Halos walang umimik sa amin buong biyahe papunta sa bahay ng mga Madrigal. Nakaupo ako sa likod ng passenger seat habang malayo ang tingin sa labas ng bintana.
Deja vu.
Napakurap ako ng maramdaman ko ang maliliit na kamay ni Jayden sa magkabilang pisngi ko. Ngumiti kaagad ako sa kanya ng magtama ang tingin namin.
"Mommy." I reached out and gently stroked his cheek tracing the outline of his soft skin.
"What's wrong?" Nasa likod niya ang kamay ko habang nakaupo siya sa mga hita ko. I lean in close to him to hear him clearly.
He didn't say anything and just snuggled closer to me, his tiny arms wrapping around my neck. I chuckled when I heard him yawn as he leaned his head on my shoulder. Oh, he's sleepy.
"Jay, we're almost there, don't fall asleep." Mahina kong tinapik ang pisngi ni Jayden ng marinig ko ang boses ni Sir Jacob mula sa passenger seat. Lumingon pa siya sa amin para silipin si Jayden na ngayon ay nakapikit na.
"But I'm already sleepy, daddy." Jayden mumbled, his head slumping against my shoulder. I felt his tiny hand grip my shirt.
"No, you won't be able to eat your dinner again if you fall asleep." I stifled a smile when I saw him pout a little, making me giggle.
Hindi na nagsalita si Sir Jacob at umiling na lang. Napangiti na lang din ako ng makitang nakatulog na nga si Jayden. Inayos ko ang upo ko para hindi ako masyadong mangalay.
Ilang minuto lang din naman ay huminto na ang sasakyan sa harap ng malaking gate ng mga Madrigal. Kahit gabi na ay tanaw ko pa rin ang mansyon nila mula sa loob ng kotse dahil sa ilaw na nakapalibot dito.
Pagkababa namin sa sasakyan ay agad na nagpabuhat si Jayden ng magising ito. Mahigpit ang yakap niya sa akin habang karga ko siya, nakasandal pa ang ulo sa balikat ko halatang inaantok pa.
Ayaw niyang magpabuhat sa iba dahil gusto niya ako lang daw. Sinubukan siyang kunin ni Sir Jacob kanina pero umiyak kaagad siya at naglupasay! Kung ibababa ko naman siya gusto niya hawak niya ang kamay ko.
Napabuntong hininga na lang si Sir Jacob ng mabilis na umiling si Jayden ng sinubukan niya ulit ‘to kunin sa akin ng makapasok kami sa loob ng bahay.
"Come on, Jay, I'll carry you." Mas humigpit ang yakap niya sa akin.
"Jayden!" Napaigtad ako sa gulat ng biglang tumaas ang boses ni Sir Jacob.
Mukhang nagulat din si Jayden dahil narinig ko ang mahinang pagsinghap niya. Hinaplos ko kaagad ang likod niya ng marinig ko na ang paghikbi niya mula sa balikat ko. Napabuga na lang ng hangin si Sir Jacob bago tumalikod sa amin.
Sinuklay ko ang buhok ni Jayden ng tuluyan na siyang humiwalay sa pagkakayakap niya sa akin. Sumisinghot pa siya habang masama ang tingin sa papalayong bulto ng daddy niya.
"Why are you crying?" Pinunasan ko ang pisngi niyang may bakas pa ng tuyong luha.
He shook his head, "I'm hungry." Marahan kong kinurot ang namumula niyang pisngi ng ngumuso siya.
"You should apologize to your dad." I bit my inner cheek to stop myself from smiling when his brow furrowed as he pushed his lower lip out in a pout.
"I don't want to!" He even crossed his arms tightly in front of his chest shaking his head in disapproval.
"Why not?" I tilted my head to the side, raising my brow.
"He's bad!" Masungit na sagot niya. Iniwas niya pa ang tingin niya sakin habang nakanguso.
"Hey, don't say that." Saway ko sa kanya, pinisil ko ang tungki ng ilong niya ng ipiniling niya ang ulo niya.
"If you apologize to your dad, I will sleep beside you later." Pang-uuto ko sa kanya at mukhang effective naman dahil nagliwanag ang mukha niya.
YOU ARE READING
Instant Mommy
Roman d'amourThea Alvarez, a hardworking and dedicated employee at one of the town's biggest companies However, her life takes an unexpected turn when Jayden Madrigal, the only son of her boss, mistakes her for his mother. The child doesn't want to be away from...