Chapter 16

18.9K 383 71
                                        

"Mommy, what are you doing?" Sinulyapan ko si Jayden na nakahiga sa bean bag habang nag aayos ako ng mga damit niya na dadalhin namin para bukas.

I chuckled when he sat up looking at me in a frown. Kanina niya pa ako tinatanong ng kung ano-ano. Halatang nabobore na dahil ang tagal ko mag ayos.

Tapos ko na ang mga dadalhin ko kaya ang kay Jayden na ang inaayos ko. Nahirapan pa nga ako humugot ng damit niya dahil ang daming pagpipilian. Hindi naman kasi ako masyadong maalam talaga sa damit ni Jayden dahil madalas si Jacob talaga ang nagbibihis sa kaniya.

"Mommy," I giggled when he called me in a singsong voice.

"I'm packing your clothes, baby." I showed him the black rash guard I was folding before placing it inside his small backpack.

"Am I going to Nana's house again?" Natawa ako dahil sa tanong niya.

Noong huling inayos nga pala namin ang mga damit niya ay noong sinundo siya ng Tita Jada para sa once a month visit niya doon.

"We're going to the beach!" I zipped out his bag, putting it on the side.

"Really?" Mabilis siyang umupo. Ibinuka ko ang braso ko kaya mabilis siyang tumayo para yumakap sa akin.

He rested his head on my shoulder wrapping his arms on me. Marahan kong hinaplos ang likod niya bago siya binuhat. Maliit na backpack lang naman ang inayos ko para kay Jayden dahil nilagay ko na sa bag ko ang ibang damit niya.

When I got out from Jayden's room I almost stumble when Jacob suddenly appear in front of me. Magkakrus ang braso niya habang malalim ang tingin sa akin. I frowned at him but he just shook his head.

Halos sabay pa namin hinawakan ang likod ni Jayden ng bigla siyang humarap sa daddy niya. He tilted his head to the side looking at his dad.

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko ng bawiin niya kaagad ang kamay niya ng mahawakan niya ang kamay ko sa likod ni Jayden. He pursed his lips putting his hand on his nape.

"Are you done packing?" Ginulo niya ang buhok ni Jayden.

"Mommy packed my clothes!" Humagikgik si Jayden habang hinuhuli ang kamay ni Jacob na nasa buhok niya.

Jacob grinned at his son, lowering his head to level Jayden's head.

"Are you excited for tomorrow!"

"Yes! I want to see the beach!" Natawa kami ni Jacob ng halikan ni Jayden ang pisngi ko habang malawak ang ngiti.

Bukang bibig na nga ni Jayden ang vacation namin simula ng nag grocery kami. Jacob said this will be Jayden's first time in beach dahil madalas out of the country ang ginagawa nila tuwing vacation.

He suggested beach this time dahil hindi na lang silang dalawa ang aalis. Matatamaan ang trabaho namin kung out of the country ang gagawin namin.

Tinitigan ko si Jacob na busy makipag kulitan sa anak niya na karga ko.

"Ikaw?" Umangat ang tingin niya sa akin at nag ayos ng tayo. He ran his fingers through his hair looking at me confusingly.

"What about me?" He raised his brow.

"Tapos ka na mag ayos ng gamit mo?" Kumunot ang noo ko ng umiwas siya ng tingin sa akin. He scratched his nape.

"Actually... I haven't packed any." He sounded hesitant.

"Help me." That doesn't sound like a request. It's more like a command.

Bago pa ako makasagot kinuha niya na si Jayden mula sa pagkakabuhat ko para kargahin ang anak. He walked past me leading me to his room. Nakasunod lang ako sa likod niya.

Instant MommyWhere stories live. Discover now