Chapter 3

17K 356 52
                                        

Nakapalumbaba ako habang nakatingin sa computer ko. Napabuntong hininga na lang saka sumandal sa swivel chair ko ng muling nag loading ang screen. Napalingon ako sa katabing cubicle ko ng nagmamadaling tumayo si Ami.

"Saan ka na naman pupunta?" Kunot noong tanong ko sa kanya.

"May kukunin lang ako sa labas." Sinundan ko siya ng tingin habang busy siya sa paghalungkat sa bag niya.

"Ano na naman kukunin mo?" Napailing na lang ako ng ibinihus niya sa table ang laman ng bag niya. Gumulong na ang ibang gamit niya at nagkanda hulog.

"Yung inorder ko online." Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya.

"Diba may dumating din na order kahapon sa unit natin?" Gulat na tanong ko sa kanya.

Amiarah and her online shopping addiction.

"Oo, may 1,000 ka ba diyan?" Napangiwi kaagad ako ng humarap siya sa akin.

"Bakit?" Kahit hindi ako mag tanong ay alam ko na kung saan patungo ang usapang ito.

Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko. "Pahiram muna."

Sinamaan ko kaagad siya ng tingin. Ang dami niya ng utang sa akin dahil lagi siyang nanghihiram ng pera para sa online shopping niya. Padabog kong kinuha ang bag ko sa table para kunin ang wallet ko.

Humagikgik pa siya ng inabot ko sa kanya ang pera. Napahirap na lang ako sa hangin ng maramdaman ko ang  pagdampi ng labi niya sa pisngi ko.

Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa computer ko pagkaalis niya. Muli akong nagpakawala ng malalim na buntong hininga ng makita kong buffering pa rin ang screen ng computer ko.

Mariin kong ipinikit ang mata ko bago yumuko sa lamesa. Mahina kong inuntog ang ulo ko sa mesa habang habang nakapikit.

Iniisip ko pa rin ang nangyari kahapon. Naaalala ko na naman ang umiiyak na mukha ni Jayden.

Napa-aray ako bigla ng may humampas sa ulo. Itinaas ko ang gitnang daliri ko ng makita ko si Ami na nakangisi sa’kin. May hawak na siyang kulay orange na plastic na paniguradong kinuha niya sa ground floor.

"Ang dami mo ng utang sa akin." Inis na sabi ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako.

"Babayaran na kita." Sumama kaagad ang mukha ko dahil doon.

"Gaga ka ba? Ilang beses mo ng sinabi sa akin 'yan!" Mahinang sigaw ko sa kanya

"Totoo na 'to! Promise!" Itinaas niya pa ang kanang kamay niya na parang nanumpa.

Napairap na lang ako. "Ewan ko sa'yo."

"Hoy! Yung kwento mo pala sa akin kagabi." Hindi ko na siya pinansin at muling nangalumbaba sa table ko.

Napaigtad ako sa gulat ng walang pasabi niyang sinundot ang bewang ko. Pinanlakihan ko siya ng mata para tumigil siya pero tinawanan niya lang ako bago naupo sa swivel chair niya.

"Totoo talaga 'yun?" Sinundot niya ulit ang tagiliran ko kaya mahina kong sinipa ang paa niya sa ilalim ng lamesa.

"Mukha ba akong sinungaling?" Masungit na tanong ko sa kanya.

"Bakit parang galit ka? Bakit parang kasalanan ko?" She dramatically held her chest acting hurt.

"Kasalanan mo talaga!"

"Ang init ng ulo ha? Meron ka ba ngayon?" She chuckled, a mischievous grin spreading across her face.

Tinalikuran ko na lang siya pero rinig ko pa rin ang mahinang pagtawa niya. Napipikon na talaga ako! Gusto niya ako magkwento pero hindi naman siya naniniwala.

Instant MommyWhere stories live. Discover now