"Mommy!" Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang sigaw ni Jayden.
Napakamot ako sa pisngi ko ng makita ko si Jayden na nakadapa sa kabilang parte ng kama habang nakalagay ang dalawang kamay sa magkabilang pisngi niya. Tumayo siya at yumakap sa akin ng makitang gising na ako.
"Good morning, Mommy!" Hinalikan niya ako sa pisngi. Napailing na lang ako at marahan siyang niyakap pabalik.
"Good morning." I squeezed his cheek playfully, making him giggle.
Ibinaba ko muna siya para maghilamos at magtoothbrush. Pagpasok ko sa banyo ay bahagya akong natigilan ng makakita ako ng pamilyar na gamit. Nagkibit balikat na lang ako saka nag hilamos.
Paglabas ko sa banyo sumalubong kaagad sa akin si Sir Jacob na nakasandal sa saradong pinto ng kwarto. Lumipat ang tingin ko sa kama pero wala na doon si Jayden.
"Nasa baba na po ata si Jayden." Sabi ko dahil baka hinahanap niya si Jayden.
"Your things are downstairs." Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya.
"My what?" Gulat na tanong ko sa kanya.
"Your things, pinadala ko sa kaibigan mo ang mga gamit mo." He pursed his lips looking away.
"Kaibigan?" Huwag niyang sabihin si Ami ang tinutukoy niya!
"Amiarah Sanchez." Nasampal ko kaagad ang noo ko.
"Nasa baba siya ngayon." Ani niya bago ako tinalikuran. Napamaang na lang ako habang nakatingin sa pintong nilabasan niya.
Mabilis kong kinuha ang bag na dala ko kahapon mula sa gilid ng kama ni Jayden. Napasabunot ako sa buhok ng maalala ko ang itsura ko. Wala pa akong suklay. Nakakahiya!
Sinuklay ko ang buhok ko bago tuluyang bumaba. Napabuntong hininga na lang ako ng makita ko nga si Ami na nakikipag-usap kay Jayden. Halatang tuwang-tuwa sa bata.
Nakita ko ang pagliwanag ng mukha ni Jayden ng makita niya ako. At mukhang napansin iyon ni Amiarah kaya nabaling sa akin ang tingin niya. Bahagyang tumaas ang gilid ng labi niya na siyang nagpairap sa akin.
"Mommy, my morning kiss!" Tumakbo palapit sa akin si Jayden ng tuluyan akong makababa sa hagdan.
Itinaas niya ang dalawang kamay niya sa ere ng makalapit siya sa akin. Kinurot ko ang tungki ng ilong niya bago siya kargahan. I planted a gentle kiss on his cheek, following his playful gesture of him pointing his dimple signaling me to kiss him there.
"Have you eaten your breakfast?" I asked softly.
"Not yet." He rested his head on my shoulder and yawned softly. I chuckled when I saw his red and puffy eyes.
"It's already late, go eat your breakfast." Ngumuso pa siya ng ibaba ko siya bago tumakbo papasok sa dining.
Ibinaling ko ang tingin ko kay Ami ng marinig ko ang mahinag pagsipol niya. Ngumiti siya ng magsalubong ang tingin namin. Halatang handa na akong asarin.
Tinaas-baba niya ang kilay niya bago naglakad palapit sa akin. Sinamaan ko kaagad siya ng tingin. Mahina kong hinampas ang kamay niya ng sundutin niya ang bewang ko.
"Career na career ang pagiging mommy." Tinawanan niya lang ako ng pabiro kong hinila ang buhok niya.
"Anong ginagawa mo rito?"
"Tinawagan ako ni Sir Jacob kanina. Pinadala niya sa akin iyang mga gamit mo." Tinuro niya ang dalawang malaking maleta na nasa gilid ng hagdan.
Akala ko nagbibiro lang si Sir Jacob tungkol sa mga gamit ko. Hindi pa nga ako pumapayag tungkol sa pagstay ko rito kasama sila ni Jayden pero mukhan nakapag-desisyon na siya para sa akin.
YOU ARE READING
Instant Mommy
RomanceThea Alvarez, a hardworking and dedicated employee at one of the town's biggest companies However, her life takes an unexpected turn when Jayden Madrigal, the only son of her boss, mistakes her for his mother. The child doesn't want to be away from...