Chapter 12

7.1K 133 28
                                    

"Papasok ka na?" Napalingon ako sa pinto ng kusina ng marinig ko ang boses ni Nay Lucile.

Napakunot noo kaagad ako ng makita si Jacob na nakasuot na ng usual company attire niya habang nag-aayos ng necktie pababa ng hagdan.

"Hindi ba ay may lagnat ka pa kagabi?" Tumayo ako para lumapit sa kanila.

"Jacob," I raised my brow at him as he jumped in surprise when our eyes met.

"You're still here."

"Oo, nag almusal pa lang ako." Tinalikuran ko na siya at nagsimulang maglakad papunta sa breakfast table.

Naramdaman ko naman ang pagsunod niya mula sa likod kaya nilingon ko siya. Tumigil ako sa paglalakad dahilan din ng paghinto niya.

"Hindi ka ba muna kakain?"

"Right, I'll eat breakfast." I just nod at him.

Muli kong hinila ang upuan ko kanina para maupo. Pag-kaupo ni Jacob sa harapan ko ay naghanda na kaagad ng plate at utensils si Rose para sa kanya.

Marahan kong hiniwa ang pancake sa plato ko habang mariin ang tingin kay Jacob. He doesn't look so pale like last night. I tilted my head sideways when I saw him grimacing as he took a sip from his coffee cup.

"Hindi na ba masama ang pakiramdam mo?" I stopped slicing my pancake waiting for his answer.

"Worried?" I immediately scoffed when he gave me a teasing smile.

"Sana hindi ka na gumaling." Nakita ko ang pagtawa ni Nay Lucile mula sa likod ni Jacob dahil sa sinabi ko.

"Hey, that's not good." I made a face at him, making him shake his head.

"Now you're starting to act like Jayden." Nginisihan ko lang siya at nagsimula ng kumain.

Breakfast went well. Pagkatapos namin mag almusal ay sabay na kaming nagtungo sa garahe. Niyakap ko kaagad ang sarili ko paglabas namin dahil sa malakas na ihip ng hangin.

Madilim ang kalangitan mukhang bubuhos ang malakas na ulan mamaya. Naiwan ko pa naman ang payong sa desk ko.

Napabuntong hininga na lang ako bago naglakad papunta sa nakaparadang puting sasakyan. Ito ang madalas ng gamit ni Tay Jose sa paghatid at sundo sa akin. Binigyan ako ni Jacob ng designated car tuwing may pupuntahan ako.

Siguro, para na rin safe tuwing sa akin sumasama si Jayden tuwing pumupunta siya sa company.

Napatigil ako sa paglalakad ng maramdaman ko ang pagpulupot ng malamig na palad sa pulso ko. I gave Jacob a questioning look when our gaze met.

"Come on, I'll drive you to the company."

"Huh? Bakit? Nandiyan naman si Tatay Jose." Nginuso ko so Tatay Jose na naka-upo sa wooden chair sa ilalim ng puno.

"We're both heading to the same place anyway. Papagurin mo pa si Mang Jose when we can just go to the company together." I looked at him confusingly when he scratched his nape.

"Okay, ang dami mo naman sinasabi." Napairap ako sa hangin ng iniwas niya sa akin ang tingin bago naglakad papunta sa kotse niyang nakaparada sa tabi ng dinadrive na sasakyan ni Tatay Jose.

Sinundan ko lang siya hanggang tumigil siya sa tapat ng passenger seat bago iyon buksan. He raised his brow at me when he saw me staring at him in disbelief. He has been doing this for the past week but I still couldn't get used to his actions.

Mas lalong tumaas ang kilay niya ng hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko at nanatiling nakatingin sa nakabukas na pinto ng sasakyan. Inungusan ko lang siya ng sinenyasan niya akong sumakay na sa kotse.

Instant Mommy Where stories live. Discover now