The whole day went by just like the usual. Ibinaling ko ang tingin ko kay Ami ng sundutin niya ang tagiliran ko. I gave her a questioning look but she just tilted her head to the side making me look.
Kumunot kaagad ang noo ko ng makita ko na naman si Bien papasok sa department namin.
Tumayo na ako sa upuan ko para salubungin siya dahil mukhang ako naman ang pakay niya. I gave him a small smile when he stopped in front of me.
"Miss Alvarez, pinapatawag po kayo sa office ni boss." I glared at Ami when I heard her snicker.
"Hala, lagot ka Thea. Anong ginawa mo?" Napairap na lang ako sa hangin ng nakisali pa ang iba. They're acting like I was called to the guidance office because I did something.
"Tigilan niyo nga ako!" Inungusan ko sila pero tinawanan lang nila ako.
Nakasunod lang ako sa likod ni Bien habang papunta sa office ni Jacob. I unconsciously look at my reflection inside the elevator with the thought of seeing Jacob. I gently brushed a strand of hair away from my face.
I need to look presentable in front of my boss.
I stopped checking myself when I saw Bien looking at me oddly in the reflection. Inayos ko kaagad ang tayo at marahang tumikhim.
Mariin kong ipinikit ang mata ko, hinihiling na sana mas bumilis ang pag-akyat ng elevator dahil sa sobrang tahimik. It was so awkward!
Nakahinga ako ng maluwag ng bumukas na ang elevator. Hindi ko na hinintay si Bien at nauna ng naglakad sa office ni Jacob. Kumatok muna ako sa pinto bago ‘yon pihitin pabukas.
Napalingon sa akin si Jacob ng pumasok ako sa office niya. He looked so relieved as he rested his back on his swivel chair. Naglakad ako palapit sa table niya ng senyasan niya ako na lumapit.
"May kailangan ka?" Kumunot kagad ang noo niya dahil sa tanong ko.
Inayos niya ang pagkakaupo nya at ipinatong ang dalawang siko sa mesa bago ako taasan ng kilay.
"You might be forgetting something here, Miss Alvarez." He even titled his head to the side raising his brows at me.
I coughed a little to clear my throat before giving him a sweet smile as I fixed my sitting posture. "Pinatawag niyo raw po ako, Sir Jacob?"
He gave me a teasing smile letting out an amused laugh as he shook his head.
Napairap na lang ako sa hangin ng pagbagsak niyang sinandal ang likod niya sa swivel chair. Nakatitig lang siya sa ceiling mukhang malalim ang iniisip. Mariin pa siyang pumikit habang minamasahe ang sintido.
Ngayon ko nga lang din napansin na sobrang gulo ng buhok niya. Maluwag na rin ang pagkakasuot ng necktie. Inilihis ko kaagad ang tingin ko sa kanya ng mag-ayos siya ng upo.
"Jayden's being stubborn again. Mamà's been calling me trying to get him to listen." Muling bumalik ang tingin ko sa kanya dahil sa sinabi niya.
I thought everything is going well since hindi naman ako tinawagan ni Tita Jada. Kinuha niya ang number ko incase nga raw biglang mag tantrums si Jayden.
"He's been asking to go home. Mamà wants you to talk to him and convince him to stay a little longer." Bakit hindi na lang tumawag si Tita sa akin directly? She has my number anyway.
Tumayo kaagad ako sa kinuupuan ko na sinenyasan niya akong lumapit sa kanya ng tumunog ang phone niya.
["Mommy!"] Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang malakas na palahaw na iyak ni Jayden sa kabilang linya.
"Where's your Nana?" Jacob asked.
["Kitchen!"] It was Jayden.
Sinilip ko ang screen ng phone ni Jacob ng makalapit ako sa kanya. I didn't know it was a video call kaya nakita kaagad ako ni Jayden pagsilip ko.

YOU ARE READING
Instant Mommy
RomanceAlethea Alvarez, a hardworking and dedicated employee at one of the town's biggest companies However, her life takes an unexpected turn when Jayden Madrigal, the only son of her boss, mistakes her for his mother. The child doesn't want to be away f...