KABANATA 2

17 2 0
                                    


Mabilis akong nakabalik sa tinutuluyan ko. Nakabukas pa rin lahat ng mga ilaw na ipinagtakha ko. Dapat nakapatay na ang mga ito lalo na at napakaistrikto ng land lady. Sarado naman ang mga pintuan ng mga ibang unit dito sa gusali kaya bakit nakabukas ang mga ilaw? Mapapagalitan kami nito eh.

Umakyat ako papunta sa ikalawang palapag ng gusali at napakunot ang noo ko nang makita ang mga gamit sa harapan ng unit ko na nakabukas ang pintuan.

"Sige, ilabas niyo lahat 'yan!"

Mabilis akong napatakbo palapit sa mga gamit ko at sakto rin na lumabas ang land lady at ang dalawa nitong tauhan.

"Oh, mabuti naman at nakabalik ka na. 'Di ba alam mo ang mga patakaran ko rito?" sigaw nito sa akin at nagawa pang sipain ang isa sa mga gamit ko na nakaimpake na. "Sige, lumayas ka dito sa apartment ko. Hindi ko kailangan ng mga pasaway dito." dugtong pa nito.

"Sapat naman po ang mga ibinabayad ko, 'di ba? At saka, sinabi ko na rin po na mayroon akong part-time job sa gabi. Kaya gagabihin talaga ako," paliwanag ko sa land lady.

Napangiwi ito na tila naiinis na sa mga pinagsasabi ko. "Anong part-time job?! Ikaw na bata ka, matagal mo na pala akong niloloko," muli nitong bulyaw sa akin. Napaatras pa ako nang tila kukurutin niya ako dahil sa kalokohan ko. "May nakakita sa'yo na kasama ang mga pulis. Akala ko pa naman ay nagtatrabaho ka ng maayos. Iyon pala ay gumagawa ka ng masama para lang mabuhay." saad pa nito na ikinagulat ko.

Hindi naman ako gumawa ng masama kaya ko kasama ang mga pulis kanina.

"Kaya sige, umalis ka na. At 'wag ka nang babalik pa rito,"

"P-pero gabi na po—"

"Aba! Wala akong pakialam. 'Di ba malapit lang dito ang tirahan ng tiyo mo, edi doon ka pumunta. Baka sakaling tanggapin ka niya ulit,"

Napahinga na lamang ako ng malalim at nagsimulang pulutin ang mga gamit ko. Naglakad ako paalis ng apartment at muling nag-abang ng masasakyan. Pero wala na masyadong pumapasok na taxi sa kalye na kinaroroonan ko. Kaya naglakad na lamang ako papunta sa bukana ng kalye kung saan maraming masasakyan.

Saan naman ako pupunta ngayon? Kay tiyo? Tsk. Baka mapalayas din ako non.

Pakiramdam ko lumulutang ngayon ang isipan ko. Parang wala ako sa katinuan habang nakatingin sa kawalan.

Habang patuloy sa paglalakad ay pumagilid ako nang may makasalubong ako at muntikan ko na rin siyang mabangga.

"T-teka, nakita mo ako?"

Napatigil ako nang marinig ang sinabi ng nasa likod ko na muntikan ko nang mabangga kanina. Napalunok ako at nanatili pa ring nakatalikod.

Mabilis kong kinuha ang cellphone na nasa bulsa ko at idinikit iyon sa tenga ko. "P-po? H-hindi naman po. Sige po. Oo nga po, eh," sunod-sunod kong wika at nagpatuloy sa paglalakad. Pinakiramdaman ko rin kung sumunod sa akin ang kaluluwang nakasalubong ko. Pero mukhang naniniwala naman siya na may kausap ako sa telepono at hindi ko siya nakita.

Wala na nga akong mapupuntahan tapos kailangan ko pang umiwas sa mga kaluluwa na nagpapagala-gala kapag gabi.

Pagkarating ko sa labas ng kalye na pinanggagalingan ko ay kaagad akong pumara ng masasakyan at sinabi sa driver Ang lugar na pupuntahan ko.

Kung maaari lang ay iniiwasan ko ang lumabas tuwing gabi. Dahil sa mga oras na ito ay gumagala ang mga napakaraming kaluluwa.

Sa sobrang pagod na nararamdaman ay sumandal na lamang ako sa upuan sa loob ng taxi at naghintay. Ilang sandali pa ay narating na namin ang destinasyon ko. Nagbayad at nagpasalamat ako sa taxi driver bago bumaba ng sasakyan. Tumingin ako sa bahay na nasa harapan ko na matagal ko na ring hindi nakikita. Lumapit ako rito at saglit na tumayo sa harapan ng pintuan.

Nakabukas pa ang mga ilaw at kung hindi ako nagkakamali, tiyak kong kumakain pa lang siya ng kaniyang panghapunan. Katulad lang ng dati niyang gawain. Late kumain.

Huminga ako ng malalim at saka lakas loob na kumatok ng tatlong beses sa kaniyang pintuan. Ilang saglit pa, narinig ko na ang mga yabag papalapit sa pintuan. Bumungad sa akin ang seryosong mukha ng tiyo Ramon ko kaya ngumiti ako. Pero sa halip na ngitian niya ako pabalik ay mabilis niyang isinara ang pinto.

"Tiyo naman! Kailangan ko ang tulong niyo. Wala na akong ibang mapupuntahan," wika ko at kinatok-katok ang pintuan ng bahay ng tiyuhin ko. "Pinalayas ako sa apartment na tinutuluyan ko."

"Gumawa ka siguro ng kalokohan," sita naman sa akin ng tiyo ko. Alam Kong nasa likuran lang siya ng pintuan na kaharap ko Kaya naman alam kong patutuluyin niya ako dito sa tahanan niya. Pakipot lang muna.

"Hindi po. Kailan ko pa sinayang Ang oras ko para lang magloko?" tanong ko. Importante sa akin ang bawat Segundo ng buhay ko Kaya naman hindi na ako nagsasayang ng oras para magloko. "Ayun, pinagkamalan ako na masamang tao ng land lady namin dahil nakita nila ako kanina na may mga kasamang pulis." paliwanag ko habang nanatili Lang na nakatayo sa harapan ng pintuan.

"Eh, bakit ka nga ba may mga kasamang pulis?" muling tanong ng tiyo ko.

Huminga naman ako ng malalim, "May... tinulungan akong kaluluwa," tugon ko at bahagyang napapikit.

"Ayan na nga ba ang sinasabi ko, eh. Tapos ngayon, nagpunta ka pa dito? Hindi ba hinanapan na Kita ng bagong matitirhan dahil gusto ko ng tigilan Ang pagtulong sa mga kaluluwang nakikita ko," mahabang litanya ng tiyo ko. Ito ang dahilan kung bakit ako nagdalawang isip na pumunta dito, eh. "Alam mo naman na ayaw ko na sa mga kaluluwa. Tapos ngayon na gusto mo na namang tumira dito, sigurado akong dito na naman tatambay Ang mga kaluluwa na gusto ng tulong natin."

"Eh, tiyo, alam ko naman iyan. Kaso Wala na talaga akong ibang mapupuntahan," Saad ko. "At saka, 'di ba hinabilin ako ng mga magulang ko sa inyo? Eh, bakit pinapabayaan niyo na ako? Sige kayo, tatawagin ko ang mga kaluluwa nila para kulitin kayo. O Kaya naman ay sasabihin ko rin sa mga tinutulungan Kong kaluluwa na nakikita niyo rin sila." pananakot ko sa tiyuhin ko. Bahagya pa akong lumapit sa pintuan at pinakinggan Kung ano ang magiging reaksiyon niya.

Biglang nagkaroon ng maliit na siwang ang pintuan na nasa pagitan namin ng tiyo ko. Sumilip din si tiyo roon na tila may hinahanap sa paligid ko.

"Wala bang nakasunod sa'yo?" tanong niya sa akin. Nakuha ko naman na 'kaluluwa' ang ibig niyang sabihin. Mabilis akong tumango-tango, "Sige na, tuloy na."

Mabilis akong tumuloy sa bahay ng tiyuhin ko at tila nakahinga na ako ng maluwag. Ayos, hindi ko na naman poproblemahin ang bayad sa upa. Alam Kong libre ang pagpapatuloy sa akin ng tiyo ko dito.

#

Mourning SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon