Chapter 28ANICA POV
"Ate Mica ano ba magandang suotin sa date?" Tanong ko kay Ate Mica habang inisa-isa kung tinignan yung mga damit ko na kakatagal lang sa closet ko.
Alam ko na yung iniisip niyo. Oo. Kinain ko na yung sinabi ko kanina na papaghintayin ko si Andrei at tutulogan. Sino ba naman ang gagawin yun kung pagkakataon munang makadate yung taong mahal mo. Diba? Magpapakipot ka pa ba? E di. Wag kanang magpakipot. Aba! Baka pagsisihan mo pa.
Nakita kung tinitignan niya isa-isa yung nga damit ko.
Nagulat ako ng may bigla siyang itinaas na damit. Kaya napatingin naman akoo dun sa damit na hawak-hawak niya.
"Ito.. I-try mo yan bunso." Tapos ngumiti siya.
Nakakatuwa talaga pagmay-ate. Lalo na pag-tinatawag ka niyang bunso. Oo bunso ang pinatawag ko sa akin ni Ate Mica dahil diba sabi ko sa kanya Ate ko na siya.
Namiss ko tuloy si Ate Yasmine. Di bale na. Alam ko namang binabantayan ako ni Ate Yas at alam ko rin na she's happy dahil may second ate na ako ngayon. Syempre kahit may tinatawag akung ate hindi ko parin kinakalimutan ang no.1 super great Ate Yasmine ko.
Nang mabalik ako sa isipan ko kinuha ko yung napili niyang damit para sa akin at tinignan ito.
Infairness. May fashion sense din si Ate Mica. Ang napili niya kasi ay isang white blazer with white sleeveless para sa inner then sa pangbaba naman isang flowerets na short.
*side picture*
"Oh my gee! Fashionista ka rin pala ate! Magkakasundo talaga tayo lalo nito." Sabay yakap ko sa kanya.
Anyway, hindi naman talaga sa nasaktan ako dun sa sinabi ni Andrei kanina sa message niya na I have to wear something nice kaya ako nagpapatulong kay Ate Mica.
Wala lang talaga akung maisip na susuotin ngayon. Ewan ko ba kung bakit. Kung sina Ariesha o kahit sino naman kasama ko except kay Andrei naiimatch ko naman yung ng damit ko pag-gagala pero bakit ngayon na si Andrei ang kikitain ko nahihirapan akung humanap ng damit na susuotin.
"Ikaw talagang bata ka." Sabay tap niya sa likod ko.
Kumalas na ako sa pagkakayakap ko kay Ate Mica ng mag-alarm yung phone ko.
One hour na pala. Kailangan ko nang tanggalin tung nakabalot sa buhok ko. Minsan kasi ako na mismo nagcocolor sa buhok ko. Marami kasi akung nga iba't-ibang color dito sa cabinet ko.
Pagtinatamad akung pumunta sa salon. Dito ko nalang ginawa sa bahay.
"I'll go to the bathroom muna Ate. Kailangan ko kasing i-wash tung hair ko at para makaligo na rin." Tapos nginitian ko siya.
BINABASA MO ANG
The Sossy Chic turns Ordinary
Novela JuvenilWhat happen If the girl who lives like a princess will turns into a ordinary girl? And because of the accident she'll forget all of her memories even the first guy she loved. Would she be remembered all her memories? Or she'll just stay in her new w...