Chapter 33- the beginning.

190 8 2
                                    


Authors Note : hello readers! Sorry kung matagal po akung nakakapag-UD. Minsan kasi walang ideyang pumapasok sa utak ko. Kaya patawarin niyo na ako kung nabibitin kayo. Promise. Aayusin ko na tu! Nga pala. Kung nagtataka kayo kung sino si Ginny Santiago. Well lets find out. Medyo mataas na UD to! ^_~ Thank you so much for understanding! I need your votes and comments po! ADVANCE HAPPY NEW YEAR!:* Enjoy kayo!loveyou all ♡

------------------------------------

After 5 years ...

GINNY POV

"Ginny..asan kana bang bata ka! Susmaryusep naman ere! Graduation muna mamaya!" Sigaw ni Lola Tasya sa may kusina.

Napakamot nalang ako sa ulo ko habang nakadungaw sa aming bintana.

"Mamaya nalang tayo maglaro Jay! Ayan na naman si Lola dakdak ng dakdak. Alam mo naman excited pa sa akin sa graduation. Parang siya pa yung gagraduate.Hihi" habang nakasalute pa ako sa kanya. May laro kasi sana kami ng mokong nato. Maglalaro kasi kami ng siyatong nitong kolokoy kung bestfriend. Alam niyo na dito kasi sa probinsya namin ganitong laro yung in na in. Di kagaya sa city puro nalang teknolohiya.

Nakita ko siyang napasimangot "Ay! Sayang naman Gin! Osiya. Hayaan muna si Lola. Haha. Oo nga pala mamaya na yung graduation niyo! Pupunta ako dahil magchecheer ako sa lalaking bestfriend ko!" Yung simangot na mukha kanina napalitan ng ngisi ngayon.

Tinignan ko siya ng masama sabay binatukan "Gag* ka talaga Jay! Ginawa mo pa akung lalaki ha! Tsaka kailangan mo naman talaga pumunta noh! Maka-pagsabi ka ng graduation niyo parang ikaw hindi kasali! Isa ka rin kaya sa gagraduate at isa pa ikaw kaya yung magna cumlaude sa batch natin!" Tapos pinaghahampas-hampas ko siya. Pero hindi naman yung malakas na hampas yun bang parang friendly hampas lang.

"Aray naman! Tung lalaking to talaga ang lakas manghampas! Parang ikaw hindi? Ikaw nga ang Summa Cumlaude ng batch natin! Nga pala alis na ako myloves!" Hahampasin ko sana siya uli kaso nakalayo na siya ng tuloyan sa akin. Nagflying kiss pa ang mokong.

Nagsign naman ako ng susuntukin ko siya habang siya nagflaflying kiss sa akin.

"Baliw ka talaga!" Sigaw ko sa kanya.

Nakita ko naman siyang nagthumbs up tapos naglakad na palayo. Napangiti nalang ako sabay iling.

Nga pala I didn't yet introduce myself. Ako nga pala si Ginny Santiago. Isang ordinaryong probinsyana. At yung si Jay naman ang kaisa-isahang bestfriend ko dito. Alam niyo may angking talino kasi kaming dalawa ng bestfriend ko. Hindi naman sa pagmamayabang. Parehas nga kaming full scholar dito eh. Hindi naman kasi kaya ni Lola magpa-aral sa akin ng college. Hindi naman kasi kami mayaman.

"Ginny! Asan kana bang bata ka!" Sigaw uli ni Lola sa labas ng kwarto.

"Patay!" Yun nalang ang nasambit ko at mabilis akung gumayak palabas ng kwarto ko. Nakita ko agad si Lola sa kusina habang nag-aayos ng mga kubyertos.

Bigla kung inagaw yung hawak ni Lola Tasya sabay inarrange ko sa lalagyan.

"Oh! Ikaw na bata ka! San ka ba nagsusuot? Kanina pa kita tinatawag." Malumanay na tanong sa akin ni Lola. Kahit naman kasi laging nagdadakdak si Lola. Hindi ko naman yan nakitang nagalit sa akin at pinagbuhatan ako ng kamay. Kaya nga the best lola talaga yung lola ko.

"Ay! Hehe. Sorry La. Napasarap yung kwentuhan namin ni Jay eh! Alam mo naman yung baliw na yun!"

"Kayo talagang mga bata kayo. Sige na mag-ayos kana dahil pupunta tayo sa bayan." Tapos bigla nalang may nilagay na kamiseta si Lola sa kahoy na sofa namin.

The Sossy Chic turns OrdinaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon