya ko sabay ngiti.. 

"Yeah! You're right!" bigla naman nya kong inakbayan.. Aba! Chancing na to ah!

"Tigil-tigilan mo yang pag-akbay mo sakin!" bulong ko

"Sira ka ba? Paano magiging makatotohanan ang pagpapanggap natin kung walang ganito?" sagot nya naman..

"Tss.. Bahala ka nga!" tumingin nalang ulit ako sa harap.. Hinayaan ko nalang yung kamay nyang nakaakbay sakin.. 

"Sir!" nasa kalagitnaan ng pagdidisscuss si Sir nung biglang nagtaas ng kamay si Stephanie.

"Yes Ms.Wren?"  tumayo naman si Stephanie

"Wala bang rules sa school na to na kung saan ipinagbabawal ang paglalambingan?" bigla naman syang tumingin samin ni Kyler.. 

"Huh? Syempre meron.." sagot ni Sir

"Eh bakit pinapayagan nyo silang dalawa? Diba dapat pinapagalitan nyo na sila?" nakatingin pa rin samin si Steph.. 

Tumayo na rin ako.. Syempre.. HIndi ako papayag na hindi lalaban noh!

"Alam mo? Kung nagseselos ka.. Sabihin mo na! HIndi mo na kailangan pang idamay ang school na to! Because it's so obvious that you are jealous!" sabi ko sa kanya..

Tinaasan naman nya ko ng kilay "Hindi ako nagseselos! Nakakaistorbo kasi kayo sa ibang estudyante!" sagot naman nya.

Tinaasan ko rin sya ng kilay "Nakakaistorbo sa ibang estudyante? Oh ikaw lang ang naiistorbo?" mataray na tanong ko sa kanya

"Babe.. Tama na yan" biglang sabi ni Kyler.. Nakita ko naman na biglang namula yung mukha ni Steph.. Hahaha.. Tama nga ako! Nagseselos sya!

"Maupo na kayong dalawa" sabi ni Sir samin.. Umupo nalang din ako.. Gusto ko kasing matawa sa reaksyon ni Stephanie.

"Ang galing ko noh!" pagmamayabang ko kay Kyler

"Sus! Parang yun lang!" sabi nya naman   Ah! Ganon ha?

"OUCH!!" sigaw ni Kyler... Hahaha. inapakan ko kasi yung paa

"What's the problem Mr.Hernandez?" tanong ni sir

"Wala po sir! Naapakan nya yung sarili nya" singit ko naman.. Mukha namang naweirduhan si sir sa sagot ko.. Hahahaha.. Sino ba naman kasi ang makakaapak ng sariling paa?

"Ah.. Ganun ba? Sa susunod mag-iingat ka" sabi nalang ni sir at bumalik na sa pagtuturo.. Pansin nyo ba? Palagi nalang naiistorbo si sir sa pagtuturo?

"Napaka-sadista mo talagang babae ka!" bulong sakin ni Kyler habang nakahawak pa rin sa paa nya..

Hindi ko nalang sya pinansin.. Nakinig nalang ako kay Sir.. Nag-aaral pa rin naman ako kahit papano noh!

Hayst! Lunch break na rin sa wakas!! Palabas na sana ako nang biglang...

"OUCH!!" letse! Sino ba yung bwisit na bumangga sakin? Pagtingin ko si..

My Spoiled Brat GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon