Chapter 11- the bf/gf thingy? ohnose!

335 15 9
                                    

Kamusta guys? I hope you'll liked this chapter. Naedit ko na siya. ;)

 DONT FORGET TO VOTE AND COMMENT PARA SA MABILIS NA UD :)

__________________________________________________________

CHATPER 11

THIRD PERSON POV

Hindi alam ni Anica na sinundan pala siya ni Andrei papuntang kwarto niya. Hindi niya rin alam na nasa labas lang pala ito ng kanyang kwarto kaya rinig na yung mga pagsigaw niya.

"Sana umalis na yung mokong na yun!" inis na inis na sigaw ni Anica

Napatawa naman si Andrei sa mga naririnig niya sabay kamot sa kanyang ulo "Tung babaeng to talaga.Parang nakalunok ng microphone. Tss."

"Wala naman siguro siya sa baba. Maka-labas na nga lang!" sabi naman ni Anica na tila kinakausap yung kanyang sarili

Naririnig na ni Andrei yung mga yabag ng mga paa ni Anica na papunta sa kanya ngunit siya'y natataranta kung san magtatago.

Sa huli wala pa rin siyang nagawa nang biglang bumukas ang pinto-an ng kwarta ni Anica at bigla niyang naalala na nakasandal pala siya doon kaya napamura nalang siya nang mapagtantong matutumba siya.

Napasigaw naman si Anica dahil nabigla siya nung may natumba sa harapan niya at bigla siyang napapikit.Narinig niya pang napamura ito.

"Sh*t!" 

Nang makilala niya yung boses bigla siyang napadilat at nanlaki yung singkit niyang mata dahil nasa awkward position lang naman kasi silang dalawa ni Andrei.Nasa ibabaw niya si Andrei at one inch nalang yung pagitan ng kanilang mukha at maling kilis niya lang ay maglalapat na ang kanilang mga labi.

Bigla namang nagsalita si Andrei na ikinagulat niya "Ang ganda mo pala talaga lalo na yang mga mata mo." habang nakatingin ito sa kanyang mga mata.

Bigla namang tumaas ang kanyang dugo papunta sa kanyang mukha sa kahihiyan.Ay teka.Kahihiyan nga ba? O sa kilig?

Minanage naman ni Anica na magsalita ng dire-diretso ngunit hindi niya yun nagawa "Bo-lero! Uma-lis ka ngang pa-nget k-a sa ha-rapan k-o!" mmautal niyang singhal

Napasmirk naman bigla si Andrei "Bolero pala ha! Eh paano naman..kung ayaw ko?" na may halong pag-aasar na sabi niya.

Naiinis na talaga si Anica sa kanya sapagkat nasa awkward position silang dalawa lalo pa siyang iniinis nito.

The Sossy Chic turns OrdinaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon