Nang matapos ang dalawang tagapalabas sa klase ay sunod na kaming tumayo ni Gael. Kami na ang pang-siyam at panghuling magpapalabas sa harapan ng buong klase.Isang linggo na ang lumipas mula nang ianunsyo ni Ms. Lani ang proyekto namin sa musika. At isang linggo ko na rin na pinag-iisipan kung sasabihin ko ba kay Gael ang tungkol sa kaluluwa ng kastila na narinig ko sa kanilang tahanan.
"Handa ka na?" tanong sa akin ni Gael nang nakapwesto na kami sa harapan. Nakaupo ako sa isang silya samantala ay nakatayo naman siya habang may hawak na mikropono.
Bukod sa magaling si Gael sa pagkompos ng mga liriko, nabiyayaan din siya ng magandang tinig. Na marahil ay siya ring hinahabol-habol Ng ibang kababaihan sa kaniya.
Tumango ako sa kaniya bilang tugon. Aminado naman ako na kinakabahan ako Lalo na dahil hindi ako sanay sa mga ganitong bagay. Sa sarili ko lang din pinapakita ang talento ko sa paggitara. Maging Kay tiyo Ramon ay hindi ko pinapakita ang paggigitara ko dahil hindi naman kase ako pasikat na tao.
Hindi ko gawain na ipakita sa mga tao ang mga bagay-bagay na Kaya ko.
"Hey, Gael. Baka kailangan mo ng dalaga na aaktong haharanahin mo?" tanong ng isa sa mga kaklase kong babae. Base sa itinatanong niya, alam kong isa siya sa mga tagahanga ni Gael. "I volunteer." nakangiti pa nitong dugtong.
Hinintay ko ang isasagot ni Gael na mukhang natuwa sa sinabi ng kaklase namin. Pero Kung ano ang isinagot niya ay siyang nagpa-ingay sa buong klase at ikairap ng kaklase namin na gustong magboluntaryo.
"No need. Aiko will play that role," tugon ni Gael na hindi ko kinibo. Ang gusto ko, matapos na ito kaagad para makabalik na ako sa upuan ko.
"Okay class, quiet down," pagpapatahimik ni Ms. Lani sa mga kaklase namin. "Maaari na kayong magsimula." Sabi naman niya sa amin ni Gael.
Umupo naman ako ng maayos at inihanda ang gitarang hawak ko. Ilang araw din kaming nag-ensayo kaya sana ay magawa namin ito ng maayos.
"Dalawang lenggwahe ang gamit namin. May tagalog version at Spanish," panimula ni Gael na siyang muling nagpa-ingay sa buong klase. Tila nasa isang konsiyerto kami dahil sa sobrang ingay ng sigawan nila. "Ang pamagat ng awiting ito ay 'Dumungaw ka, Aking sinta'. O sa spanish ay 'Mira Mi Amor'. Spanish Version ang uunahin namin." muling Saad ni Gael at sa pagkakataon na iyon ay tumahimik na ang lahat.
Mukhang nagagalak sila na marinig ang haranang kakantahin ni Gael.
Sinimulan kong kalabitin ang kuwerdasan ng gitara bilang pambungad sa harana na ginawa namin ni Gael.
[Mira Mi Amor]
Querido, escucha mi canción
Desde el corazón enamórate por tu cautivadora belleza
No lo niegues, cuelga tu corazón
Porque mi corazón anhela tu amorMira Mi Amor
Al menos puedo ver al menos un vistazo
Porque eres el único al que siempre amaré
Mi Amor es solo un regalo para ti, cariñoMira Mi Amor
Al menos puedo ver al menos un vistazo
Porque eres el único al que siempre amaré
Mi Amor es solo un regalo para ti, cariñoIsang masigabong palakpakan ang natanggap namin matapos kantahin ni Gael ang Spanish version ng kaniyang komposisyon para sa aming proyekto. Maging ako ay napapalakpak dahil sadyang napakagaling ni Gael sa pagkanta.
BINABASA MO ANG
Mourning Souls
Mystery / ThrillerWhen ghosts whisper their injustices, Aiko listens. With her extraordinary gift, she guided countless spirits to the afterlife. But her world is turned upside down by a mysterious presence - a ghost she can't see, only sense. As she's drawn into its...