Chapter 17
Anica POV
Andito na pala ako sa school. Thursday na ngayon uwian na rin namin at tinatanong niyo ba yung nangyari nung nakaraang araw? Oh well ganito kasi yun.
Flashback
"Oh Hija at Hijo. Nakatulog naman ba kayo ng maayos kagabi?" Tanong sa amin ni lola habang kumakain kami.
Bigla naman akung namula ng maalala ko yung nangyari kagabi. Hello! Ginoodtime lang naman kasi ako ng unggoy nato na katabi ko ngayon. Na parang walang narinig sa tinanong ni Lola. Grabe kung kumain parang hindi kumain ng isang taon. Sarap na sarap siya sa nilutong pakbet ni Lola.
Ako nalang yung sumagot kay Lola Tasya dahil parang hindi talaga natinag si Unggoy sa mga nakakatakot kung tingin. Hay such a jerk!
"Oo naman po lola. Nakatulog po kami ng mahimbing dont get me wrong po ha. Baka ho kasi iba yung isipin niyo." Sabay ngiti ko kay Lola.
Narinig ko namang napatawa si Lola "Ikaw talagang bata ka!Sasabihin ko nga sana yun kaso inunahan mo ko. Haha"
"Naku lola! Wag mo talaga kaming sabihan ng ganyan ngayon dahil magkaaway kami ng mokong na yan!" Inis ko kunwari kay Andrei
"Nako! Masama yan sa magkasintahan. Wag niyo na yang patagalin. Dapat magbati na kayo. Mahal na mahal niyo naman ang isa't-isa kaya wala nang rason para patagalin yung away-away niyo!" Saad ni lola na may pailing-iling pa
Natatawa din ako minsan kay Lola. Akala niya kasi talaga magkasintahan kami ng unggoy nato. Kung alam mo lang talaga Lola Tasya. Haaay.
Bigla naman akung may naisip na makakapagpainis kay Unggoy.
Sumimangot ako kuno habang nakatingin kay Lola "Kung alam mo lang ho Lola Tasya. Lagi ho akung inaaway niyang si Andrei. Ewan ko nga po jan eh!" Pag-aacting ko with matching teary-eyed pa ako.
Bigla namang napatingin si Lola kay Andrei at tumayo siya at inilapit yung kanang kamay niya sa tenga ni Andrei at piningot ito. Napasigaw naman.si Andrei sabay sabing "Lola naman eh! Wag kang magpapaniwala jan sa baliw na yan! Gumagawa lang ho yan ng kwento tungkol sa akin." Habang hinihimas-himas niya yung namumula niyang tenga. Hahaha. Para siyang duende dahil sa mapula niyang tenga.
"Aba't itong batang to! Dapat kasi pinapaligaya mo yang kasintahan mo at hindi inaaway. Halikan mo siya at yakapin para magbati na kayo." Ngiting-ngiti na sabi ni Lola habang nakatingin sa akin. Nasa harapan kasi naman si Lola eh
Bigla naman akung nanigas sa sinabi ni Lola. OMYGOSH! Hahalikan at yayakapin? Seriously? No waaaay! Nakuha na nga ni..ni.. unggoy yung first kiss ko tapos may second kiss na naman at may pahabol pang yakap? Enebeyen! Ano kaba Anica! Masyado kanang naprapraning dyan!
Nakikita ko dito sa aking peripheral vision na si Andrei ipinagpatuloy nalang yung pagkain. Hindi man lang pinansin yung sinabi ni Lola.
At grabe kung makasubo tung lalaking to talo niya pa si Kingkong kung kumain.
"Hanep ah! Ubos na yata supply ng pagkain ni Lola ah! Masarap ba?hahaha" biro ko sa kanya. Nabigla ako ng umubo siya.
*cough* *cough*
Napatingin naman agad kami ni Lola sa taong kasalukayang umubo ngayon. Pfft. Nakakatawa yung mukha ni Andrei super pula! Nabulunan siguro. Hahaha. Yan kasi napaka-PG.
Pinipigilan kung matawa habang nakatingin sa kanya. Tumingin siya sa akin na parang naghihinge ng tubig kaya naman napatawa ako lalo ng magsalita siya "Tu-tubig!! Gi-ve me wa-ter *ack* Mega-phone!"
Nagsalubong na yung kilay niya habang sinasabi yun sa akin. Kaya agad kung kinuha yung pitsel na may malamig na tubig at isinalin ito sa baso niya.
BINABASA MO ANG
The Sossy Chic turns Ordinary
Teen FictionWhat happen If the girl who lives like a princess will turns into a ordinary girl? And because of the accident she'll forget all of her memories even the first guy she loved. Would she be remembered all her memories? Or she'll just stay in her new w...