Inayos ko ang palda ng suot kong uniporme at maging ang kurbata sa blouse ko. Maaga pa pero gusto ko nang pumasok. Kinuha ko ang bag ko at nagtungo sa likod Ng bahay kung nasaan si tiyo Ramon at Mayumi."Tiyo, papasok na ako" paalam ko. Tumango naman sa akin si tiyo pero nanatili siyang nakatalikod sa akin. Mukhang gumuguhit na naman ito. Samantala ay lumingon sa akin si Mayumi at ngumiti.
Lumapit ako sa gawi nila at umupo rin. Isang nature landscape naman ngayon ang iginuguhit ni tiyo.
"Oh? Akala ko ba ay papasok ka na? Wala ka nang baon?" tanong sa akin ni tiyo at bahagya pa itong tumigil sa kaniyang ginagawa.
"Mayroon pa po," sagot ko. "Nagtatakha lang po ako, tiyo. Nagagawa rin po ba kayong hawakan ni Mayumi?"
Napatingin sa akin si tiyo at hindi kaagad nakasagot sa akin. Muli siyang bumalik sa kaniyang ginagawa at binalewala ako.
"Oo, nagagawa ko nga siyang hawakan," Napatingin ako kay Mayumi dahil siya ang sumagot. Lumapit Ito nang bahagya kay tiyo at nagulat ang huli nang hawakan ni Mayumi ang kamay niya at nagawa niya itong i-angat.
Napangiti ako ng pilyo, "Tiyo, oh. Sumasagi kayo sa isipan niya. Nagawa niya kayong hawakan." nakangiti kong biro sa kanila.
Hindi nakakibo si tiyo samantala ay mabilis naman siyang binitawan ni Mayumi. Napatawa at napailing na lamang ako. Tinapik ko ang balikat ni tiyo Ramon at ngumiti Ng pilyo sa kanila ni Mayumi bago tumayo.
"Pakasalan mo na kase, tiyo." saad ko.
"Pumasok ka na, Aiko. Mahuhuli ka,"
"Maaga pa po," tugon ko. Pero kinabahan ako Ng tingnan ako Ng seryoso ni tiyo. "Ito na po. Sige po, paalam."
Minsan lang maging seryoso si tiyo. At ngayon ay mukhang napikon ko siya. Mabuti pa nga at pumasok na ako. Baka utusan niya sa Mayumi na takutin ako.
Pagdating ko sa paaralan, wala pang masyadong mga estudyante. May iba na naguusap-usap sa ilalim Ng mga puno habang nakaupo sa mga benches. Nagtungo ako sa tambayan ko sa likod ng campus dahil doon talaga ang pahingaan ko.
Umupo ako at sumandal sa sandalan ng inuupuan ko. Malamig ang hangin na dumadampi sa balat ko.
Hindi ko maiwasang mapaisip. Nahanap na ni Soul ang nagpatibok sa kaniyang puso, pero bakit hindi pa siya tumatawid sa kabilang buhay? At ano naman kaya 'yung mga sinasabi niyang 'mga salita na galing sa puso'? Bukod doon, ano kaya Ang mangyayari sa babaeng iniibig niya? Siguradong masasakyan ito dahil hindi sila pwedeng magsama ni Soul.
Napamulat ako at napahinga Ng malalim. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Dahil sa bawat naiisip ko na malapit nang tumawid at umalis si Soul, may nararamdaman akong kirot sa dibdib ko. Tila ba... gusto kong manatili siya. Pero hindi pwede.
At sino ba naman ako para hilingin na manatili siya? Hindi naman ako ang babaeng nagpatibok sa puso niya. Isa lang akong tao na may kapalaran na tulungan siya.
"Sinasabi ko na nga ba, narito ka na naman."
Napalingon ako sa likuran ko nang may nagsalitang babae mula rito. Napatayo ako nang makita ang limang babae na papalapit sa gawi ko. Masama ang tingin ng mga ito sa akin at ang nasa pinakagitna ay nakahalukipkip pa. Nakasuot sila ng parehong uniporme na suot ko, pero hindi ko sila kilala.
"Uy, baka may kasama siyang kaluluwa." sabi Ng isa sa kanila at mabilis pa na hinawakan ang rosaryong suot niya.
"Tsk. Naniniwala kayo na nakakikita siya ng mga kaluluwa? Gawagawa lamang niya iyon para mapansin. Lalo na Ng mga kalalakihan," saad naman Ng nasa pinakagitna at inirapan pa ako. "Siguro ay iyon din ang paraan niya para makuha ang atensiyon ni Gael."
BINABASA MO ANG
Mourning Souls
Mystère / ThrillerWhen ghosts whisper their injustices, Aiko listens. With her extraordinary gift, she guided countless spirits to the afterlife. But her world is turned upside down by a mysterious presence - a ghost she can't see, only sense. As she's drawn into its...