KABANATA 5

9 1 0
                                    


Nanatili lamang akong nakatingin sa tabi ko na tila nakikita ko ang nagsasalita. Hindi ko man siya nakikita ay sigurado ako na isa siyang kaluluwa. Bukod sa hindi ko maintindihan ang kaniyang pananalita na mukhang espanyol, ipinagtatakha ko rin kung bakit hindi ko siya makita?

Nawala na ba ang kakayahan ko na makakita ng mga kaluluwa at ngayon ay tanging mga salita na lamang nila ang naririnig ko?

"¡No, puedes verme! (No, you can see me!)" muling boses ng binata ang narinig ko. "¡Vaya, alguien ya me está viendo! (Wow, someone is already seeing me!)" dugtong pa nito na tila nagagalak.

Pero sa halip na matuwa ako dahil mukhang nabawasan ang kakayahan ko, kinilabutan ako sa nangyayari. Hindi ko alam kung ano ang intensiyon ng kaluluwa na hindi ko nakikita. Baka sa pagkakataong ito ay magawa na akong saniban ng mga kaluluwa.

Kaagad akong humarap sa matandang lalake na kanina pa ako tinatanong kung 'ayos lang ba ako'.

"Ayos lang po kayo?" tanong ko sa kaniya.

"Ikaw ang dapat Kong tanungin niyan, hija. Hindi ka ba nasugatan o nasaktan?" balik tanong naman niya sa akin. Umiling-iling naman ako bilang tugon. "Bakit tila natulala ka kanina? Ano ang iyong tinitingnan sa iyong tabi?" nagtatakha pa nitong tanong sa akin.

Sa pagpipilit kong balewalain ang mga narinig ko ay kinabahan ako sa itinanong sa akin.

"M-may nakita po kase ako. Doon sa ilalim ng punong iyon. Akala ko ay tao, isang aso pala," kinakabahan kong tugon. Mabuti na lamang at hindi nila alam na kapag nagagawa kong bumuo ng kasinungalingan ay nauutal ako. Dahil kung hindi, mabubuko ako ng kaluluwang katabi ko.

"¿Qué? (What?)" isa na naman na salita ang narinig ko mula sa katabi ko na hindi ko nakikita. Kahit hindi ko naintindihan ang sinabi niya ay tila nabakas ko ang pagkagulat sa tono niya. Ilang sandali pa, narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Eso me asustó (That startled me)" saad nito na tila nabigo.

Tumayo na ako at inalalayan si lolo sa pagtayo. Medyo nahirapan pa ito sa pagtayo dahil na rin siguro sa katandaan at marupok na ang kaniyang mga buto.

Muli kong inilagay ang mga bulaklak sa bakol at nagpatuloy sa paglalakad habang nakaalalay kay Lolo na hindi ko pa alam ang pangalan.

Kung ano man ang gumugulo ngayon sa isipan ko, nakatitiyak ako na masasagot lahat ni tiyo Ramon.

Pumasok kami sa bahay nila Gael na bukas na lahat ng ilaw. Sakto naman na nakasalubong namin ang isang katulong nila. Mabilis niyang kinuha sa akin ang hawak kong bakol na may lamang mga bulaklak matapos sabihin ni lolo ang nangyari sa akin. Matanda na rin ito at mukhang siya ang mayordoma dito sa tahanan nila Gael. Base lang naman sa kaniyang tindig.

"May galos ka, hija," nag-aalalang saad sa akin ng matandang babae na kumuha sa mga bulaklak mula sa akin kanina. Hinawakan nito ang braso ko at doon ko lamang namalayan na nagkagalos nga ako. Sinuri pa nito ang ibang parte ng braso ko pero tanging iyon lamang ang galos ko.

"Ayos lang po ako," nahihiya kong wika.

"Panauhin ka rito kaya nararapat lamang na pagsilbihan ka namin at tiyakin ang iyong kaligtasan. At saka kailangan nang malinisan ang iyong galos," muli naman nilang sabi sa akin. "Tawagin mo akong Manang Anya. Siya naman si lolo Gilong. Iyon ay kung hindi pa kami naipakikilala ni señor." Kahit nahihiya ay ngumiti na lamang ako bilang pasasalamat at tugon sa kaniyang pagpapakilala.

Ang totoo niyan ay gusto ko na sanang umuwi kaagad para makapagtanong at makapagkwento na ako kay tiyo.

Pinaupo nila ako sa isang silya na kaagad ko namang sinunod. Umalis sandali si Manang Anya para kunin ang kanilang paunang lunas. Maging si lolo Gilong ay nagpaalam na pupunta na sa kaniyang silid para magpahinga. Kung kaya ako lamang mag-isa sa malawak na kusina nila Gael.

Mourning SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon