Chapter 2

19.9K 344 21
                                        

Napatitig ako sa hawak kong calling card na ibinigay sa akin ni Sir Jacob. Wala naman akong balak tanggapin ang inaalok niya na trabaho sa akin. Isang linggo na rin naman ang nakalipas, nakalimutan na siguro ni Jayden ang nangyari.

Okay, to be honest, pinag-iisipan ko ‘yong offer. Mas malaki ang halaga na sasahurin ko kung tatanggapin ko ‘yong trabaho. Ang problema lang kasi ay hindi ako marunong mag alaga ng bata.

I don't have any experience with kids. Only child ako at ganoon din ang mga magulang ko kaya wala akong naalagaang maliliit na pamangkin o pinsan.

"Anong ginawa mo?" Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang sumulpot si Ami sa harapan ko.

Sinamaan ko kaagad siya ng tingin ng hablutin niya mula sa kamay ko ang hawak kong calling card. Tinawanan niya lang ako bago nahiga sa tabi ko.

"Bakit may calling card ka ni Sir Jacob?" Malisyusang tanong niya. Bahagya pa siyang dumapa sa kama ko bago umuyin ang card na siyang nagpangiwi sa akin.

Sabay ang day off naming dalawa kaya pareho kaming nabubulok na naman sa unit namin. Magkaibigan na kami simula noong high school at palagi kaming magkasama pag-apak namin sa college hanggang sa pinagtatrabahuhan namin.

"Akin na nga." Kinuha ko mula sa kamay niya ang card.

"Hoy! Did you steal that?" She asked accusingly. She even covered her mouth dramatically as if I had committed a huge crime in front of her.

Hinampas ko ang hita niya na siyang nagpaaray sa kanya. "Gaga! Bakit ko naman gagawin iyon?" I glared at her.

"Malay ko. Bakit ka naman niya bibigyan ng personal number niya? Hindi naman ganyan ang kulay ng company card ni Sir Jacob." Tinaasan niya pa ako ng kilay.

Bumuntong hininga na lang ako bago nahiga sa tabi niya. Naramdaman ko naman ang bahagyan pagyakap ni Ami sa bewang ko na siyang nagpapikit sa akin. Napasigaw naman kaagad ako ng maramdaman ko ang pagbaon ng ngipin niya mula sa balikat. Napaupo ako habang hawak ang balikat ko.

"Bampira ka ba?" Inis na sigaw ko pero tinawanan niya lang ako habang mahigpit ang yakap sa unan ko. Sa sobrang inis ay sinipa ko siya na dahilan ng pagkahulog niya sa higaan.

"Bakit nga kasi may card ka ni Sir?" I looked at her, now with her chin resting on her crossed arms on the bed while she's sitting on the floor

"Long story." Her face immediately lit up because of what I said. Mabilis siyang tumayo mula sa sahig at pinagpagan ang sarili niya.

"Gusto ko iyan! Tara punta tayo sa bagong bukas na cafe ng pinsan ko!" Napakunot noo namman kaagad ako sa sinabi niya.

"Kwento ko ba ang gusto mo or gala?"

"Masarap ang chika kapag may kinakain!" She chuckled.

Nakapangalumbaba ako sa loob ng cafe kung saan ako kinaladkad ni Ami habang hinihintay ang order namin. Ang init na nga ng panahon ang hilig pa gumala nitong isa. Halata namang excuse niya lang ang kwento ko para masama niya ako rito.

Nagkatinginan pa kaming dalawa ng tawagin na ang pangalan niya. Nilibre niya ako kaya nakapangalan sa kanya ang order ko. Tinaasan ko kaagad siya ng kilay ng hindi siya tumayo.

"Wow! Libre ko na nga ako pa rin kukuha." Parinig niya bago siya tuluyang maglakad papunta sa counter kaya tinawanan ko lang siya.

Mabilis din nawala ang ngiti sa labi ko at para akong binuhusan ng malamig na tubig ng may nakita akong pamilyar na pigura sa entrance ng cafe. Tinago ko kaagad ang mukha ko sa shoulder bag na dala ko ng marinig ko ang boses ni Jayden.

"Daddy, I told you I saw my mommy here!" I bit my lower lip out of nervousness.

"Anong ginagawa mo?" Sinilip ko si Ami na nakakunot noong nakatingin sa akin.

Instant MommyWhere stories live. Discover now