"Lunch na, hindi pa ba nagugutom iyang anak mo?" Napalingon tuloy ako kay Jayden ng kalabitin ako ni Ami.
Nakaupo siya sa swivel chair sa tabi ng cubicle ko. Pinalagyan ni Sir Jacob ng additional table sa tabi ng cubicle namin ni Ami para lang kay Jayden. Buti na lang hindi na nagtatanong ang ibang nasa department team namin.
Nahahati sa anim ang marketing department at may office per team kung saan naka-assign ang mga cubicles. Sa team namin ay sampu kami lahat kasama na ang mga intern kaya hindi rin masyadong crowded sa office at isa pa malaki ang space ng working place namin.
Ginulo ko ang buhok ni Jayden ng mag-angat siya ng tingin sa akin. Ngumuso siya at hinawakan ang kamay ko para ilayo iyon mula sa buhok niya. Natawa na lang ako at napailing.
Thrice a week lang ang pasok niya sa school kaya madalas siyang sinasama ni Jacob sa trabaho. Ngayon ako ulit ang kasama niya dahil nasa meeting ang daddy niya. Sinamahan siya ng secretary ni Jacob kanina papunta sa floor ko dahil gusto niya raw ako makita pero hindi na siya sumama pabalik sa sa office ng daddy niya.
"Are you hungry?" Mahinang tanong ko sa kanya.
Tumango siya kaya nilipat ko ang tingin ko kay Ami na busy na ulit magtype harapan ng computer niya. Kaming tatlo na lang din ang nasa loob. Mukhang lumabas na rin ang iba.
"Ami, hindi ka pa ba sasabay mag lunch sa amin?" Nag-angat siya ng tingin sa akin bago nilibot ang tingin sa paligid.
"Mauna na kayo, hindi pwedeng walang taong maiiwan dito." Sumandal siya sa swivel chair niya at bahagyang minasahe ang gilid ng noo niya.
Hinawakan ko kaagad sa braso si Jayden ng bigla siyang tumalon pababa sa inuupan niya. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Ami ng makita niya ang ginawa ni Jayden.
"Bilhan ba kita lunch?" Tanong ko sa kanya bago tumayo mula sa swivel chair ko.
"Libre mo ako?" Nagliwanag kaagad ang mukha niya habang nakatingin sa akin.
"Ang kapal ng mukha mo." Binato ko sa kanya ang folder na nakapatong sa table ko na siyang nagpatawa sa sa kanya.
"Hahaha. Don't worry may maghahatid ng food sa akin." Tumaas ang sulok ng labi niya ng makita niya ang pagngiwi ko.
"Hindi ba busy iyon?" Takang tanong ko sa kanya.
"Walang salitang busy dun pagdating sa akin."
"Ang yabang mo!" Mas lumakas ang tawa niya dahil sa sinabi ko.
Inirapan ko na lang siya bago inabot ang wallet ko. Nginitian ko lang si Jayden ng makitang magkasalubong ang kilay niya habang nakatingin sa akin. I pinched his nose causing him to scrunch it slightly, making me laugh.
"Let's go, Jayden." Humawak kaagad siya sa kamay ko ng inabot ko iyon sa kanya.
Ami waved at us, Jadyen waved his tiny hand back at her. Before we could fully exit the office, we bumped into my team leader. Her gaze went to Jayden before looking at me.
"Kakain pa lang kayo ng lunch?" I stopped walking when she struck up a conversation.
"Opo ma'am, nasa loob naman po si Ami." Tinuro ko si Ami mula sa glass wall kaya napunta roon ang tingin niya.
"That's okay, enjoy your lunch." Sinuklian ko ang ngiti niya. Bahagya pa siyang yumuko para pantayan ang mukha ni Jayden.
"Ikaw din." She bopped Jaydens's nose.
I bit my lower lip when I saw him tilt his head to the side. The look of confusion was evident on Jayden's face as he tried to understand her words.
"I don't understand." Hinawakan ko kaagad ang balikat ni Jayden dahil sa sinabi niya. Mukhang narealize naman ni Ma'am Valdez ang ibig sabihin ni Jayden.
YOU ARE READING
Instant Mommy
RomanceThea Alvarez, a hardworking and dedicated employee at one of the town's biggest companies However, her life takes an unexpected turn when Jayden Madrigal, the only son of her boss, mistakes her for his mother. The child doesn't want to be away from...