Chapter 18
Anica POV
I just woke up and ngayon naman inaayos ko na yung sapatos ko para makapag-jogging na ako. Ilan days na rin kasi ako hindi nakakapag-jogging. Ayoko naman kasi maging pig noh! You know. Sabi ni unggoy. Urrgh!
Anyway. Ayokong masira ng unggoy na yun ang araw ko. 4am pa naman at mamayang 5:30 pa kami aalis papunta dun sa bayan ng pag-mamangrove planting namin. I really dont know whats the name of that place.
So yun nga. Pababa na ako ng hagdan ng makita ko yung isa naming bagong katulong na inutusan kong maglagay ng gamit ko sa sala.
Nang makita niya ako bigla siyang nagbow "Good morning Maam. Okay na po lahat ng gamit niyo dun sa sala."
Napatango naman ako "Alright. Thank you! You can sleep na muna. Wala pa naman kayong gagawin eh." Tapos paalis na sana ako ng magsalita siya.
"Nako! Sanay na po kasi ako gumising ng ganito kaaga. Hindi na rin po kasi ako makatulog Maam. Sige Maam. Maraming salamat din po."
Napangiti naman ako sabay lingon sa kanya "Okay. Alis na ako. Byers!" Sabay lakad ko palabas ng bahay
Good mood yata ako ngayon ah? Hmm. I like that new maid. Masyadong magalang. Hindi ko pa pala na tatanong yung pangalan niya. Maybe later.
Nasa gate na ako at nakatayo habang nilalanghap ang fresh na hangin then bigla kung nakita yung guard namin na aaktong pagbubuksan ako ng gate. Tinignan ko siya tapos umiling.
Medyo nabigla siya ng umiling ako "Okay lang kayo Maam?" Alalang tanong ni Kuya Ernest yung guard namin. Nasa 30's pa kasi siya kaya kuya lang tawag ko sa kanya.
Napatawa naman ako sa tanong niya "Okay lang ako Kuya Ernest! Kayo talaga. Sige po alis na ako."
Tapos nakita ko pa siyang napakamot sa ulo niya kaya mas lalo akung natawa.
Pagkalabas ko sa gate nagstretching muna ako bago nag-jogging.
Nakahead-set ako habang nagjojog. Napapakanta pa ako.
'Catch meeeeee! I'm falling for you..'
Syempre ramdam na ramdam ko pa yang pagkanta ko niyan. I love this song talaga ni Ate Toni Gonzaga.
Nabigla ako nang nabangga ako sa isang matigas na bagay. Whaat? Matigas na naman. Lagi nalang yata ako nababangga.
Unti-unti kung itinaas yung mukha ko. Ohshoot! Siya na naman? Kakasabi kulang kaninang ayaw ko muna siyang makita dahil baka masira na naman yung araw ko.
Napilitan akung alisin yung head set ko sabay lagay ng dalawa kung kamay sa bewang ko.
"You know what. Parang sinasadya mo talagang palaging mabangga sa abs ko." Sabay ngisi niya sa akin "and one more thing I'll promise to catch you If you fall for me. Sabagay you already fall in love to me." Sabay kindat niya sa akin
Ako napa-nganga.Hindi ako agad nakapagsalita.
"Alam mo yung tawag sa K-A-P-A-L? As in KAPAL! Ikaw yun eh! Panira ka ng araw! Tsee!" Sabay jogging ko ulit palayo sa kanya kaso sadyang inaasar niya talaga ako.
Naabutan niya ako sabay sabing "Atsaka wag ka nang kumanta dahil baka umulan ng malakas. Haha" sabay tawa niya at tumakbo na palayo sa akin
Akala ko okay na yung mala-sweetnest niyang salita kanina na he will catch me raw.Duh! Disappointed much Anica? NO WAY!
"WHATEVER! MADAPA KA SANAAA! URGH!" Sigaw ko sa kanya
Nang hindi ko na makita si unggoy magjojog na sana ako uli ng may sumulpot na namang isang panira ng araw ko..
BINABASA MO ANG
The Sossy Chic turns Ordinary
Teen FictionWhat happen If the girl who lives like a princess will turns into a ordinary girl? And because of the accident she'll forget all of her memories even the first guy she loved. Would she be remembered all her memories? Or she'll just stay in her new w...