Prologue

31.6K 516 29
                                        

Iniilibot ko ang tingin ko sa loob ng mall ng hindi ko pa rin makita si Ami. Saan na naman kaya pumunta ang babaeng iyon. Nalingat lang ako saglit ng bumili ng ice cream bigla na lang siyang nawala.

Nakatayo ako sa shop kung saan kami huling magkasama. Napapatingin na rin sa akin ang mga staff sa loob dahil kanina pa ako nakatayo sa harap ng shop nila. Nagpakawala muna ako ng malalim na buntong hininga bago naglakad paalis.

I almost lost my balance when I stumbled into a small figure. I looked down and saw a kid staring up at me with wide eyes.

He looks like he's around 4 years old. He is smiling so wide making his cute chubby cheek stretched revealing his dimple.

"Mommy!" He exclaimed, his voice filled with excitement.

Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya bago umupo para magkapantay ang mga mata namin. Ang laki ng ngiti niya habang nakatingin saakin.

"I'm sorry, baby, but I'm not your mommy." I smiled softly trying to match his cute smile.

Muntik pa akong matumba sa pagkakaupo ng bigla siyang yumakap sa leeg ko. Umawang ang labi ko ng marinig ko ang mahinang iyak niya. Dahil sa gulat ay hindi kaagad ako nakagalaw.

"You're my mommy! I know it!" Mas lalong humigpit ang yakap niya.

Marahan ko siyang inilayo saakin para makita ko ang itsura niya. Namumula na ang magkabilang pisngi niya, nagbabadya pa ang mga luha sa mata.

"Nasaan ang bantay mo?" Nataranta naman ako ng tuluyan na nga siyang pumalahaw ng iyak.

"Mommy, I don't understand!" Mas lalong lumakas ang iyak niya.

Sinapo ko ang magkabilang pisngi niya para punasan ang luha niya. Niyakap niya naman kaagad ako kaya wala na akong nagawa. Niyakap ko siya pabalik para kargahan siya..

Now that I think of it parang may kamukha ang batang to. Anak siguro ng artista.

"Who are you with?"

"I'm with daddy," I was taken aback when he suddenly kissed my cheek.

"Bakit hindi mo na siya kasama?" I bit my lower lip trying to suppress my smile when I saw that he was about to cry again.

"Don't understand." He pouted.

"Why aren't you with him now?" I asked softly.

"I ran away. Daddy is annoying." Hindi ko maiwasang hindi mapangiti ng makita ko ang bahagyang pagnguso niya.

Before I could respond, I heard a familiar voice. I looked up to see a man approaching us. I feel like my heart suddenly skipped a beat as I recognized him- it was my boss.

Jacob Madrigal.

Nakita ko ang pagdaan ng gulat sa mata niya ng magkasalubong ang tingin namin. He smiled apologetically before taking the kid from me.

"I'm so sorry, Miss Alvarez. Jayden has a habit of wandering off." Surprisingly my boss knows my name.

Pero ang mas nakakagulat pa rin ang pagtawag ng anak niya sa akin. Kaya pala pamilyar ang mukha ng bata.

Natigilan naman kami pareho ng biglang nagpumiglas si Jayden mula sa pagkakabuhat niya rito. Pilit niya akong inaabot habang nakataas ang magkabilang kamay.

"I want my mommy!" Iniwas ko kaagad ang tingin ko kay Jayden.

"Your mommy?" Nalunok ko kaagad ang sarili kong laway ng makita ko ang bahagyang pagkunot ng noo ni sir Jacob.

Habang busy silang dalawa sa isa't isa ay marahan akong naglakad paatras para makalayo sa kanila. Mahabagin, ang dami ng nangyari pero wala pa rin si Ami.

Napahinto agad ako sa paglakad ng makitang nakatingin sa akin si Jayen. Nanlalaki ang mata niya. Ang kaninang namumula niyang pisngi ay mas mapula ngayon. Bakas din ang lungkot at takot sa mga mata niya.

"Mommy! Don't leave me!" Napaayos ako ng tayo ng umiyak na siya.

Ibinaba siya ni sir Jacob kaya mabilis itong tumakbo palapit sa akin at yumakap sa hita ko. I had no choice but to lift him up.

He immediately wrapped his small arms around me and leaned his head on my shoulder. Nakita kong kinausap ni sir ang isang maskuladong lalaki. Ngayon ko lang din napansin ang mga kasama nilang bodyguard.

"Bring her with us." I almost yelped in surprise as the two men grabbed my arms.

"Don't touch my mom!" Inis na sigaw ni Jayden habang pilit na inaalis ang mga kamay ng mga ito mula sa pagkakahawak sa braso ko. Nakita ko ang bahagyang paglingon ng mga ito kay sir Jacob bago nila bitawan.

"Mommy, you're coming home with us." He gave me a wide smile before giggling cutely.

What just happened?

Instant MommyWhere stories live. Discover now