Katatapos ko lamang sa pagluluto para sa hapunan namin ni tiyo Ramon. Pagdating ko kanina galing sa paaralan ay hindi ko siya naabutan. Maging ang kaluluwa ng babae na nakaaligid sa kaniya ay wala rin. Mukhang may pinuntahan sila dahil wala rin dito ang sapatos ni tiyo na nakakalat lamang at minsan lamang niyang gamitin.Ayos na rin iyon. Mukhang ngayon na lang muli lumabas si tiyo Ramon dito sa kaniyang tahanan.
Mukhang malaki ang koneksiyon ni tiyo sa kaluluwang kasama niya. Mukhang ito rin ang pumilit sa kaniya na lumabas. Sino Kaya ang babaeng iyon? Sino naman siya para mapapayag si tiyo na lumabas?
Mas nagiging interesado tuloy ako. Dahil kahit ako ay hindi ko mapagsabihan si tiyo Ramon.
"Ano ang inilagay mo sa isdang iyong niluto? Bakit amoy maasim?" biglang pagtatanong ni Soul na hindi ko alam kung nasaang sulok siya ng bahay ni tiyo naroon. "At ano ang tawag niyo rito?" dugtong pa nito.
Bigla akong napaisip dahil sa itinanong niya. Bakit parang wala siyang kaalam-alam kahit sa mga simpleng bagay lamang. Kung dito siya sa pilipinas nanirahan, hindi naman siguro iyon mawawala sa kanilang ala-ala. Malalim din siya magtagalog na hindi na masyadong sikat ngayon. Lalo na sa edad namin. Magkahalong tagalog at ingles na ngayon ang gamit ng karamihan. Maliban na lamang talaga Kung... nabubuhay pa siya noong sinaunang panahon. Malalim na tagalog at wala ring sinigang noon.
"Señorita? (Miss?)"
Nagbalik sa kawastuan ang pag-iisip ko nang marinig ko si Soul na nagsalita sa mismong harapan ko. Napaatras pa ako dahil sa gulat. Lalo na at hindi ko siya nakikita. Hindi ko alam ay masyado na pala siyang malapit sa akin.
"L-Lo siento, señorita (I-I'm sorry, young lady)" nauutal nitong saad na hindi ko naman naintindihan. Pero ang 'señorita' ay alam kong 'binibini'. 'Yun lang ang alam kong pinakamadaling salita ng mga kastila na kaya kong kabisaduhin.
"P-pasensya na. May iniisip lang ako," saad ko at hindi ko alam kung saan ako titingin. Naglakad na lamang ako papunta sa kabilang bahagi ng mesa at binuksan ang mangkok na naglalaman ng niluto ko. "Sinigang na isda ang tawag sa putaheng ito. Kung hindi mo nalalaman, mayroong produkto ngayon na sikat. Ang tawag ay 'sinigang'. Maari itong gamitin sa karne at isda. Nagaggawa nitong paasimin ang sabaw. Masarap, sana matikman mo." nakangiti kong sabi sa kaniya. At katulad ng dati, kung saan-saan na lamang ako tumingin.
Matapos akong ihatid kanina ni Gael gamit ang kotse niya, hindi ko namalayan na bumaba pala ako kasama si Soul. Hindi ko naman kase siya nakikita. Tinanong ko siya kung bakit at ang sabi lang niya ay gusto niya akong samahan muna. Lalo na at wala naman siyang ginagawa sa bahay nila Gael at wala rin siyang nakakausap doon.
Nagtungo ako sa kwarto ko at kinuha doon ang gitara ko na galing pa sa ama ko. Luma na rin ito pero pinakaiingat-ingatan ko pa rin. Lalo na at mahalagang tao ang nagbigay nito sa akin.
Sunod akong nagpunta sa likod ng bahay ni tiyo Ramon kung saan pwedeng tumambay at nakikita ang kalangitan. Umupo ako sa sahig at inayos ang pagkakahawak ko sa gitara.
"Kantahin natin 'yung 'Mira Mi Amor'," wika ni Soul na mukhang nakaupo na rin katulad ko.
"Kabisado mo?" tanong ko sa kaniya. Hindi na ako magtatakha kung paano niya nalaman. Sigurado ako na naroon siya noong ipinalabas namin iyon sa buong klase.
"Oo. Hindi ko nga rin alam kung bakit parang pamilyar sa akin ang harana'ng iyon. Maging ang iyong pagkalabit sa kuwerdasan ng gitara. Tila ba nangyari na ang bagay na iyon," tugon sa akin ni Soul na ikinaagaw ng atensiyon ko. "Pero marahil ay dahil ang inyong ginamit na lenggwahe ay aking lenggwahe. Kung Kaya ay madali lamang sa akin na ikabisado ito at nasasabi ko rin na pamilyar ito." dagdag pa niya.
BINABASA MO ANG
Mourning Souls
Mystery / ThrillerWhen ghosts whisper their injustices, Aiko listens. With her extraordinary gift, she guided countless spirits to the afterlife. But her world is turned upside down by a mysterious presence - a ghost she can't see, only sense. As she's drawn into its...