"Jayden, slow down! You might slip!" Saway ko kay Jayden ng makita siyang tumatakbo ulit paikot sa swimming pool.
Nakaupo ako sa hammock chair malapit sa pool habang binabantayan si Jayden na mag swimming. Last week niya pa ako kinukulit tungkol dito pero hindi ako pumayag dahil wala akong permission ni Jacob.
Hindi pumasok ngayong araw si Jacob kaya nakapag-swimming na rin si Jayden dahil nagpaalam na ako kanina pagkatapos namin kumain ng tanghalian. Kami lang ni Jayden ang nasa labas dahil busy pa siya sa meeting at mga paper works na dinala ng secretary niya kanina.
Halos kalahating oras na rin nakababad si Jayden sa tubig pero hindi pa rin siya nagsasawa. Kanina niya pa nga ako inaaya na daluhan siya sa pool pero tumanggi ako dahil hindi naman ako marunong lumangoy kaya sabi ko sa kanya bantayan ko na lang siya.
Gusto ko man siyang samahan pero hindi ko talaga kaya dahil mukhang malalim ang pool. Isa pa, takot rin ako lumangoy dahil minsan na akong muntik malunod dati.
Mula sa pwesto ko ay napailing na lang ako ng makitang tumalon si Jayden sa pool. Marunong naman na siyang lumangoy at meron rin siyang suot na arm floaters kaya hindi din ako masyadong nag-aalala. Nakabantay din sila Ron at Leo sa gilid.
"Why don't you swim with Jayden?" Napalingon ako sa gilid ko ng magsalita si Jacob. Mukhang tapos na siya sa mga paperworks niya.
"Hindi ako marunong lumangoy." Mahinang bulong ko.
Sinamaan ko kaagad siya ng tingin ng marinig ko ang mahinang pagtawa niya. Tumigil naman siya sa pagtawa ng makitang masamang tingin ko sa kanya. He even coughs a little, trying to stop himself from laughing.
"Really?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
He looked at me amusingly, as if it was his first time meeting someone who didn't know how to swim.
"Daddy! Teach mommy how to swim!" Nabaling ang tingin namin kay Jayden na ngayon ay nakahawak na sa gilid ng pool malapit sa amin.
"Should I?" Jacob looked at me, as if asking if I wanted to learn how to swim.
"You should!" Natawa na lang ako ng marinig ko ang sigaw ni Jayden.
Maraming tao na ang sumubok na turuan ako pero lahat sila sumuko. Si Amiarah ang huling nagturo sa akin pero hindi na naulit kasi tinatawanan niya lang ako kapag nasa tubig na kami. Alam kong wala na akong pag-asa na matuto lumangoy.
Jayden was so eager for his dad to teach me how to swim kaya wala na rin akong nagawa. Tumawag si Jacob ng isa sa mga house helpers para bantayan muna si Jayden sa pool habang nagpapalit kami ng damit.
Pag-akyat ko sa kwarto ko ay hinalungkat ko kaagad ang drawer ko para maghanap ng rash guard.
Buti na lang nakuha ko na last week ang ilan pa sa mga damit ko na nasa condo namin ni Amiarah. Wala pa naman rash guard sa dala niya last time! Lahat two piece swimsuit!
Binilisan ko lang din ang pagkilos ko dahil hindi ko pwedeng iwan si Jayden ng matagal dahil minsan umiiyak siya kapag hindi niya ako nakikita. He wants me to always be in his sight and have my full attention focused on him.
"Thea, are you done?" Tawag ni Jacob mula sa labas ng kwarto ko.
"Teka lang naman!" Napairap ako sa hangin ng hindi ko na narinig ang boses niya sa labas.
Isang buwan na rin simula ng gawin namin ang set up na ito. Nasanay na ako sa ugali ni Jacob kaya medyo comfortable na rin ako sa kanya. Hindi na ako masyadong naiilang. Uhm, siguro, minsan.
Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na rin ako ng kwarto. Pagbaba ko pa lang sa hagdan ay rinig ko na ang sigaw ni Jayden. Pagdating ko sa pool area ay tumambad sa akin ang mag-ama na nagkukulitan sa tubig.

YOU ARE READING
Instant Mommy
RomantizmAlethea Alvarez, a hardworking and dedicated employee at one of the town's biggest companies However, her life takes an unexpected turn when Jayden Madrigal, the only son of her boss, mistakes her for his mother. The child doesn't want to be away f...