GIN POV"Bwuahahaha! T-talaga? Hahaha! Nakakahiya ka talaga Jay kahit kailan! Pagkamalan ba naman si Sherlyn na ako!" Matawang-tawa na sagot ko kay Jay. Pina-explain ko kasi sa kanya yung about sa kanila ni Sherlyn.
"Ikaw talaga Gin! Hinaan mo naman yang tawa mo. Kita mo oh! Tayo lang tinitignan ng mga tao dito sa cafeteria." Habang pinagtatakpan niya ng dalawang kamay niya yung mukha niya.
Paging : All new employees. Please proceed to the MO Office now. I repeat: All new employees. Please proceed to the MO office now. Thank you!
Bigla kaming napahinto sa pagkukulitang dalawa ng marinig namin yung pag-papage ng babae sa speaker.
"Ay. Teka nga. Anong oras na ba?" Sabay tingin ko sa wrist watch ko.
Pagtingin ko sa relo ko nagulat ako dahil 1:30 na pala ng hapon. Parang ang bilis naman yata ng oras. Kay bago-bago pa namin dito sa canteen ah.
"1:30 na pala Jay! Grabe naman. Ang bilis yata ng oras." Nakukunsiming saad ko.
"Ganyan naman talaga yan Gin! Kaya nga habang may oras ka pa wag munang sayangin ang pagkakataon." Sabay ngiti niya.
"Ay Jay. WHOGOAT ang peg natin? Hahaha!" Matawang-tawa na saad ko. Anong nangyari sa isang to. Hahaha
"Tara na nga Gin. WHOGOAT? Ano yun.. Sinong kambing? Hahaha"
Binatukan ko nga, "Buplaks ka talaga Jay kahit kailan! Tara na!"
Fast forwaaard..
"So everyone thats the brochure that contains about the guidelines of this company. Kindly read it If you have time." Sabi ni Miss A yung Director ng kompanyang ito na nasa mid 30's na.
Bigla kaming napatingin lahat ng may babaeng pumasok at diretsong may ibinulong kay Miss A. Nakita kung tumatango-tango lang siya sa sinasabi ng babae.
"Okay everyone. I have an addition to say.. Mr.AJ said that starting tomorrow mag-oover time na raw kayo dahil may panibagong investor na naman raw. He needs us to be more workaholic starting tomorrow. Dont worry guys pagkatapos nitong deal na to may bonus kayo." Pag-eexplain niya sa'min.
Bukas na pala magstart yung work namin. Nga pala napunta kami sa Application editorial team ni Jay.
"Everyone..the meeting is done.." Sabay nagsi-tayuan yung mga kasamahan namin.
Palabas na kami ni Jay ng bigla akung tinawag ni Miss A.
"Excuse me Miss who wear cap.."
Nilingon ko siya sabay turo sa sarili ko. "Ako po?" Nagtatakang tanong ko.
Nakita kong tumango lang siya. Kaya naman nilapitan ko agad siya.
"Ahmm. Miss---?"
"Ginny Maam.. Ginny Santiago." Pagpapakilala ko sa kanya.
"Ohh. So, Miss Santiago.." sabay head to foot sa'kin. "You should read the guidelines book of our company.. the way you dress is not unappropriate for an office girl lalo na sa finest na company na kagaya ng satin. Right?"
Bigla ko naman inexamine yung sarili ko. Wala namang mali sa suot ko ah?
"I guess you didn't get my point. Ang sinasabi ko lang Miss Santiago.. You should wear the proper uniform for an office girl like blouse and skirt. Mostly dont forget your heels." Diretsang saad niya.
Kaloka naman tung si Miss A. Ang taray pala ni Ateng! "I'm sorry Maam. I'll read the company brochure when I get home." Paumanhin ko sa kanya.
"It's okay. Basta dont forget you're a professional office girl now so you should know how to be that way. Alright? Sinasabi kulang to as a director in chief ninyo sa department nato. Hindi naman ako nangangain ng tao." Sabay tawa niya.
"Okay po Maam. Thank you for reminding me."
*****
Kinabukasan
*click. click. click*
Tunog ng pagtatype ko sa keyboard ng kompyuter at pagkulikot sa mouse.
"Huy tapos kana jan Gin?"
"Hindi pa nga eh. Ikaw ba?"
Bigla siyang tumayo sa kinauupuan niya sabay lapit sa'kin. Magkatabi lang kasi yung cubicle namin.
"Gin, pwede bang mauna na ako sayo?" Habang parang hindi mapakali sa kinatatayuan niya.
"Bakit? Paano yan wala akong kasabay umuwi mamaya." Habang naka-pout akong nakatingin sa kanya. Inihinto ko na muna kasi yung ginagawa ko.
Nagtaka ako ng bigla siyang napalingon sa kanan niya at sa kaliwa. Para bang ineexamine kung may tao pa bang naiwan maliban sa'min sa office.
"Ho-ooy! Ano-ng binabalak mo ha!" Natatarantang saad ko. Sino ba namang hindi matataranta kung kakaiba ang kilos niya. Lalo pa't kaming dalawa lang dito. Syempre kahit na bestfriend ko tung kulokoy na'to lalaki pa rin siya no.
"G-in...." sabay lapit niya sa'kin habang pinagpapawisan pa. Napaatras ako sa kinatatayuan ko sa ginawa niya.
"W-ag Jay... Mag-bestfriend tayo.. diba?" Habang naka-fist sign na ako.
"G-in.. h-indi ko na kaya.."
"W-ag kang magkakamaling gumawa ng ikakagalit ko Jay!!" Galit na singhal ko.
Biglang tumahimik yung paligid namin at may malakas na pagsabog na biglang narinig ko.
Pooooooooooottt....
"Yuck Jay!!! Kadirdir ka!" Habang nagsusuka-sukahan ako. Paano ba naman yung magaling na bestfriend ko kinabag pala. Ang lakas pa ng utot at ang baho. Ewww.
"Grabe ka naman Gin. Kaya nga sana mauuna na ako sayong umuwi kasi hindi ko na kaya pa. Lalabas na yata to anytime."
Iniipit ko yung ilong ko sabay sabing "Sige na nga. Mauna kanang umuwi baka magsabog ka pa dito."
"Ikaw talaga Gin! Talaga bang okay lang sayo?"
Pooooot..
"Yuck! Oo na. Carry ko na to! Umuwi kana nga. Shooo" pagtataboy ko sa kanya.
"Hehehe. Peace Gin! Oh siya mauuna na talaga ako. Babush. Ingat ka dito!" Sabay kuha sa bag niya at nagtatakbong papalayo sa'kin.
"Kadiri talaga! Iniwanan pa talaga ako ng mabangong-mabangong perfume niya!" Habang matawa-tawa ako.
BINABASA MO ANG
The Sossy Chic turns Ordinary
Teen FictionWhat happen If the girl who lives like a princess will turns into a ordinary girl? And because of the accident she'll forget all of her memories even the first guy she loved. Would she be remembered all her memories? Or she'll just stay in her new w...