Kanina pa ako tulala buhat ng pagtatakha. Halos hindi rin ako nakakain ng maayos kanina dahil naguguluhan pa rin ang isipan ko.Kaharap ko ngayon si Mayumi at lamesa lamang ang pagitan namin. Habang ramdam ko naman na katabi ko ngayon si Soul sa upuan.
Halo-halong katanungan ang bumabagabag ngayon sa isipan ko.
Kung kay Mayumi, maiintindihan ko kung bakit hindi niya naririnig si Soul. Pero kay tiyo Ramon. Nakakakita at nakakarinig rin siya Ng kaluluwa katulad ko. Pero bakit hindi niya narinig si Soul kanina?
Bakit ako lang? Anong mayroon sa akin? Ano ang mayroon kay Soul?
Napatingin ako kay Mayumi at nagulat pa ito dahil sa biglaan kong ginawa. Hindi ngayon kasali si tiyo sa katahimikan namin dahil kanina pa siya naghahalungkat sa kwarto niya. Hindi ko alam kung ano ang hinahanap niya.
"Hindi mo siya naririnig?" tanong ko kay Mayumi at tumingin sa tabi ko kung saan sa tingin ko naroon si Soul.
Dahan-dahan na umiling sa akin si Mayumi bilang tugon. Napahinga na lamang ako ng malalim. Ano kaya itong nangyayari?
Hindi kaya mas malakas ang kakayahan ko kaysa Kay tiyo Ramon? Kaya may mga bagay akong nagagawa na hindi niya kaya? Marahil ay ganon na nga iyon. Hindi naman siguro ito ang magiging dahilan ng pagkamatay ko. Hindi naman siguro ito isang sumpa.
Muli akong napatingin kay Mayumi na ngayon ay tahimik lang. Maaari kong kunin ang pagkakataon na ito para magtanong sa kaniya. Ngayon na wala si tiyo sa usapan namin.
"Ano ang koneksiyon na meron kayo ni tiyo Ramon?" bulong ko sa kaniya. Walang ikalawang palapag ang bahay ni tiyo kaya nasa malapit lamang kami sa kaniyang kwarto at kailangan kong bumulong.
Bigla naman itong nagulat dahil sa tanong ko. Marahil ay hindi niya ito inaasahan. O baka naman ay sinabihan na siya ni tiyo na 'wag magkukwento sa akin Kaya ganiyan na lamang ang kaniyang reaksiyon.
"'Wag kung ano-ano ang itinatanong mo sa kaniya, Aiko," seryosong wika ni tiyo Ramon na bagong labas lamang mula sa kaniyang kwarto.
May hawak siyang isang makapal at itim na libro. Maalikabok din ito kaya pinapampag ni tiyo habang palapit sa kinaroroonan namin. Umupo si tiyo sa tabi ni Mayumi at inilapag sa ibabaw ng kahoy na lamesa ang libro.
Tumingin sa akin si tiyo, "Sa akin ka magtanong kung may gusto kang malaman," seryoso nitong saad sa akin.
"Sus, hindi ka rin naman po sasagot kapag nagtanong ako," sabi ko naman. "Ano po ito?" tanong ko sa kaniya at tumingin sa libro. Gusto ko itong hawakan pero pinipigilan ko lamang Ang sarili ko. Lalo na at hindi kaaya-aya ang hitsura ng librong itim. Baka Kung ano ang bagay na ito.
"Matagal na rin mula noong huli ko itong nakita. Galing pa ito sa lolo ng lolo mo kung saan nagsimula ang kakaibang kakayahan sa ating lahi," kwento sa akin ni tiyo Ramon. Muli niyang kinuha ang itim na libro at binuksan ito. "Sa pagkakaalam ko, nakasaad dito ang tungkol sa isang kaluluwa na naririnig lamang ng isa o dalawang tao. Sa madaling salita, dito nakasaad ang tungkol kay... Soul." paliwanag ni tiyo at mukhang pilit pa niyang inalala ang pakilala kong tawag ko sa kaluluwang kasama ko.
"Nakasaad po riyan ang tungkol sa kasaysayan ng buhay ni Soul?" gulat kong tanong kay tiyo Ramon.
"Tungkol lamang sa sitwasyon ninyong dalawa. Kung bakit ikaw lamang ang nakakarinig sa kaniya. Bakit hindi mo siya nakikita at iba pa,"
Napatango ako. Kung ganon ay nakalahad sa libro ang dahilan at kasagutan kung anong panahon nabubuhay si Soul. Sa kasalukuyan ba o... noong panahon pa ng mga kastila. Pero kung paniniwalaan ko ang akala ko, matagal na siya rito sa mundo.
BINABASA MO ANG
Mourning Souls
Mystery / ThrillerWhen ghosts whisper their injustices, Aiko listens. With her extraordinary gift, she guided countless spirits to the afterlife. But her world is turned upside down by a mysterious presence - a ghost she can't see, only sense. As she's drawn into its...