Chapter 19

12.2K 311 117
                                        

"Bye, Mommy Thea!" Margo giggled as he waved his hand at me.

Buhat ni Migo ang pamangkin niya habang hinihintay ang sasakyan nila. Palubog na rin ang araw ng magpaalam na si Migo dahil hinahanap na raw si Margo ng kapatid niya. Tumangi na rin siya sa hapunan na hinanda ni Nanay Lucile.

I looked down at Jayden when I felt his hand on mine. Natawa naman ako ng makita ang paghaba ng nguso niya habang masama ang tingin sa kaibigan. Margo signals his uncle to put him down.

"I had lots of fun today so we have to do this again okay? My mommy wants me home now so I have to go." Jayden scrunched his nose when Migo stepped forward and gave him a little hug for farewell.

Napalingon ako sa likod ko ng maramdaman ko ang bahagyang paghawi ng kamay ni Jacob sa bewang ko. He had a quick phone call with someone in his office earlier. Mukhang tapos na siya dahil nakasunod na siya sa labas.

He raised his brows at me when our eyes met. I rolled my eyes at him, making him chuckle. He rested his arms on my waist as he watched the two kids talk.

After a while ay pumarada na rin sa harap namin ang kotse ng mga Saavedra.

"It was really nice talking to you, pretty. See you around." Migo smiled at me as I nod at him waving my hands.

"Ingat kayo." Ginulo ko ang buhok ni Margo ng kumaway din siya sa akin.

Nakahawak lang sa kamay ko si Jayden habang kumakaway kay Margo niya. Jacob was also standing beside me watching Migo put his nephew on his baby sit on the backseat.

"Miguel calls you pretty?" Nilingon ko si Jacob dahil sa tanong.

"Inaasar niya lang ako! Hindi ba kami ang magkausap kanina pag dating nila." I pursed my lips when he raised his brows.

"So you too are close now, huh?" He tilted his head, a playful smirk playing on his lips.

"Hindi naman." I laughed awkwardly, shaking my head.

"Hmm, you got some inside jokes between you two now."

"Ano—" My words were cut short when Migo came near us.

Before going inside the car Jacob and Migo exchange a few words before bidding each other goodbye. I shook my head when Migo gave me his playful wink. I saw how Jacob's face sour and rolled his.

I waved my hand as we watched their car drive away until it was lost in our sight.

Ginulo ko ang buhok ni Jayden ng tuluyan ng makalabas sa gate ang sasakyan nila. Natawa pa ako ng hawakan ni Jayden ang kamay ko para pigilan iyong sa pag-gulo ng buhok niya.

"Saavedra is so annoying." I looked at Jacob confusingly when he suddenly spoke.

Why is he so grumpy? His brows furrowed as he scoffed before clicking his tongue in annoyance.

He tilted his head to the side when he looked at me. My mouth agape in disbelief when he suddenly rolled his eyes at me. I watched him as he picked his son up to carry him inside the house.

Just like that, iniwan nila ako sa labas.

Napailing na lang ako bago tuluyang sumunod sa kanila sa loob ng bahay. Nakaupo na sila sa dining table habang naghahanda ang mga helper ng pagkain. Naupo ako sa tabi ni Jayden na abala sa paglalaro ng kutsara niya.

Inilipat ko ang tingin ko kay Jacob na masama ang timpla ng mukha. Tinaasan ko siya ng kilay ng tumingin siya sa akin pero umiwas lang siya ng tingin.

Tumulong na lang ako kila Nanay Lucile sa paghanada ng hapunan para maiwasan ko ang masamang tingin ni Jacob sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 16, 2025 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Instant MommyWhere stories live. Discover now