KABANATA 7

6 0 0
                                    


Gulat akong napatingin sa tabi ko nang marinig ko ang sinabi niya.

May kaalaman din pala siya sa pagtatagalog. Pinabayaan pa niya akong pag-isipan kung tutulungan ko ba siya dahil sa Spanish language niya na hindi ko maintindihan.

"Nasaan ka?" tanong ko.

"Nakatingin ka ngayon sa mata ko, binibini," sagot niya sa akin. Mabilis akong napabaling Ng tingin sa ibang direksiyon dahil bigla akong nakaramdam ng hiya.

Ang daya. Siya, nakikita ako. Samantalang ako, hindi.

"Sabi na eh, naririnig mo ako," muli nitong pagsasalita. Hindi naman ako nakakibo dahil mukhang Wala na akong takas pa sa kaluluwa niya. "Pero katulad nga Ng sinabi ko, hindi ako hihingi ng tulong sa'yo." dugtong pa niya.

Sumandal ako sa inuupuan namin at kahit papaano ay napanatag na ako.

"Bakit naman ayaw mong magpatulong sa akin?" tanong ko sa kaniya. Nagtakha ako nang hindi siya kaagad sumagot sa akin. Gusto ko man siyang lingunan ay baka nakatingin din siya sa akin.

"Bukod sa wala kang kakayahan na makita ako, Wala rin akong naaalala tungkol sa sarili ko. Kaya paano mo ako matutulungan kung ang sarili ko mismo ay hindi ko kayang tulungan?" tugon niya sa akin. Nanatili lamang akong nakatingin sa magkapatid na tinulungan ko lamang noong nakaraang linggo. "Mas maraming kaluluwa ang may kailangan sa'yo. Masaya na ako na naririnig mo ako. Gusto ko lang naman ng makakausap." dagdag pa niya.

Ako naman ngayon ang hindi kaagad na nakapagsalita. Ano na lamang ang mangyayari sa kaniya kapag hindi ko siya natulungan? Mananatiling pakalat-kalat ang kaniyang kaluluwa? Paano na lamang kung nabubuhay pa pala siya? Tapos nasa bingit ng kamatayan ang buhay niya at kinakailangan na niyang ibalik ang kaniyang kaluluwa para makaligtas siya.

"Kung iyan ang desisyon mo," Saad ko matapos ang halo-halong bagay na inisip ko tungkol sa buhay niya. "Ano pala ang pangalan mo?" tanong ko sa kaniya at tumingin sa direksiyon niya pero mabilis ko din na binawi dahil Hindi ko naman siya nakikita.

"Hindi ko alam..." sagot niya at tila may nabakas akong kalungkutan sa kaniyang boses. "Pero 'iyong pangalan ng iyong kasintahan—"

Otomatikong napatigil siya sa pagsasalita nang gulat akong lumingon sa gawi niya.

Anong kasintahan ang sinasabi niya?!

"'Yong tinatawag nilang señor Gael sa bahay kung saan ako matagal na namalagi—"

"Hindi ko siya kasintahan." sabi ko na may halong diin. "Pero anong meron sa kaniya? Anong meron sa pangalan ni Gael?" tanong ko sa kaniya.

"Parang pamilyar sa akin ang pangalan na iyon. Maging ang kaniyang hitsura. Kapag tinatawag siya ng kanilang mga katulong na 'señor Gael' ay napapalingon na Lang ako bigla," kwento niya sa akin.

Bigla naman akong napa-isip. "Baka naman kamag-anak mo si Gael. Katulad nga ng sinabi mo, matagal ka nang namamalagi doon. Paano ka naman napunta doon kung wala kang koneksiyon sa kanila?" tugon ko na may kasamang tanong.

"Hindi ko alam. Basta matagal na ako doon. Minsan nga, kinakausap ko na lang si Lolo Gilong kahit hindi naman niya ako naririnig at nakikita. Hanggang sa dumating ka at muntikan ka pang mabagsakan ng sangang kahoy," saad naman Ng kaluluwang kasama ko. "Ang totoo niyan ako ang dahilan kung bakit nahulog ang kahoy na iyon. Hindi ko alam kung paano pero noong naapakan ko ang kahoy na iyon Mula sa itaas Ng puno, bigla na lamang itong nahulog na tila naramdaman ang bigat ko. At noong sinabihan kita na tumabi ka para hindi ka matamaan, nagulat ako kase tumabi ka nga. Doon na ako naghinala na narinig mo ako." kwento pa nito sa akin.

"At mula noong araw na iyon, doon mo na ako sinundan?" muli kong tanong sa kaniya. Sumagot naman siya sa akin ng 'oo'. Kung ganon, iyon ang dahilan kung bakit may kakaibang presensiya akong nararamdaman noong mga nagdaang araw. May nakasunod pala sa akin na kaluluwa na hindi ko nakikita. "Teka, ikaw din ba 'yung suminghot kanina?" tanong ko sa katabi ko na hindi ko makita.

Mourning SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon