AIKOTahimik at kalmado pero kakaibang hangin. Kapag naramdaman ko ang mga iyan, ibig sabihin, maraming nakapaligid. Naghahanap ng taong guguluhin para tulungan sila.
Mabilis akong tumakbo palapit sa taxi'ng tumigil sa harapan ko para hindi na ako maunahan pa. Dahil kanina pa ako nauunahan sa pagsakay sa taxi. Pero wala. Hindi umaayon sa akin ngayon ang kaswertahan.
Tumingin ako sa taong biglang humawak sa braso ko dahilan para hindi ako tuluyang makasakay sa loob ng taxi.
"Gusto mo-" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang makita ang nasa tabi ng taong nakahawak sa braso ko. Kaagad akong umiiwas ng tingin at hindi ito pinansin. "S-sige sa'yo na lang." saad ko at mabilis na lumayo sa kaniya.
Pakiusap, 'wag muna ngayon.
"Share na lang tayo. Aiko, 'di ba? Nadadaanan ko ang inuuwian mo," pagpupumilit pa ng babae sa akin dahilan para mapatingin na rin sa akin ang kaluluwa na katabi niya. Kaagad akong tumingin ng deretso sa babae at tumango-tango para hindi malaman ng kaluluwa na nakikita ko siya.
Nauna akong pumasok sa loob ng taxi at kaagad naman na sumunod sa akin ang babae.
Napalunok ako nang makita ko sa peripheral ko na sumunod din sa loob ng sasakyan ang kaluluwang nakasunod sa babae. Sa harapan ito pumwesto at sunod naman niyang sinuri ang driver ng taxi na abala lamang sa pagmamaneho.
Bumaling na lamang ako sa bintana ng sasakyan at binalewa ang nakikita ko.
"Aiko? Your name sounds familiar," biglang pagsasalita ng katabi kong babae dahilan para gulat akong mapatingin sa kaniya. Pakiusap, 'wag kang magbabanggit ng kahit ano. "'Di ba ikaw 'yung estudyante na nakakakita ng mga umaaligid na kaluluwa? Mga multo, tama ba?" gulat nitong tanong sa akin na mas lalo kong ikinagulat.
Dala ng labis na kaba ay napayuko ako at napapikit. Ramdam ko na nakatingin na sa akin ngayon ang kaluluwa na kanina pa sinusuri ang driver ng taxi.
"H-hindi 'yon-"
"Oh, my. May multo ba ngayon dito sa loob ng sasakyan?" muli nitong tanong sa akin Kaya napatigil ako sa pagsasalita. Iniwasan ko naman na mapatingin sa harapan dahil ramdam na ramdam ko na sa akin na ngayon nakatutok ang atensiyon ng kaluluwang babae.
"Sus. Hindi naman totoo ang multo," saad naman ng driver.
Hindi na lamang ako nagsalita at hinayaan sila, maging ang kaluluwa ng isang babae na mukhang gusto na akong lapitan para humingi ng tulong.
Sa dami na ng kaluluwang tinulungan ko para makatawid sa kabilang buhay ay hindi pa rin ako nasasanay. Kung para sa iba ay ang astig ng kakayahan ko, para sa akin ay isa itong sumpa. Nakakatawang pakinggan na kaya kong makita, kausapin at tulungan Ang mga multo patawid sa kabilang buhay.
Pero mukhang ito talaga ang kapalaran ko. At wala akong magagawa doon. Nakakakilabot nga lang na nakakakita ako ng mga multong duguan sa araw-araw kong pamumuhay.
Iniabot ko ang bayad ko sa taxi driver at kaagad na bumaba nang tumigil ito sa kalyeng bababaan ko. Nagmamadali rin akong pumasok sa apartment na nirerentahan ko at isinara ang pinto.
Nagpalingon-lingon ako sa paligid ko pero mukhang hindi naman nakasunod sa akin ang kaluluwa na may dugo sa mukha at nakasuot pa ng mahaba at puting damit.
Sa totoo lang, hindi pa ako sanay sa kakayahan ko.
Inihagis ko ang bag ko sa maliit na couch na nasa gilid at nagtungo sa kusina. Pero mabilis din akong napatalikod nang makita kung sino ang naroon. Napalunok ako at dahan-dahan na naglakad palapit sa pintuan.
BINABASA MO ANG
Mourning Souls
Mystery / ThrillerWhen ghosts whisper their injustices, Aiko listens. With her extraordinary gift, she guided countless spirits to the afterlife. But her world is turned upside down by a mysterious presence - a ghost she can't see, only sense. As she's drawn into its...