MSBG: 15

265 7 1
                                    


Chapter 15

Kyler's Point of View

"So class, can you give me the rights of a consumer?"

Steph was about to raise her hand..

"Sorry sir, I'm late-- Oopps! No! I just have my breakfast in the cafeteria"

Naibaba ni Steph ang kamay nya at napatingin sa babaeng nasa pinto ngayon.

"Guys! I know that I'm pretty! You don't need to stare at me like that!" Kyra said then rolled her eyes. She sat beside me

Bakit kaya ngayon lang sya pumasok? Alam ko naman na hindi talaga sya kumain sa cafeteria. Sinabi nya lang yon para asarin yung teacher namin.

Eh kung tanungin ko kaya?

"Bak--" napatigil ako

No Kyler! Diba nga hindi mo sya kakausapin? Dahil yun sa pagsama nya dun sa bestfriend nya! Pinuntahan ko pa sya dun sa bahay nila tapos di rin pala sya sakin sasama?

Nababanas talaga ko pag naaalala ko yun eh!

Kaya hindi ko talaga sya papansinin! Haha! Tingnan lang natin!

***

*Breaktime*

"Kyler! Sinong kasabay mo mag-lunch?" lumapit sakin si Steph at kumapit sa braso ko

"Ha? Meron si Kyra" sagot ko.

Napabitaw naman sya sa braso ko.

"Ah.. Sige" sabi nya at tumalikod na

Kahit naman galit ako Kyra. Hindi ko pa rin dapat kalimutan ang plano ko. Ang plano kong pagselosin si Stephanie.

Naglakad na ako papunta na sa cafeteria nang makita ko si Kyra na papunta din ng cafeteria.

Nakatalikod pa rin sya sakin nang bigla syang lumingon.

"Hey" sabi nya pagkakita nya sakin

Ha! Anong akala nya? Tatalab sakin yang charms nya? Manigas sya!

Tumatakbo syang papalapit sa akin.

Sige lang! Magpa--

"Ha?"-ako

Napatingin ako sa likod ko.

Peste! Nilagpasan ako!!
At dahil nanaman sa M-Jhey na yon!! Ni hindi manlang ba nya ako napansin?

"Mukhang masaya ka ata!" sabi ni M-Jhey sabay gulo sa buhok ni Kyra.

"Syempre naman! Tsaka! Ang saya kaya ng ginawa natin nung isang araw!!" ngiting sabi ni Kyra

Ginawa? Ano naman yung ginawa nila nung isang araw?

Eh diba.. Yun ang araw na hindi ako sinamahan ni Kyra?

Tsaka.. Hindi manlang ba sya nag-iisip?! May boyf-- ay este may fake boyfriend na nga sya kung kani-kanino pa sya sumasama?!

Paano nalang kung mahalata nung iba?! Anong ipapaliwanag ko? Ha?!

"Oh.. Kyler? Sa tingin mong yan parang kakainin mo ako ha?" maangas na sabi ni M-jhey sakin habang nakataas ang isang sulok ng labi nya

At talagang pinapainit ng siraulong to ang ulo ko ha!!

***

Kyra's Point of View

My Spoiled Brat GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon