Chapter 36- going back

216 8 1
                                    


Chapter 36

Ginny/Anica POV

"Huy! Na ano ka?" Alam niyo yung tipong kanina ka pa salita ng salita tapos walang nakikinig? Ako yun eh! Tapos yung kinakausap mo pala nakatulala lang at ngumingiti kahit walang nakakatuwa.

Parang tila na himasmasan na rin siya sa pagkatulala ng tinapik ko siya "A-ah. Ano yun Gin?" tapos nagtatakang napatingin siya sa'kin.

Napailing nalang ako sa kanya, "Hay naku! Hindi ka nga nakikinig sa'kin!"

At yun nga napagkasunduan naming umuwi na sa mga kanya-kanyang bahay namin.

Habang naglalakad kami tinanong ko siya kung ano bang iniisip niya kanina "Ano pala yung iniisip mo kanina Jay? Alam mo ba para kang tanga kanina. Ngumingiti na parang baliw." diretsang saad ko.

Bigla siyang napalingon sa'kin, "A-ah. Wala yun. Naalala kulang yung first encounter natin dati 5 years ago." Tapos napakamot siya sa kanyang ulo.

Bigla naman akong napahinto sa paglalakad. Naalala ko tuloy yung nangyari sa'kin 5 years ago. Nang dahil sa kanya nagka-ganito ako. I give up my own life para makalimutan siya. Kaya wala na akung paki-alam sa kanya. I'll just forget all of that in my past. Hanggang memories nalang lahat yun.

Naisip kung ilihis nalang yung topic namin about sa paghahanap namin ng trabaho.

"Nga pala kelan ka hahanap ng work?" tanong ko sa kanya habang pinagpatuloy na namin yung paglalakad pauwi sa kanya-kanya naming bahay.

"Baka bukas. May nag-offer nga pala sa'kin isang malaking kompanya ng electronics pero di ko pa tinatanggap." Diretsang sagot niya sa'kin.

Napa-ahh nalang ako sa sinabi niya at napaisip ako. Anong company naman kaya yun?

Instead na sumakit yung ulo ko kakaisip tungkol dun. Tinanong ko nalang siya uli "Talaga? Anong name ng kompanya? At sa ang lugar?"

"Mega Electronics Company raw sa Makati. Baka nga dun na muna ako manirahan pansamantala sa Manila.Alam mo namang malayo na ang Manila dito sa probinsya natin."

Teka.. Mega Electronics Company? Familiar. Actually may company na rin nag-offer sa'kin. Hindi ko rin muna tinanggap dahil na rin gusto kung makasama sa isang company si Jay. Atleast may kilala na agad ako diba?

Bigla kung kinulikot yung cellphone ko at binasa uli yung text message na natanggap ko. At tinignan kung anong company ang nagtext sa'kin. Actually at first nagcall sila then after that they texted me. Maraming company yung nag-ooffer sakin pero mas naattract yata ako dun sa Mega.

FROM,
MEGA ELECTRONICS COMPANY Mgnt.

Bigla akung napa-yes! At nagtatalon-talon dahil magiging workmate kami ni Jay. Swerte nga naman oh!

"Huy lalaki! Anong nangyari sayo at nagtatalon-talon ka dyan at nagsisigaw ng YES?" nagtatakang tanong niya sa'kin.

Hindi ko nalang pinansin yung tinawag niya sakin. "You can't believe this! Grabe! Magiging workmate tayo nito Jay! Waaa!" Tili ko.

Nakita kung napalingon siya sa'kin at parang nagulat sa sinabi ko "Ano? Paanong nangyari yun?"

"Yung sinasabi mung company is.. magkaparehas sa kompanyang nag-offer rin sakin. Kaya magiging workmate tayo!" Natutuwang pag-eexplain ko sa kanya.

"T-talaga? Mabuti naman para mabantayan kita." Makahulugang saad niya pero hindi ko masyadong narinig yung huli niyang sinabi.

"May sinasabi ka?"

The Sossy Chic turns OrdinaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon